Maaga akong nagising sa tunog ng aking alarm clock. 6:oo am na at 8:00 am naman ang start ng class. Hindi ako maarte sa paghahanda kaya mabilis akong natapos. Wala na rin akong mga make-up na pinagaabalahan kaya ok lang. Bumaba ako suot ang school uniform.
Ang kj nga nila eh. Unang araw sa pasukan uniform agad. Di ba pwedeng civilian muna sa first day? Tss. White long-sleeved top with navy blue stripe necktie, 2 inches above the knee skirt with the same color and then I decided to wear my black boots.
Pagdating ko sa kusina ay wala pa si kuya. For sure tulog yun.
"RH galingan mo sa first day ah?" bungad ni yaya Cecille sa akin habang nilalapag ang mga pagkain.
"Ipagdasal niyo po ako na hindi makakita ng gulo." Natawa siya sa sinabi ko.
"Ikaw talaga. Oh ano ipapahatid ba kita kay Ron-Ron o magmamaneho ka na lang?"
"Kaya ko na sarili ko yaya. Wag na mag-alala."
~*~*~*~*~
Pagdating ko ay sumalubong sa akin ang napakalaking gate. Maraming mga sasakyan ang pumapasok at lumalabas sa kabilang daanan.
Pinarada ko ang aking Chevrolet at saka bumaba. Dumiretso ako sa registrar's para kunin ang susi ng aking locker. Tumunog na ang bell pero naghahanap pa rin ako sa assigned room sa akin.
"Left wing, 2nd floor Section Gemini" nagmamadali akong umakyat sa hagdanan papuntang second floor. Pagdating ko ay agad kong binuksan ang pintuan at tumambad ang mga matang nakatitig at ang mapanuring mata ng teacher. Shit.
"Miss Albreck right? I heard you're the new student." Mahinahong sabi ng teacher.
"Yes you're right." Mahina kong sagot.
"Where are your manners?!" bigla siyang nag-burst out at muntik na akong mapatalon. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. "Hindi kaba marunong kumatok?!" nanlilisik ang kanyang mga mata as if to threaten me.
"Well I'm sorry. I was in a hurry just so I could catch up with your time." Diretsahan kong sabi at natahimik ang lahat. Seryoso akong tiningnan ng guro at bumaling siya pabalik sa klase.
"Next time someone is late for class, you'll face detention. Take your seat."
Naglakad ako papuntang dulo ng classroom kung saan ang isang bakanteng upuan. You'll really feel uneasy especially when everyone is staring at you. Great, just great. First day of class and I already faced embarrassment. Worst? I had it with the teacher at first period.
Tumingin na lang ako sa kabilang side ng classroom kung saan ang mga bintana at doon ko nakita ang hindi ko inaasahang makita dito. Ang lalakeng nakaagawan ko ng sapatos kahapon. He smirked. Now what?
---------
Guys, you are free to do whatever you want vote, comment, share. Baka isipin niyo maldita ako, hindi naman mukha lang haha.
Thanks for reading! ;)
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...
