Chapter 7 - Lap Of The Gods

46 3 0
                                    


Papasok na naman ako sa lugar kung saan maraming demonyo ang kumukuta. Himala na lang at walang nangyari sa akin sa buong umaga ng araw na ito.

Nang matapos ang lunch ay bumalik ako sa classroom pero walang katao-tao. Nagtaka na ako kung bakit wala na ring kahit isa na estudyante sa hallway pati na sa ibang rooms. Nag bell na ah, saan kaya ang mga tao dito?

Lumabas ako ng building at sa di kalayuan ay may nakita akong babae na naglalakad papuntang gym.

"Miss?" tawag ko sa babae pero hindi siya lumingon kaya tinawag ko ulit siya.

Hindi pa rin niya pinansin ang tawag ko at mas bumilis ang kanyang lakad. Hinabol ko siya hanggang sa makapasok sa gym.

Pagkapasok ko ay wala ring katao-tao. May babaeng lumapit sa akin at nakilala ko na agad siya. Si Shy. Naka jacket siyang itim at may nakaukit na agila sa bandang dibdib nito na kulay silver.

Tinitigan niya ako mata sa mata. I can see sadness in her eyes even though she's 3 meters away from me.

"Trust me." She mouthed and with that a basin full of flour rained down from the roof.

The next thing I knew she was gone and students crowded around throwing tomatoes and raw egg at me. All of them are wearing identical jackets as hers.

Kada tama ng itlog sa aking ulo o katawan ay nababasag at masasabi kong masaya silang makita ang isang tao na nahihirapan.

Hindi pa nakuntento ay binuhusan nila ako ng isang gallon ng cooking oil kaya malagkit sa pakiramdam. Ang sarap suntukin ng gumawa noon pero wala akong nagawa.

Iniiwasan kong makatagpo ng gulo pero mukang ako na talaga ang sinusundan nito. Ayoko nang ma-office at malipat ng paaralan nakakapagod narin kasi minsan.

Being a bad-ass is tiring and sometimes you might want to have a break. Kaya sinisikapan kong magpakabait kahit ngayon na lang dahil huling taon ko na naman.

"Prituhin na yan!" rinig kong sigaw ng isang lalake at nagtawanan lahat.

Sunod kong nakita ang mga gamit kong nakatumpok sa aking harapan at kasalukuyang binubuhusan ng gasolina. I can tell by the smell of it.

Saka nila ito sinunog sa harapan ko mismo. Mga libro, notebooks, ballpen, tumblr, PE Uniform pati na ang bag at wallet ko.

"Let's move on to round two." One student from the crowd said and they went on throwing tennis balls at me. It's a good thing my head wasn't hit because I would surely faint with the impact.

"This school isn't some ordinary institution." Sabi ng isang babae na may hawak na empty tray ng itlog. "What you experienced is a part of what you'll learn."

"And you just faced the 'lap of the gods'." Dagdag ng isa pang lalake at nabalot ng katahimikan ang buong gym.

Sa kabilang entrance nakita kong papasok ang grupo ng mga lalaking naka dark red jacket at katulad ng iba ay may nakaukit rin na agila pero ang sa kanila ay kulay gold.

Pito silang lahat at tumatabi ang mga madadaanan nilang estudyante. Nakakatakot silang titigan at intimidating ang kanilang aura.

"Strength is essential in life. Without it you are weak." Sabi ni Theo Suander Valdemore. Ang lalaking nasa gitna at nakatitig sa akin ng walang kaemo-emosyon.

Ngayon napatunayan kong siya nga ang may pakana ng lahat ng ito. Tinitigan ko pabalik ang kanyang mga mata ng walang pagaalinlangan.

Lumapit siya ng ilang hakbang at may idinikit sa noo ko. Kinuha ko iyon at binasa. 'Expelled' ang nakalagay kaya natawa ako ng konti tapos ay tinapon ko ito sa kanya.

Nagulat sila sa ginawa ko pero itong lalaking kaharap ko at ang kanyang mga kasama ay parang wala lang sa kanila.

Umatras ako ng konti saka siya tinalikuran at umalis. Naglalakad ako ngayon palabas ng campus na walang dala kundi ang cellphone ko na sa awa ng Diyos ay nakaligtas sa kaguluhan at nasa bulsa ko lang. Sumakay ako ng taxi pauwi. Mabuti na lang at nasa bulsa lang rin ang pera ko.

Humilig ako sa upuan at hahawakan na sana ang kwintas ko nga mapansin kong wala ito sa leeg ko. Nataranta ako at doon lang napagtanto na nawawala ang bagay na iyon. Sh1t. I'm really going to kill him.

Tss. Expelled huh? Sorry to bust your bubble but I don't follow orders. Like what I said, I do things my way. And now by what you did, the games had just begun.

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon