Chapter 6 - New Friend

78 3 0
                                        



"This is it. Another hell of a week." Sabi ko sa sarili ko habang bumababa sa sasakyan. Nagpahatid na ako kay kuya Ron-Ron na driver namin. Mahirap na at baka pati sasakyan ko idamay nila.


Pagpasok sa classroom as usual maingay ang lahat. Kantahan dito, tawanan doon, may chismisan pa sa gilid. Dumiretso ako sa upuan at tiningnan ko kung may nilagay na naman ang mga unggoy sa upuan ko pero mabuti naman at wala.


It's good that I've learned many things since I transferred here. Di nila alam na ang pambubully nila ang nagbigay daan para mas maging alerto at mapagmatyag ako ngayon. Not that I am careless.


Nang mag snack break ay nauna ako sa pila. At aba may sumingit na kung sinong chaka at kung maka pagsabi ng 'tabi' akala mo kung sinong reyna.


Obviously I didn't do what she told me to do. I have my own state of mind. I say what I want to say and I do things my way.


Tinulak niya ako pero hindi ako nagpadala. Nairita siguro siya kaya tinulak niya ako ng mas malakas kaya natapunan ko ng juice ang katabi kong babae. Uminit na ang aking ulo ko kaya hinarap ko siya.


"Excuse me miss, kita mong may pila ba't sumisingit ka?" sabi ko sa kanya.

"You don't have any say on what I do so step aside."

Konting kalabit na lang talaga at sasabog na ang bomba. Malaking pagpipigil ang ginawa ko para hindi magka eksena.


Nang makaalis ako sa linya ay naghanap ako ng mesa. Pero occupied lahat nakita ko ang babaeng natapunan ko ng juice kaya nilapitan ko.

"Wouldn't you mind if..." I trailed off looking from her to the table. Naintindihan naman niya kaya tumango siya at pinaupo ako.

"I'm sorry." Natingin siya sa akin. "For the blouse, again"

"No need to say that. I have backup..." Tumingin siya sa akin. "Learn from the expert." She then gave me a smile.


Naintindihan ko naman iyon kaya napa-smile na rin ako pabalik.

"So, what an unusual way to meet again." Sabi niya habang kumakain.

"Yeah right. Maybe now is the time I can ask about your name?" tanong ko sa kanya.

"Shy...Shy Marino. Ikaw?"


"Raven...Raven Hope Albreck" biglang nagtawanan ang mga nasa kabilang table kaya napatingin ako sa likod ni Shy.

Nagtama na naman ang mga mata namin ng Thunder na iyon. Grupo nila ang nagtatawanan at nakatuon pa ang mga pansin sa table namin ngayon.

Girlfriend pala niya ang babaeng sumingit kanina kaya pala mukang sino kung umasta. Tss he's a playboy. Last time volleyball player girlfriend niya tapos ngayon iba na naman? Naalala ko tuloy ang nangyari last week sa party ng kuya niya.




*Flashback*

Ang dami ng tao sa mansion at malakas ang trance music sa labas. Di ko masyadong ma-enjoy ang party dahil wala akong ni isang kakilala.


"You don't have to sit there." Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Thunder na nakatayo sa likod.


"You don't have to tell me. Mind your own business." Sabi ko habang tumatayo.

"I'm just telling you cause you look like a lost puppy in a house full of people." Saka siya naglakad palayo at pumunta sa mga barkada niya kung saan may mga babaeng kasama. Pumunta na lang ako sa counter nila para kumuha ulit ng drinks.


Napapansin ko minsan na tumitingin ang mga barkada niya sa direksyon ko at minsan nagtatama ang mga mata namin pero hinayaan ko na lang.



*End of Flashback*



So ayun. Nothing special happened that day. Pero parati ko na siyang nakikitang tumitingin sa direksyon ko.

I won't be assuming because that's not my nature. But I always see him and his mysterious stares.


-------

Okay, I know this sucks but I thank you for reading the story. :)

P.S.

sorry for the errors.

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon