Raven's POV
                              
                              
                              
                              Pabalik-balik ang tingin ko sa mga papeles sa aking mesa. Ito ang mga nakalap kong impormasyon tungkol sa pagkamatay nang tatlong reaper/bodyguard noong nakaraang mga araw. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan ngunit nasisiguro kong hindi aksidente ang lahat. May gustong mawala sila sa senaryo kaya iyon nangyari.
                              Lumabas muna ako nang opisina para sana magkape nang may biglaang tumawag. Unknown number.
                              
                              
                              "Thanks for the offer. I'll be there as soon as possible." I ended the call. Another assistance request coming from an unknown group. They asked me to meet their person in-charge so that we could go on with the business.
                              "Another client?" tanong ni Isabelle nang marinig niya akong may kausap sa telepono. Nandito silang lima sa base ngayon at may kanya-kanyang inaasikaso.
                              
                              
                              "Yep. Another request from an unknown group." pumasok ako sa aking office at hinanda ang aking mga gamit na dadalhin. I haven't known this group so I better be careful and vigilant while transacting with them.
                              
                              
                              Kalahating oras rin akong nagmaneho hanggang sa makarating ako sa lugar na pagkikitaan namin. A small shop downtown where most of the customers are rich people. Pero sa ngayon, alam kong nirentahan nila ang buong shop para sa pagkikitang ito. Bantay sarado ang buong paligid mapalabas man o loob. Nang makita akong paparating ay pinagbuksan agad ako nang pinto. Nadatnan ko ang lalaking naka pormal na kasuotan at may dalang briefcase.
                              
                              
                              "Good day, Ms. Hera." bati niya sa akin. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko ginagamit ang totoo kong pangalan. That is the main purpose of our codenames. To hide our real identities.
                              
                              
                              "What is the transaction all about?" diretsahan kong tanong sa kanya. 
                              
                              "It's all about exporting high powered weapons all the way from Hawaii. We want to make sure that our transaction would not leak. Additional guards and men would be of help to us." 
                              
                              "The price?" tanong ko.
                              
                              "3.4 million Euro dollars." pagkasabi niya noon ay binuksan niya ang kanyang briefcase at naglabas nang ilang mga papeles. Napako ang tingin ko sa simbolong ginto na nakaukit sa loob nito. It can't be. Ang pusong basag na may espadang nakatarak at koronang tinik binasa ko ang pangalang nakalagay at hindi nga ako nagkamali.
                              
                              
                              
                              The Black Synod : Rebirth
                              
                              
                              
                              At sa sandaling iyon ay inihanda ko na ang aking Desert Eagle sa loob nang aking leather jacket. Kung ano man ang plano nila ay wala akong kaalam-alam. Habang binibigay niya ang mga papeles ay pinapirma naman niya ako sa kontrata. 
                              
                              "How can we make sure that the transaction will run smoothly?" 
                              "Oh, everything will be smooth once we get a hold of ... You."
                              Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay agad kong itinusok sa kanyang tiyan ang dagger at mabilisang inilabas ang baril mula sa aking jacket. Mabilis na kumilos ang mga bantay at agad akong pinaputukan.
                              
                              "Stop!" pagpigil nang kausap ko kanina habang namimilipit sa sakit."We need her alive." sumenyas siyang kunin ako pero mabilis kong napaputukan ang lima sa kanila. Sinipa ko ang mesa dahilan para ito ay matumba at nagtago ako sa likod nito.
                              
                              "Treacherous Snake." sinigurado kong maririnig nilang lahat iyon. 
                              
                              
                              "Oh come on Queen Hera. You are a goddess. Why hide from mortals like us?" pangungutya niya sakin. Agad naman akong nagpaputok dahilan para matumba ang tatlo. 8 down 12 to go.
                              
                              
                              Nang maramdaman kong susugod sila ay agad kong itinapon ang isang upuan. Ambang susuntukin na ako nang isa pero tinadyakan ko na siya sa kanyang ari kaya namilipit siya sa sakit. Sabay kong pinaputukan ang dalawang papalapit at diretsong tama iyon sa leeg at ulo. Dali-dali naman akong nagtago sa likod nang counter nang makitang naglabas sila nang mga baril. Nakita ko ang server na gulat at nagtatago rin. Nang maubos na ang bala ko sa Desert Eagle ay ibinalik ko iyon sa loob nang aking jacket at inilabas ang Micro Uzi. Sunod-snod na pagpapaputok ang ginawa ko at lima sa kanila ang natumba. Ilalabas ko na sana ang aking smoke bomb nang maramdaman ang maliit na kirot sa aking leeg. Kinapa ko iyon at nahawakan ang isang maliit na karayom. Shit. Tinignan ko ang server na kanina'y takot at hindi ako nagdalawang-isip na paputukan siya sa ulo. 
                              
                              
                              Dahan-dahan kong nababatid ang pagbigat nang aking mga mata pero pinipilit ko pa ring labanan ang epekto nang kung anong itinarak niya sa akin habang nakikipagputukan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pag-ikot nang aking paligid.
                              
                              "There's no point in going against us Queen. You will always fall into our arms." sabi nang lalaking hindi ko na maaninag ang mukha dahil lumalabo na ang aking paningin.
                              
                              Dalawang mga kamay ang bumuhat sa akin...
                              
                              
                              No...
                                      
                                          
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...
