Chapter 9 - The Return

79 3 1
                                        

Monday na ng pumasok ako ulit sa paaralang iyon. Dala ko ang aking Chevrolet pati na ang mga gamit na kailangan ko.

Suot-suot ang uniform ay dumiretso ako sa main building kung saan ang mga lockers. Mabuti na lang at masyado pang maaga para sa mga estudyante na pumasok. It's still 5:30 in the morning.

Malinis na ang aking locker. Walang maduming napkins, walang mabahong medyas. Akala siguro nila hindi na ako babalik.

Matapos kong maayos ang mga gamit ay naglakad-lakad muna ako sa buong school. kung titingnan mo parang normal lang na paaralan para sa mga mayayaman. Peaceful at Tahimik. Hindi mo maiisip na ganoon pala ka brutal ang mga tao dito.

Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa likuran ng paaralan. Naupo ako sa ilalim ng malaking kahoy ng biglang may bumagsak sa harapan kaya napaatras ako ng konti.

"I thought I made it clear that you're already expelled."

Tinanggal niya ang kanyang mask na suot at hinablot ang bag ko. Nauna siyang maglakad papuntang field.

"Give me my bag you jerk!" humarap siya sa akin at marahas na pinasa ang bag na para bang pumapasa ng bola. Mabuti naman at nasalo ko iyon ng hindi natutumba sa lakas ng kanyang pagpasa.

"You still have the chance to get out of here. And I'm telling you just this once." Seryoso siyang nakatingin sa akin. His stares are intimidating and his aura is threatening.

Kung ibang tao pa siguro ang kausap niya ay malamang nanginginig na. But as for me, I haven't felt anything.

"Sorry but I don't follow orders. Specially when it comes from you." Sabi ko sa kanya at nilagpasan siya paalis ng field. Akala siguro niya matatakot ako. Hell no.

Riiing!

Tunog ng bell pagpatak ng 8:00 o' clock sa umaga. Lahat ay nakapasok na sa kanya-kanyang mga classroom. Pinili kong mahuli sa pagpasok para walang makakita sa akin.

Sabay ng pag greet nila sa guro ay sabay rin ang pag katok ko sa pinto. Pagkabukas nito ay tumambad ang mga matang gulat na nakatingin sa akin. I gave them a smirk.

"Diba expelled na siya?"

"Oo nga eh. Ang Olympus na mismo nagpaalis sa kanya."

"Eh ba't nandito yan?"

Tss. You afraid bitches? Just make sure your make-up is enough to protect your face.

~*~*~*~*~*~

Nang mag recess ay diretso ako sa cafeteria. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa akin, lahat nagbubulungan, lahat nakataas ang kilay. Pero hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa pagkain.

Maingay ang lahat pero bigla na lang natahimik. Ramdam ko na may papalapit sa akin at hindi ako nagkamali. Isang grupo ng mga volleyball players na babae at may hawak-hawak na bola.

"You are one hard-headed brat. Pinaalis kana nga nagmamatigas ka pa rin?" sabi ng lider nila. Siya yung tumulak sa akin sa pila noong nakalipas na araw.

I just ignored her kaya hinila niya ang buhok ko at sa lakas ng pagkakahila niya ay napatayo ako. Now I've had enough. Sinuntok ko siya sa mukha kaya napabitaw siya sa akin. Nagulat naman ang mga estudyanteng nakakita sa ginawa ko.

"At ngayon may gana kanang lumaban ha?!" sinugod niya ako pero nasipa ko siya at napa upo siya sa sahig.

Sumuod ang mga kasamahan niya at nagkaroon ng rambulan sa cafeteria. May sumigaw ng 'food fight!' mula sa mga estudyante kaya nakisali na rin ang iba.

Mga ketchup at gravy na nagmistulang pintura sa pader, lumilipad na sandwich, pasta at hotdog, ang sahig na binaha ng softdrinks at tubig, idag-dag mo pa ang mga mesa at upuan na parang tinamaan ng bagyo sa gulo. This place is in a state of warshock.

Natapos ang lahat sa pagtunog ng bell at nagsialisan na ang mga estudyante. Kasama na ako sa mga iyon. Naaawa tuloy ako sa mga maglilinis ng cafeteria. Mukang malaking pinsala ang aayusin nila.

*~*~*~*~*

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon