Raven's POV
Matapos ang lahat nang mga nangyari, hindi maikakailang balik pasok na naman kami. Parang walang nangyari noong nakaraang linggo. Ngayon ko lang rin nalaman na may bomba pa lang sumabog sa Corvus Science Building sunog ang pangatlo at pang-apat na floor at isa ang patay. Sabi nila Andrei hindi raw siya namatay sa sunog kundi namatay siya sa saksak nang kutsilyo sa leeg.
I don't know but is it just a coincidence? or he was killed because of the task I gave him to do? Ang estudyanteng namatay ay isa na naman sa tatlo kong mga trusted runners. Hindi ko na talaga maintindihan ang takbo nang mga pangyayari sa loob at labas nang paaralang ito.
Naglalakad kami ni Shy papuntang cafeteria nang makita ang isang batang umiiyak. Naisipan naman naming lapitan na lang siya at tanungin kung ano ang problema. Hindi pa kami masyadong nakakalapit nang bigla siyang tumingala sa akin. Doon ko siya nakilala.
"Thyler?" lumapit siya para yakapin ako sa bewang. Nabigla naman ako sa ginawa niya pero hinaplos ko na lang rin ang ulo niya para tumahan na siya sa pag-iyak.
"What happened? Why are crying?" tanong ni Shy.
"A-a man wants t-to get me. But kuya said I m-must stay here." takot pa rin siyang nakayakap sa akin. Saan pala ang kuya nang batang ito? Ba't naman niya iniwan ang kapatid niyang nagiisa.
"Thyler" napalingon naman ang bata sa tumawag at agad itong tumakbo papunta sa kuya nito. "What happened?"
"He said a man wanted to get him." sagot ko sa tanong ni Thunder.
"A man?" paguulit niya. Tumango naman ang bata. "C'mon let's get you something to eat. What do you want?" tanong niya sa bata habang kinakarga ito. May binulong naman si Thyler at napatingin sa amin si Thunder.
"You sure?" tumango lang ang bata. Di nagtagal lumapit sa akin si Thunder at
"Stay with mommy while daddy buys you some ice cream." pinandilatan niya ko nang mata na parang nagsasabi na sumabay na lang ako. Binalikan ko naman siya nang mata na nagsasabing anong kalokohan na naman ito?
Tumawa pa nang mahina si Shy habang ako naman ay binuhat na lang si Thyler. Dinala namin siya sa cafeteria. Pagkapasok namin ay nakatuon agad ang pansin nang mga tao sa batang kinakarga ko sa aking mga kamay. Umupo kami sa isang bakanteng mesa at pinaupo ko naman siya sa kandungan ko.
"What did you whisper to your kuya?" tanong ko sa kanya. Ngumisi ito nang matamis at sinabing...
"I told him to act like dad and you will act like mom."
"Where's your mommy Sandra and daddy Theodore?"
"Oh they were out of the country. I don't know why." ah kaya pala namimiss na nito ang mga magulang niya.
"Here's your ice cream." binigyan kami ni Thunder nang tigiisa. Isusubo ko na sana ang ice cream nang siniko ako ni Shy. Nakangangang binalingan ko ang magkapatid na nakatitig lang sa akin.
"What?" kinuha ni Thyler ang ice cream na kakainin ko na sana at ibinigay iyon kay Thunder.
"Dad, you serve it to mom." ngingiti-ngiti niyang sabi. Ang cute talaga nang batang ito! Ang taba nang pisngi sarap kainin.
Natawa nang konti si Thunder at diretsahang isinubo ang ice cream sa bunganga ko. Tong lalaking to hindi na lang talaga dinahan-dahan. I was chewing the food when familiar voices broke our silence.
"Happy Familyyy!" sabay-sabay na sigaw nang limang kumag at limang bruha. Tuloy nabilaukan ako at napaubo-ubo sa biglaan nilang pag dating. Langya.
"Hindi kayo nagpasabi na may pamilya na pala kayo?" salita ni Alexis nang maka upo siya sa gilid ko. Nagsiupuan naman na ang iba at nag paalam na rin si Shy para sa susunod niyang klase.
"Teka, sino ang kutong lupang yan?" turo ni Cody kay Thyler na saya-sayang kumakain nang ice cream. Binatukan naman siya ni Andrei habang nakatanggap siya nang nanlilisik na mga mata mula sa akin at kay Thunder.
