50 meters
40 meters
30...
20...
10...
Zooooooommm!
"Woah!" Hiyawan ng mga manonood ng matalo ko ang kilalang Lightning Zeus sa mundo ng speed racing.
Ng makababa ako sa sasakyan ay nagtama ang mga mata namin. Kunot noo niya akong tinitigan na para bang hindi siya makapaniwala na natalo siya ng isang tulad ko.
I smirked. "Better luck next time." He threw a bag full of money at me and I caught it easily. The deal was that whoever loses the race shall pay a sum of 50,000 pesos in cash.
Lucky for me I won and I sincerely needed the money. Mayaman naman kami at hindi problema ang pera. But I want to experience earning money with my own hard work. Hindi pangkaraniwan ang ginagawa kong pagkita ng pera. This is what I can do for now besides I'm still studying and is under the concern of my parents.
Nang matapos kong i-check ang pera ay agad akong nagtungo sa aking big bike at pinaandar yun para makaalis na. Hindi pa ako nakakalayo sa arena ay may dalawang motor ang humarang sa aking daraanan. Huminto ako para masilayan ng mabuti ang motor na kanilang ginamit. Maya-maya ay may dumating na sasakyan at sa puntong ito alam ko na kung sino sila.
"You think I would let you go that easily?" naglalakad siya papalapit sa akin. "Not so fast." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagkatitigan kami.
"What do you need?" tanong ko sa kanya ng hindi inaalis ang tingin.
"the key"
"Huh? The key? What key?" nagtataka ako sa sinabi niya.
"I said the key."
"I don't know what you're talking about." Naglakad na ulit ako ng bigla niyang hinila ang aking braso at kinapkapan ang pants ko.
"Hey! Stop it!" tinabing ko ang kamay niya kaya mukhaa siyang nairita.
"Stand still will you?" may kinuha siya sa bulsa ko at ipinakita ang susi ng sasakyang ginamit ko kanina. Medyo nahiya naman ako sa nakita.
"You could've said the car's key. I didn't mean to bring that." Mabilis akong nakasakay ng big bike dahil sa kahihiyan at umalis sa lugar na iyon.
~*~*~*~*~
"It's 6:30 p.m. where have you been?" nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Kuya Zero?!" dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. He also did the same.
"Missed me little sis?" sinapak ko siya sa braso.
"Why haven't you replied to my messages and calls?!"
"I'm sorry ok? Things are quite hectic. Ni wala na nga akong panahon para mag relax doon."
"Aww you're getting haggard big bro!" niyakap ko siya na parang naaawa. Note the sarcasm.
"Hey! Walang ganyanan!" na tawa ako sa reklamo niya.
"So have you eaten dinner?" tanong niya sa akin.
"Not yet. Nagugutom na ako."
"Well then, let's eat." Nagbihis ako bago sumakay sa sasakyan niya. Malaki ang pinagbago ni kuya. His features became more masculine and he became more mature than he was before.
"Tunaw na ako sis." Hindi ko namalayang titig na titig pala ako sa kanya. "namiss mo ang gwapo kong mukha?" tumawa siya sa sarili niyang sinabi.
Tss. May mga hindi pa rin pala nagbago sa kanya hanggang ngayon. He's still that person full of confidence na kung minsan ay mapapailing ka na lang sa mga pinagsasabi niya.
"Bro, may naging---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang nag brake si kuya at napamura siya sa daan.
Nakita kong may sumulpot na itim na sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang plate no. nito.
Yun ang ginamit ko sa racing kanina.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...