Chapter 60 - Grand Reunion

36 0 0
                                        

*8 years later*

Inilagay ko sa gilid nang lapida ang mga sariwang bulaklak na aking binili. Tahimik ang buong paligid at tanging tunog lang nang mga puno na nagsasayawan sa hangin ang maririnig, mga naghuhulugang dahon at huni nang mga ibon. Payapa ang buong paligid.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Here lies the grave of a man so brave, a great leader to his people and a very good father.

Sir Caesar Pierre
1918-1994

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Here lies the grave of a woman so courageous, a skillful fighter and a loving mother.

Madame Cassandra Pierre
1920-1994

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Tahimik kong binasa sa aking isipan ang mga nakaukit sa lapida. Kung hindi dahil sa inyo, wala kami ngayon. At kundi hindi dahil sa sakripisyong ginawa niyo ay malamang wala nang nabubuhay na Imperyo ngayon. Wala na lahat nang mga naabot namin sa buhay. Wala na. Pero dahil sa ginawa niyo, ang pangalan at kapangyarihan nang ating pamilya ay nagpapatuloy hanggang sa araw na ito. Thank you so much, grandmama and grandpapa. Your legacy will live upto the next generations of this family. Your memories will forever remain.

Shy calling...

"Hello?"

"Asan ka na? Nandito na kami!" nababatid ko ang sabik sa kanyang tono at pananalita.

"Papunta na ako diyan."

"Okay, bilisan mo ah! Hindi ka pwedeng mahuli!" rinig ko naman ang maingay na paguusap at tawanan sa kabilang linya.


It has been eight years since that dreadful day. All of us were able to move on. Ngayon, may kanya-kanya na kaming mga trabaho. Si Shy ay nag take-up nang kurso sa Law at ngayon ay namamahala na sa isa pinakamalaking law firm nang mga Valdemore. Si Zariya ay naging isang Flight Attendant habang si Jordan naman ay naging Pilot. Madalas ay magkasama silang bumibyahe palabas nang bansa.

Si Alexis naman ay nagtapos sa pagiging Accountant at ngayon ay isa nang bank President. Si Ark naman ay isang Engineer na at nagtatrabaho sa labas nang bansa at may sarili nang kumpanya. Palibhasa matitinik sa Mathematics ang mga ito kaya iyan ang napili nilang kurso. Si Brenda ay Real Estate Owner na habang si Andrei ay naging CEO sa kumpanyang ipinamana nang kanyang mga magulang.

Si Isabelle naman ay nagtapos sa kursong Forensic Science sa Harvard University at ngayon ay magkasama sila ni Harris na isa na ring kilalang FBI Agent sa paglutas ng mga krimen. At eto pa ang nakakaloka. Si Tiara at Cody ay malapit nang i-engage sa katapusan ng Abril. Kilalang Chef si Tiara sa isang 5 star hotel and restaurant na pinapatakbo naman ni Cody. Nagsama pa talaga ang dalawa eh. Di na nahiya sa ibang mga empleyado.


Si kuya Zero ay abala na sa mga pagbabagong gusto niyang ipatupad sa Kumpanya at Empire dahil sa kanya pinamana ang dalawa. Si ate Thalia ay nagtungong Paris, France para sa pagbubukas nang ika-pitong branch nang kanyang Clothing Line. Si kuya Zach ang nagmana nang Ganglia Empire at siyang namamahala sa kalakalan at pakikipag-ugnayan. Si Thunder naman ang nagpapatakbo nang mga malalaking kumpanya sa loob at labas nang bansa. Habang ako? Siyempre isa nang magaling na Doctor sa sarili kong hospital at ipinagmamalaki kong wala pa niisa sa aking mga pasyente ang namamatay. Maliban na lang sa katandaan.

Lahat kami ay abala na sa aming mga sariling buhay. Pero hindi parin nawawala ang isang parte nang aming pagkatao. Ang pagiging isang fighter. Sa pisikal man, mental o emosyonal, alam naming kaya naming labanan ang anumang pagsubok na darating.