"Hoooy chill! Nagtatanong lang eh!"
"Ilagay mo kasi sa lugar yang mga salitang ginagamit mo!" sermon na naman sa kanya ni Tiara.
"He's my younger brother." sabi ni Thunder. Nanlaki naman ang mga mata nila at pabalik-balik na tinitigan si Thyler at ang kanyang kuya.
"Ah kaya pala. No wonder your eyes and his are the same." sabi ni Isabelle.
Dahil half-day lang ang klase naming lahat ay ang iba bumalik sa dorm at ang iba naman ay namasyal sa Sky City. Napag-isipan naman namin na dalhin ang bata doon para ma-enjoy naman niya ang pamamalagi dito sa school. Ginawa na rin niyang tita at tito sina Alexis at Ark habang si Andrei at Brenda ang ninang and ninong. Sina Cody at Tiara naman ang naging yaya at yayo niya.
"Hindi na ako magtatakang naging magkapatid kayo Thunder. Akalain ba namang gawin akong yayo nang kapatid mo." pagrereklamo niya habang nakaupo kaming lahat sa iisang mesa at tinitingnan si Thyler maglaro.
"Mas mabuti naman yon kaysa gawin kang clown." sabat ni Ark at nagtawanan kami.
"Nga pala, kamusta na ba ang imbestigasyon sa nangyaring sunog noong nakaraang linggo?" tanong ni Ark at natahimik naman kami.
"May nakuhang weapon ang mga pulis sa crime scene at isa iyong F-S dagger."pinakita niya ang litrato sa amin. "Surely the man who used that against the victim is an expert in handling knives. Kung ordinaryong tao lang ang papatay hindi siya basta-basta makakakuha nang ganyang dagger pero sa tingin ko galing siya sa isang organisasyon na hindi pa natin kilala."
Nagkatinginan kami ni Alexis at alam kong iisa ang nasa isip namin. May nakita kaming ganyang klase rin nang sandata sa lumang bahay na pinasukan namin a few days ago. Yung mga patalim na nakita namin sa ilalim nang kama ay katulad nang nasa litrato.
"What made you say na galing siya sa isang organisasyon?" tanong ni Alexis.
"Because I have a feeling that he wanted to steal some important documents na nakapaloob sa 4th---" hindi natuloy ni Andrei ang kanyang sinasabi nang biglaang sumigaw si Thyler mula sa playground.
"Shit." Napamura ako nang makita siyang nakaupo na sa isang sanga nang kahoy at may dalawang malalaking aso ang tumatahol sa ibaba nito. How did he got up there?
Sabay naming pinuntahan ang puno habang ang mga lalaki ay tinataboy ang mga aso. Ligtas naman na nakababa si Thyler. Namumutla siya at isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Maya-maya pa ay nakatulog na siya.
Nagpasya na lang kami na bumalik sa dorm at ihiga sa kama nang kuya niya si Thyler. Ngayon lang rin ako nakapasok sa kwartong ito. He surely likes grayscaled colors. Mula sa pader, hanggang sa kama at pati ang mga gamit dito ay gray kung hindi naman ay puti o itim.
----------
"Theo, Raven, thank you and sorry for my busy sched. I couldn't trust anyone to watch over him. Though it's just for a day." sabi ni ate Thalia. Susunduin na kasi niya si Thyler mula sa trabaho. Nakasandal lang naman ang bata sa balikat nang kanyang kuya.
"It's ok. It's so boring anyway." sagot ni Thunder sa kanyang ate habang pinapasa na si Thyler.
"Wait" sabi nito at ngumisi sa amin. "Kuya, can you give ate Raven a kiss on the cheek?" ngingiti-ngiti naman niyang sabi. Mahinang nagtawanan sina Alexis sa likuran namin.
"W-what?" ang nasabi ko na lang.
"Are you sure?" ngiti-ngiting sabi rin nang loko sa gilid ko. Tumango lang si Thyler. Walang pasabing hinalikan niya ako sa pisngi. Naghiyawan naman ang mga hinayupak at pati si ate Thalia ay napangisi nang wala sa oras.
"Okay, say goodbye now Thyler." sabi nang ate niya at nag wave naman siya nang kamay sa amin. We did the same. Nang makaalis naman na sila ay diretso akong naglakad pabalik nang dorm para maiwasan ang posibleng kantsawan nang mga loko sa amin.
---------------
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...