Raven's POV
"My liege, something went wrong on our transaction with the Shazadi Group..."
"What the hell happened this time?"
"We were on the road to their main hospital when an ambush met our way..." rinig ko ang mabibigat niyang hininga at ang putukan nang mga baril sa kabilang linya.
I was driving as fast as I could to their current location. I've already sent my men to back them up but seems like it isn't enough. I stopped the car about 100 meters away and hid it within tall bushes. There were about 2 carriers and 10 black cars, they were already emptying the van filled with narcotics and high-powered weapons. The Shazadi men were already down, it looks like these group of men already knew about the transaction and that they were only waiting for the perfect time to do their work.
Nang dumaan na ang mga sasakyan nabigla na lang ako nang makita ko na naman ang simbolong iyon. Ano ba talaga meron sa simbolong iyon? Ang basag na pusong sinaksak nang espada at koronang may tinik.
Naghihinala na talaga ako na ang mga taong nasa likod nang pangyayari sa loob nang paaralan at sa underground society ay iisa. Iisang simbolo, iisang tao pero bakit? Anong kailangan nila?
Hindi ko na namalayan kung saan ako napadpad basta sinundan ko lang ang mga sasakyang nagsagawa nang ambush kanina. Naglaan ako nang distansya para hindi ako makita at sa di kalayuan ay pumasok sila sa napakalaking gate na pinapalibutan nang mga armadong lalaki. Isa lang ang pumasok sa isipan ko.
The Black Synod
Ano ba ang meron sa kanila at bakit wala akong impormasyong nalalaman. Imposibleng hindi sila kilala nang mga taga underground society kung talagang makapangyarihan ang imperyong iyon o baka naman inilihim lang nila dahil sa may nangyari nga noon?
Nagdesisyon akong bumalik sa base at ipagpatuloy ang pagsusuri nang mga delikadong dokumento. Baka sakaling makahanap ako nang lead sa mga nangyayari ngayon.
"Saan ka na naman ba nangaling? Bigla-bigla ka na lang nawawala." bungad na tanong sa akin ni Tiara. Nakalimutan ko palang narito pa sila.
"Haay, buti naman at nandito ka na hinahanap ka nang pasyente mo." sabi ni Alexis.
"Tell him to find another one. Hindi ako alipin nang kahit na sino." diretso akong pumasok sa office at umupo sa swivel chair. Inilabas ko mula sa drawer ang itim na envelop na nakatali sa pulang ribbon.
May libro na nakapaloob nito, iilang mga papeles at mga litrato. Una kong kinuha ang libro...
Constellation Institute
Pagkabasa ko nito ay agad kong kinuha ang mga dokumentong nakuha namin sa lumang bahay. Hindi nga ako nagkakamali Constellation Institute rin ang nakapangalan sa isang papeles.
Binuksan ko ito at kita ko ang isang Organizational Chart. Tama nga hinala ko si Fernando Carpio na Head Master nang isang organisasyon ay siya ring punong-guro nang Constellation Institute na malamang ay ang pangalan nang paaralan bago pa man ito naging Night Sky Academy. Si Kristine Guevarra naman na Left Hand Master pati na rin si Harold Damien na Right Hand Master ay parte nang council noon.
Sa pagpapalit-palit ko nang pahina ay nakuha nang atensyon ko ang isang litrato nang maginoong lalaki na nasa edad na 20 pataas. Principal Alejandro Traditore? kung ganoon ay isa pala siyang Guidance Counselor nang nakaraang administrasyon. Medyo bata pa siya rito at halata ang kakisigan niya kahit noon pa man.
Matapos kong masuri ang libro ay kinuha ko na ang iilang mga papeles. Black Synod Transactions . May iba't ibang transaksyon ang grupong ito, may malalaki at maliit, sa labas o sa loob nang bansa. Malaking porsyento ang nakukuha nila lalo pa't iilan sa kanilang mga miyembro ang mga nagdaang presidente nang bansa. Hindi rin mabilang ang kanilang mga tauhan mula sa pinakamababa hanggang sa may pinakamataas na posisyon.
Halos kalahating oras na rin akong nagkakalikot nang mga dokumentong ito nang makita ko ang kaisa-isang papel na nagsasabing...
The Black Synod Ritual: A Renewal of Vow and Sacrifice
Ritual? Is this some kind of demonic exercise or cult?
May mga pangalang nakasulat rito at lahat ay may thumb mark. Nang mapagtanto ko ang mga pangalang nakasulat ay dali-dali kong inilabas ang mga litrato nang mga babaeng namatay noon.
Marga
S.Y. 1932-1933
The 1stTrissa
S.Y. 1952-1953
The 2ndAilene
S.Y. 1972-1973
The 3rdKristine
S.Y. 1992-1993
The 4thTeka, ba't The 4th nakalagay dito eh The 5th naman sa picture? Siguro nagkamali lang, sa dami ba naman nang mga numero dito hindi imposibleng magkapalit.
Kung ganoon nga ay ang Black Synod ang nasa likod nang pagpatay na ito. Kung nakapasok sa loob nang paaralan ang simbolo nila, hindi malayo na ang may-ari nang paaralan o ang mismong director ay isa sa kanila. Pero bakit? Director Traditore?
Para bang sa bawat tanong na masasagot ay may panibago nanamang mabubuo. Napag alaman ko rin na kakaiba ang grupong ito.
They sacrifice women just to prolong their reign in the underground society. They believe that through this ritual they may clean their dirty works. That is why they were once the most powerful empire of all not until another empire overthrowed them. Huh, So much for their so-called ritual.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...