Chapter 4 - Stupid Pranks

91 3 0
                                        



So far everything is well. Nang mag-lunch na ay dumiretso ako sa cafeteria. Mabuti na lang at self-service sila dito maco-control ko ang kain ko.

I was able to find a table at the far end corner of the room. Nagsimula na akong kumain ng makita kong nakatuoan ang mga mata nila sa akin. Hindi ko iyon pinansin.

Hindi nagtagal may bumagsak na bola ng volleyball sa aking tray at nagkagulo ang mga pagkain. Matalim kong tinitigan ang nagtapon ng bola at nakita kong apat silang mga babae na naka sports uniform.

"Oops sorry nadulas!" nagtawanan sila habang kinuha ko ang bola at tumayo.

Ang sarap sapakin ng babaeng to! Ang bastos! Kumakain yung tao tapos tinapunan niya ng bola! Hindi ba siya nakapagaral ng maayos at bakit walangya ang ugali niya?

"This is our table." Seryoso niyang sabi.

"What is happening here?" may dumating na grupo ng mga lalake at aba boyfriend pala si mr. sapatos ng babaeng ito.

Lumapit ako sa kanya at hindi pinansin ang lalaking nasa tabi niya.

"I don't care if this is your table. Learn to show manners cause you act like you don't have one." Pinasa ko sa kanya ang bola at napaatras naman siya sa lakas ng pag pasa.

Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Nawalan na ako ng ganang kumain. Nang makarating sa classroom ay napansin kong wala ang aking bag sa upuan.

Hinanap ko iyon at nakitang nasa basurahan na at puno pa ng kung ano-anong pinaglalagay nila. Tss can't they do better than this? Sanay na ako sa mga ganito. Nang makabalik ang lahat sa room ay parang walang nangyari. Tss



~*~*~*~*~

Kinabukasan maaga akong pumasok. Dumiretso agad ako sa locker para ilagay ang mga gamit ko pero pagkabukas ng aking locker ay tumambad ang mga marurumi at mababahong napkins.

Ugh! This really stinks. Sinarado ko na lang iyon at umalis na papuntang classroom. Pagkarating ay agad akong umupo pero huli na ng mapansin kong punong-puno ng glue at paste ang aking upuan kaya ang lapot sa pakiramdam.

Nagtawanan sila at pati yung lalakeng mukhang sapatos natawa na rin. Tss. Pagmalaman ko lang na siya ang pasimuno ng mga pinaggaagwa nila sa akin ay humanda siya.

He's so cheap kung para lang sa sapatos ay maghihiganti siya ng ganito. I can buy him a dozen pair of shoes if he want to. Tss.

Lumabas nanaman ako ulit at nagpunta ng CR. Nagpalit ako ng palda at binasa ko naman ang isa saka tinanggal yung mga glue.

Maya-maya ay may pumasok na babae at mukha siyang duguan pero alam kong ketchup lang yon. Mantsado ang kanyang puting uniform kaya hinubad niya at hinugasan. Buti na lang may suot siyang sando.

"You won't be able to remove that." Sabi ko sa kanya.

"Yeah I know." Sagot niya habang kinukusot ang damit. Kumuha ako ng extra blouse mula sa aking bag at binigay iyon sa kanya.

"Wear that." Nakatitig lang siya ng ilang Segundo sa akin saka iyon tinanggap.

"Thanks"

Lumabas ako mula sa CR at kinausap ang janitor tungkol sa upuan at locker ko. Buti na lang maaga pa at nalinis niya naman iyon eksakto sa oras bago magsimula ang klase.

Pagkatapos ay wala nang nangyaring iba pa hanggang sa mag-uwian.





The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon