Pagkatapos ng nangyari sa cafeteria ay kanya kanyang pasok na sa mga classrooms, habang ako ay papuntang gym para sa PE class namin. Naka tayo ako sa may entrance ng maramdaman kong may mangyayari talaga sa oras na tumapak ako sa loob nito.
Para makasigurado, hinila ko ang isang babae na kanina pa masama ang tingin sa akin. Nagpupumiglas siya pero wala ring nagawa. Kasabay ng pagtulak ko sa kanya ay bumukas ang sliding door at doon ko napatunayan na may balak nga sila.
Basang-basa ang babae sa pintura at hindi siya makapaniwala. Iniwan ko siya doon at patuloy sa paglalakad papasok. Kita kong dismayado ang aking mga kaklase dahil hindi ako nabiktima. Of course, I know better.
Dumating ang instructor at nagsimula na ang warm ups nang matapos ay hinati ang klase sa dalawa para sa first game na volleyball.
Noong una, ok pa ang laro pero kalaunan ay nag-iiba na ang takbo nito. Napapansin kong ako ang madalas na pinapa receive ng bola at ako rin ang madalas na pinupuntirya.
Mabuti na lang at na set ng kasamahan ko ang bola kaya nagawa kong i-spike pabalik sa kalaban. Hindi nila yun nagawang i-block kaya nagkapuntos kami at nag advance ng dalawang puntos.
"Nice one guys!" sabi ng team captain namin na walang ginawa kundi ipasa ang bola sa iba.
Natapos ang laro sa 35-36 at kami ang nanalo habang ang kabilang team naman ay nanghihinayang sa isang puntos na pagkatalo. At bilang parusa sa pagkatalo ay sila ang magliligpit sa net at magsasauli ng mga gamit sa property custodian.
"Ayoko talaga sa mga taong nagmamagaling. Tss desperada." Sabi ng isang babaeng player sa kabilang team.
"Oo nga, nagpapasikat akala mo naman kung sino." Sabi pa ng isa na taas baba ang mga mata.
"Ayoko rin sa mga taong hindi makatanggap ng pagkatalo. Mas nagmumukha lang silang mga desperado." Sabi ko ng hindi lumilingon kaya natahimik naman sila.
Diretso akong pumunta sa washroom at nag shower. Pagkatapos ay nagbihis ulit ako ng uniform at dumiretso sa aking panghuling klase.
Pagdating doon ay kakasimula lang ng discussion. Kumatok ako sa pinto para naman ipakita na kahit papaano may galang ako sa mga tao dito kahit na mukang hayop ang kanilang mga ugali.
"May I know the reason why you are late ms. Albreck?" tanong ng teacher sa akin.
"I came from the gym ma'am. We just had our PE classes." Saka ako umupo sa may pinakadulong bahagi ng room kung saan nandoon rin ang isa pang lalakeng naka hood at parang natutulog.
"Ok, so we will be having an activity for this period. I will be giving you handouts then you will be working by pair. Of course, with your seatmate, you are given five minutes to do it."
Tumingin ako sa gilid kung saan ang lalakeng walang imik. Wala akong choice kundi puntahan siya at gisingin mula sa kanyang pagtulog. Tinapik ko siya sa likod pero walang nangyari. Inulit ko pa pero hindi parin kumibo.
Nainip ako kaya tinanggal ko na ang hood at saka nakita ang pagmumukha ng isang Thunder Valdemore. Nagising siya sa init na dumapo sa kanyang pisngi at lumingon sa kinatatayuan ko.
Napansin siguro niyang may activity na nagaganap kaya umupo siya ng maayos.
"Do it yourself." Sabi niya at ibinalik ang atensyon sa kanyang pagtulog.
"No, you help." Sabi ko rin sabay tanggal sa headset na kanyang ginagamit. Nainis siya sa ginawa ko kaya napatayo siya at hinarap ako. Matalim siyang tumitig sa akin at tinitigan ko rin siya pabalik.
"What's with the commotion there?" tanong ng guro at atensyon nila ngayon ay nasa amin na. "Both of you, take your seats! We'll start the recitation with you mr. Valdemore."
"What is a Triangulation Method and how does it work?" tahimik ang buong klase at naghihintay sa isasagot namin.
"I see that you have a good combination, the late comer and the class sleeper. Now you answer my question." Tumawa ang mga estudyante sa kanyang sinabi.
"A Triangulation Method is a technique used by seismologists to verify the location of an epicenter during the occurrence of an earthquake. It works with the use of at least 3 seismic stations that records the energy released by the earthquake also known as, seismic waves. Wherever these 3 stations intersect is the area where the earthquake is most observed."
Matapos ang kanyang pagsagot ay dinala niya ang kanyang bag at diretsong lumabas ng classroom. Wala nang nagawa ang guro kaya pinagpatuloy na lang niya ang kanyang pagtuturo.
~*~*~*~*~
"Nakita niyo ba yung sasakyang pula? Naku kawawa talaga! Sayang Chevrolet pa naman." Usap-usapan ng ilang mga lalake habang nag lalakad.
Nasa pathway ako ngayon at papuntang parking lot ng makita ko sa di kalayuan ang mga estudyante na may pinagkakaguluhan. Nang makarating ako doon ay nagkalat ang mga spray paint na walang laman sa sahig.
I walked towards the car realizing that that was mine. I saw these vandals cursing me to hell and the doors and windows covered with paint. Tss I knew it.
Galit kong binuksan ang aking sasakyan at padabog na tinapon lahat ng mga dala kong gamit saka tumingin sa mga estudyanteng nagkakagulo. Di nagtagal ay may sasakyang huminto sa harapan ko kaya napaatras ang mga taong nakatingin.
"Galit kaba?" sabi ng isang babaeng lumabas mula sa sasakyang iyon at naglakad papalapit sa akin. She smirked looking from me to my car.
"Tsk, tsk, tsk, poor thing. Sino kayang may gawa niyan?"
"Tss. Faking sympathy huh? Don't act like you have no idea what you have done." Mariin kong sabi.
"You really believe I did that huh? Show me your evidence then."
"I have no evidence." Sabi ko sa kanya. "but I have this!" sabay tapon ko sa bola ng baseball sa kanyang sasakyan kaya basag ang windshield nito. Nabigla naman ang mga nakakita at hindi sila makapaniwala sa nangyari.
"Now, tell me! Sino ang gumawa nito sa sasakyan ko kung ayaw niyong madamay ang mga sasakyan niyo!" ma awtoridad kong sabi sa kanila pero walang nagsalita.
I got my baseball bat out of my car ang headed for another vehicle. "Wala talagang sasagot?" isa isa ko silang tiningnan pero wala talaga kaya binasag ko ang isa pang bintana ng sasakyan. Napasinghap naman sila pero walang nagsalita.
Babasagin ko nanaman sana ang isa pang sasakyan ng may humawak sa bat ko. Tiningnan ko siya ng matalim at si Thunder pala iyon.
"What do you want?" tanong ko sa kanya.
"Stop it." Sagot naman niya.
Binaba ko naman ang bat at tumingin sa kanya. "Ok, if you say so..." sabay sipa ko ng malakas sa gulong gamit ang boots kong may patalim kaya nabutas ito. Mabilis akong nakalabas sa paaralang iyon.
All along they thought I wouldn't be able to fight back. Sad to say I showed kindness but was just treated like a shit. Serves them right.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...