Nang makarating, ay agad kong pinarada ang sasakyan sa carpark. Mabilis kong nilakad ang distansya papunta sa loob nang gym. Rinig na rinig mula sa labas ang musika.



You can find a million words
To build a wall of fear
Sit behind the wall
Imprisoned here

Take the time to step today
To who you're meant to be
And turn your dreams to plans
So you can breathe

Say hey, hey wake your heart
And break, break, break apart
The walls that keep you
From being you



"Raven!" sabay yakap sa akin ni ate Thalia. "Puntahan mo na ang unggoy dahil nakasimangot na naman. Paano kasi nagpupumilit na puntahan ka dahil baka kung ano na raw ang nangyari sayo. He's too paranoid." bulong niya sa akin at napatawa naman ako. Yes, he is.

"The program is about to start, bakit ngayon ka lang?" tanong niya nang makaupo na ako.

"I visited our grandparents." sabi ko na lang.

Nagsimula na ang program. Isa-isang tinawag ang mga taong magbibigay nang speech. This event is the first anniversary and grand reunion of the school since the day it was closed. Lahat nang mga classmates at schoolmates namin noon ay nandirito. Tumingin ako sa ngayon ay nagsasalita na si Cindy. Ang team captain ng volleyball team five years ago.

"Those were the good old times. I can't express how happy I am to be chosen as one of the Guardians of the School. We are to maintain peace and order within the campus and it was an honor and pleasure to do so." pagsasabi niya habang nakangiti.

"Kaya ba sila naghahanap nang gulo noon?" bulong ko kay Thunder na napatawa nang bahagya.

"Hindi, akala nila ikaw ang nagdadala nang gulo kaya parati ka nilang kinokontra. Putulin mo na kasi yang mahabang buntot nang gulo sa likod mo." natatawa niyang sabi. Sinapak ko na.

"I already did. 5 years ago." Kung makapagsalita akala mo naman inosente siya. Nang matapos magsalita si Cindy ay bumalik ang Emcee.

"Thank you, Ms. Cindy Parco for sharing that great experience. And now, to formally cut the bow and open a new future for the next generation of students, let's give a hand for Mr. Storix Mason Pierre!"

Oh did I mention that our Empire bought the school, the land and the rights? Si Storm ang appointed ni kuya Zero na mamamahala nito. Si Taylor naman ay sa isang kumpanyang inilaan para sa kanila.

"Good day, Ladies and Gentlemen, It is my pleasure and honor to be here today. Some of you might be wondering how I became the new Head Master of this new institution. It would take time if I explain the details chronologically but, there is one thing I can assure you. I, Storix Mason Pierre, as long as I am here, the school, the students, the faculty and everything in it will be kept safe and secured, from this day forward, the school will no longer be named Night Sky Academy but shall be called Sky High University." masigabong palakpakan ang ibinigay kay Storm.

Agad kaming nag group hug nang makumpleto na ang lahat. At sabay-sabay na lumabas sa lugar kung saan kami nagsimula, nagkakilala, bumuo nang samahan at naging matatag.

Walk, walk towards the light
And don't stop till you live your life
Like someone died for you

This is the time to try
Step out, your life is waiting
And as you fall
You'll find that you can fly

School maybe tough as hell. So as life. But it is within the four corners of the room that we learn to be independent and to be wise. It is within the school that we are shaped by our experiences. A place where your dreams become a reality. Where challenges may crush you but still you come out stronger than before, where everything started and everything ended.

Take risks and see where it takes you.

- - - - - - - - - - - - THE END - - - - - - - - - - - -


Hi guys! Kung nagawa niyong umabot hanggang dito, maraming, maraming salamat talaga sa pasensya at tiyaga niyo sa pagbabasa. Inaamin kong medyo bitin yung huli sorry kung ganoon. This is my first story and I am looking forward to learning more from this. Kung may lapses ba o kung ano man ay magagawa ko nang maimprove pa sa susunod na mga kwento. Thank you so much and mwah! 😉😘

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon