Cody's POV
Isang normal na araw lang sana ang lahat. Naglalakad kami nina Jordan, Ark at Harris pasulyap-sulyap lang sa mga magagandang babae, pakindat-kindat lang. Yun lang sana eh. Kaso nang papasok na kami sa Green House ay bumulagta sa aming harapan ang isang babaeng duguan.
"Shit men!" napatalon ako sa gulat. Agad namang nilapitan nina Jordan ang babae.
"Miss? Miss!" niyugyog pa siya ni Ark pero ang tangi niyang nasabi ay 'help' at nawalan na siya nang malay. Agad naman namin siyang pinapasok sa Green House kung saan sina Thunder at ang mga babae naghihintay.
Naghihingalo na siya na parang nahihirapan huminga. Aish malamang Cody sa dami ba naman nang sugat niya at damit na puno nang dugo? Sinong tao naman ang maghihingalo sa tuwa niyan? Magisip-isip ka nga. Teka,
"Guys? Si Shy ito hindi ba?" tanong ni Jordan. Mukhang ngayon lang rin niya napagtanto. Aba oo nga. Di ko rin namalayan.
"Yes, she is." sagot ni Thunder at pinulsohan siya. Hinubad ni Thunder ang blazer na suot niya at tiningnan ang bandang tiyan. Nagkukulay violet na ang sugat niya at pati na rin ang ilang mga ugat nito.
Pero kahit ganon ang ganda pa rin pala nang hubog nang katawan niya maputi at makinis. Ngayon ko lang nakita si Shy na nakaganyan. Fishnet stockings, shorts, white sando na nabahiran nang dugo, itim na blazer na hanggang bewang tapos boots.
"Woah sexy." yun na lang na sabi ko at mabilis pa sa alas kwatrong na batukan nanaman ako nang babaeng ito. Ano bang problema neto at bakit ako na lang parati ang pinupuntirya?
"Hoy ikaw! sumosobra kana a!" turo ko kay Tiara na bored lang akong tiningnan.
"Pioson. She needs immediate treatment kung hindi ay di siya tatagal." sabi ni Thunder at tatawag na sana nang tulong pero hinawakan siya ni Shy at tahimik na umiling.
"Raven. She knows how to handle this."
"Pero na saan ba siya?"
"Sa headquarters!" agad na tumakbo si Zariya palabas habang sila ay nagkakagulong maghanap nang paunang lunas.
"Cody! bantayan mo muna si Shy! Ihiga mo sa may sofa bilis!" sabi ni Alexis habang kumukuha nang tubig.
"Ha?! bakit ako?!" tangina naman oh! takot ako sa mga ganito!
"Wag ka nangang mag inarte diyan! Gawin mo na lang!" sigaw ni Ark sa kabilang dulo. Itong dalawang ito, nagdududa na talaga ako. Parati ba naman akong pagtutulungan.
"Oh Lord Jesus, tulungan mo ko. Tulungan mo po ako." Tahimik kong usal habang kinakarga si Shy patungong sofa. Sa lahat nang ayaw ko ay yung mga ganitong pangyayari.
"H-how d-did you even b-become a g-g-gangster if your a-afraid of th-this?" nahihirapang sabi ni Shy na patawa-tawa pa kahit umuubo na siya nang dugo.
"At nagawa mo pa talagang insultuhin ako eh no?" utang na loob guys! bilisan niyo! di nagtagal ay dumating na sila dala ang isang batyang tubig at mga malilinis na tela. Sandali lang rin at dumating na si Raven.
"What is it this time?"
"Pioson. We don't know what could be the cause but we have to find out so treat her first." agad na lumapit si Raven kay Shy at tiningnan ang tiyan nito.
"What in the world happened to you Shy?" agad siyang naglakad patungo sa may mga halaman.
"What are you looking for?" inip na tanong ni Thunder.
"Just a second, I'm sure I found some of it in here..." she was rummaging on the pile of plants here inside the Green House. "Aha!" sabay hila ni Raven sa isang halaman kasama ang ugat. "Isabelle, clean the roots properly and boil them. Jordan give me a mortar and pestle I have to pound the leaves." inoobserbahan lang namin siya sa ginagawa niya.
"Woah Raven, di ko inaakalang may dugong albularyo ka pala!" ngiti-ngiti kong sabi nang mapansin kong may dadapo na namang kamay sa batok ko.
At tama nga ako! Aba-aba ikaw babae ka, napapansin na talaga kita. Napapadalas na yang ginagawa mo. Okay lang naman na sabihin mong uhaw ka sa atensyon ko hindi yung nanakit kapa. Tssk. Binawi naman niya agad ang kamay niya.
Nang matapos nang gilingin ni Raven ang mga dahon ay piniga niya ang katas nito sa sugat ni Shy at tahimik naman siyang napadaing sa sakit. Matapos mapiga ay kumuha siya nang parang ointment saka pinahid sa sugat. Matapos noon ay kumuha siya nang panibagong dahon at hinugasan iyon sa mainit na tubig saka tinakip sa sugat. Mukhang na himas-masan naman si Shy.
"Ba't hindi na lang natin siya dalhin sa ospital?" tanong ko.
"We will, but after her condition stabilizes."
Saktong dumating si Isabelle dala-dala ang mga ugat nang di namin kilalang halaman. Kinuha naman agad iyon ni Raven at binali saka pinaamoy iyon kay Shy. Mabango naman pala ang amoy noon, parang strawberry menthol na ewan. Huling pinainom ni Raven si Shy nang pinakuluang katas nang ugat nang halaman at agad siyang nakatulog.
"She must wake up within 5 hours. If not, do everything you can to wake her up." ambang tumayo na siya at paalis na.
"Where are you going?" tanong ni Alexis.
"I'll just grab some antiserum for her. Be right back." saka siya nawala na parang bula.
---------------------------
[Raven's POV]
I wasn't mistaken. It was a tattoo that I found on her hip line. A small tattoo that I don't know if they had seen it but...it was one of those mafia Valdemore tattoo, the tattoo for the assassins of the group. I have no idea how she got it but one thing's for sure. We must know what she is hiding and her connection with Theo.
Pabalik ako sa base ngayon para kumuha nang isa sa mga koleksyon ko sa antiserum. I can't remember when I've started to make these rainbow colored elixirs but I am sure it is because of my past experiences that led me to find formulas.
Noong nasa London kasi ako puro gangsters ang nakakabangga ko. Some were very skillful, others were clever. I was once piosoned and it took them a few days before they got the right antidote. Mga private and personal doctors lang naman namin ang gumawa noon. Since then, I started to make my own combination of elixirs. Yun rin ang dahilan kung ba't ako nagkaroon nang kaso dahil nga umabot sa school ang dapat ay sa labas lang nangyayari.
"Cyanide...cyanide..." mahina kong banggit habang hinahanap iyon sa maliit na shelf. Nalaman ko rin kani-kanina lang na Cyanide poisoning ang dahilan nang nangyari kay Shy. I am aware that it might be applied on the dagger used to stab her. Kaya naghanap ako nang halaman para paunang lunas sa kanya. I also let her smell the scent of the root para ma-absorb iyon nang utak niya at hindi na kumalat pa.
I got the yellow liquid and placed it safely inside my jacket. It looks like we have an interrogation to do.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...
