Raven's POV
Alam na ni Shy ang tungkol sa Fiancé and the contract thingy. Ang di niya alam ay ang tungkol sa Empires at mga gangs. Wala naman akong planong sabihin sa kanya.
Naghihintay ako ngayon sa loob nang aking Chevrolet. Magkikita daw kami dito sa Fashion Boutique na pagmamay-ari nang pinsan ni Thunder sa side nang kanyang Mama.
Tsk. Ugali ba niyang paghintayin ang mga babae? Kalahating oras na akong naghihintay dito at ang pinakaayaw ko talaga ang pinaghihintay. Maya-maya may nag park na BMW sa tapat ko at paniguradong siya na yon.
"Sorry I'm late. Galing pa akong airport kakarating lang ni ate Thalia mula L.A." tinitigan ko lang siya at wala akong sinabi. "What? are you just going to stare at me like that?"
Pagkapasok namin sa loob ay may sumalubong na isang magandang babae. Blondy yung buhok niya at para siyang model. So much for their genes, magaganda at gwapo talaga. I admit may itsura naman talaga ang mokong na yun kung di lang dahil sa ugaling tigre niya.
"Theo!" sabay hug at beso nila. "So, is she the one?" tanong nang babae at nakangisi pa, tumango-tango naman siya at hindi ko alam kung anog ibig sabihin non.
"Sort of, just fix her and we'll go. I'll tell you everything when I get back."
Sa pag sabi niya noon ay may tinawag yung pinsan niyang babae na mga assistant at dinala nila ako sa likuran nang boutique kung saan may personalized parlor/salon doon.
"So you're the famous Raven, am I right?" tanong niya sa akin.
"Mmm" tumango naman ako nang tahimik.
I'm getting a little curious. Famous? Kinukwento niya ba ako sa pamilya niya or sa mga pinsan lang? Why would he even do that? We're just fake and there's no strings attached within that contract.
"This is the first time he brought a girl in my boutique. Often times he just stops here to buy a gift for Thalia. His older sister." sabi niya habang inaayos ang buhok ko.
I don't know but I feel guilty. They're just so kind and good. Now I wonder if his family also knew what he's been doing.
Nahihiya tuloy akong humarap sa kanila. Teka, kailangan ba talaga? Litsugas naman oh! Ano ba itong pinasok ko?
Ikaw kasi Raven, hindi ka nag-iisip marami pa naman sigurong paraan pero sa dinami-dami noon dito lang pala ang bagsak mo? Shame on you.
"And there, were done." pinaharap niya ako sa salamin.
Wow, just wow. Ngayon ko lang na appreciate ang sarili ko. Nag mukha na talaga akong tao. Curly hair, light make-up, hindi naman kasi ako mahilig sa mga dress-up and makeovers minsan lang pag may mga big events ang kompanya namin at kailangan kaming pumunta. The rest of the days? Huh. Loose t-shirts, ripped jeans, caps, rubber shoes and backpacks. You know, the typical school girl.
"After fantasizing yourself in the mirror wear this dress and flats here." tumawa siya at tinuro ang sofa. May floral dress na tube tapos flats na sandals para naman akong pupunta sa kung saang beach nito per sinuot ko na lang.
Nang matapos akong magbihis ay lumabas agad ako sa kwarto. Nakita ko si Thunder at yung pinsan niyang nagtatawanan. Nakabihis na rin siya nang pang beach rin na Polo at shorts.Natahimik naman sila nang makita ako.
"Beautiful." pag komento ni ate Raine narinig ko silang naguusap at Raine pala pangalan niya.
"Uhm thanks ate Raine. I owe you one. Now let's go." sabi ni Thunder at nauna na siyang maglakad palabas.
"Tss." ibang klase, lumingon naman ako kay ate Raine at nagpasalamat sa kanya sabi niya wala daw problema dahil minsan lang naman daw yun nanghihingi nang pabor.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...