Raven's POV
Balik klase na naman matapos ang camping namin. Team AB ang nanalo sa Bravery Test at kami naman sa overall.
Naalala ko pa noong gabing iyon ang mga lalaking nakita ko sa kakahuyan. At ang taong tumakip sa bibig ko para hindi ako makatili. Si Thunder pala iyon di ko naman alam kung paano niya ako nakita sa lalim ng pinaggulungan ko pababa.
----
"The School Festival is fast approaching." panimula ng adviser namin. Oo nga pala sa wakas naman makakapag relax na ako.
"The student body just announced that every class must have their booth. Pwedeng game booth, food booth or souvenir booth. Any kind as long as may mai-showcase tayo. So any suggestions?" sabi ni teacher Jane.
Kung anu-ano na ang pinagsu-suggest nila at wala naman akong pake roon. Gusto ko lang mag pahinga at kung pwede ay matulog.
"I vote Raven Hope Albreck." napabuka ako ng mata nang marinig ang pangalan ko. Isinusulat ito sa bo--- teka lang,
"Para saan ba yan?" tanong ko na sinagot naman ni Sheena.
"Elected ka para mag represent ng section natin sa Mr. & Ms. Skyfest 2017."
"I decline."
Napalingon ako sa nagsalita at kita ko si Thunder na nakatayo. Buti naman at naisipan niyang magdecline dahil kung siya ang magiging partner ko ay ako na mismo ang gagawa.
Nagsilabasan na ang lahat dahil oras na para pumunta sa kani-kanilang clubs. Sa totoong lang musika ang hilig ko kaya doon rin ang punta ko.
Pumasok ako ng tahimik at naupo sa tabi. Band auditions ngayon at ang mga mapipili ay magtatanghal sa last day ng festival.
"Welcome students. We are happy to know that many of you are interested to join this club. To start with, I want everyone to think of a song and play it or sing it infront for everyone to hear. We will just be choosing randomly so Good luck."
Ilang minuto pa ang nakalipas at nagsimula na silang kumanta sa harap. Di ako sanay sa mga ganito pero alam ko namang marunong akong kumanta at tumugtog ng gitara.
"Albreck" tawag ng isa sa mga moderator. Pumunta naman ako sa harap at inayos ang gitara.
Lahat sila ay nakatitig at naghihintay. Pwede pa bang magback-out? Hindi na. Sabi ko nga eh.
I met you in the dark,
You lit me up
You make me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held you hair back
When you were throwing up
And you smiled over your shoulder
For a minute I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said I already told you
I think that you should get some rest
I knew I needed you
But, you'd never know
Cause I played it cool when I was scared of letting go
I knew I needed you
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...