Raven's POV
With an average speed of 120 kph, I quickly manipulated the car causing friction between the wheels and the surface of the race track. It feels great to be able to hold the stirring wheel again.
Pinili ako nang Student League para mag-represent sa school during the sportsfest, specifically on the car racing event. Alam na naman nila na ako ang nakatalo kay Thunder kaya ako ang isinalang nila sa laban.
Sa horseback riding naman si Zariya, archery si Tiara, track and field si Isabelle, swimming competition si Alexis at sa javelin throw si Brenda. Lahat kami nasa women's division at ang ibang mga athletes naman ay sa by team nilagay. Kasama na doon ang anim na mga lalaki nang Kappa Phi Sigma na maglalaro nang basketball.
"1 minute and 46 seconds for 5 laps. That's a great start." sabi ni Alexis habang hawak ang stopwatch.
"I gotta do better than that." sabi ko at kinuha ang bote nang tubig saka ito nilaklak.
"I'm next! Sa pool area tayo!" sabi ni Alexis at naunang pumunta doon.
"Bruha, galingan mo ah!" sabi ni Tiara sa gilid ko.
Ilang minuto ring nag-ensayo si Alexis bago siya nagdesisyong magpahinga. Matapos na makapag-ensayo kaming lahat ay nagdesisyon silang panoorin ang paglalaro nang mga lalake sa court.
"Uy, Alexis ha, napapansin ko na parati kayong seryoso kung mag-usap ni Ark anong meron ha? May nakikita na akong spark." pag-uumpisa nang topic ni Tiara.
"Hoy babae, porket ba nag-uusap nang masinsinan ang dalawang tao may spark na agad? Eh mas may spark pa nga kayo ni Cody eh. Away dito, away doon, boom! sabog! Yun yung spark!" at nagtawanan naman sila. Natawa na rin ako.
"May point ka nga naman. Init sa init aba pagsumabog nagiging dahilan nang sunog." dagdag pa ni Brenda.
"Kaya naman pala maraming bagay ang nasisira eh." si Zariya na naman ang sumabat. Pano kasi pagnag-aaway ang dalawa tapon dito, tapon doon kaya ayun basag.
"Hoy, hoy! Pinagkakaisahan niyo na ako eh! Isabelle Raven! Ipagtanggol niyo ako!" sabay kapit niya sa braso namin dalawa. Nagkatinginan naman kami sabay irap sa kanya.
"Hahahaha asa ka pang tutulungan ka nang dalawang yan!" tatawa tawang sabi ni Alexis.
"Edi magsama kayong lahat!" sabay walk-out niya. Nakarating naman kami sa court at may iilang nanonood sa practice game nila.
Sa gitna nang paglalaro ay tumahimik ang buong gym kasabay ang pagpasok nang grupo ng mga lalaki. Napatigil ang lahat at napako ang tingin sa mga lalaking ito.
"Nice reflexes you've got." sabi nang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay nakatagpo namin noon sa isang event.
"What are you doing here, Storm?" tanong ni kulog.
"Nothing, I was just paying a visit. And oh...checking out some hot chics." ngumisi at dumako ang paningin niya sa pwesto ko. Malapit lang naman ang inuupuan namin sa kanila kaya naririnig ko ang mga pinagsasabi niya.
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. That's it I remember now, Storm Orlov was his name.
"If you have some concerns about the upcoming sportsfest, then we can talk about it in the office." nauna nang maglakad ang presidente pero sandali pa bago niya inalis ang titig na iyon. Those stares.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...