Chapter 18 - Detention

32 1 0
                                    

Padabog kong pinaandar ang motor at nagdrive patungong school. Ngayon ang araw ng detention ko kasama si Kulog. Tsk. Rest day ko sana ngayon eh.

*Flashback*

"Dude, Tama na yan. Ba't mo ba kasi pinapatulan yang babaeng yan?"

Pinipigilan siya ni Ark. Kilala ko siya dahil magkaklase kami sa isang specialization sa TLE.

"Calling the attention of Theo Saunder Valdemore and Raven Hope Albreck proceed to the Principal's office right now."

Fuck it.

Matalim ko pa rin siyang tinitigan. Hinihila ako ng isang student at paglingon ko si Shy pala iyon. Ang lakas ata niya at nahila niya ako palayo sa magulong senaryong iyon.

*End of Flashback*

"I think you already know why I called you here." magalang ngunit may awtoridad na pagsabi ni Principal Traditore.

Umupo ako sa upuan sa tapat niya at katapat ko naman si Kulog. Tss.

"Mr. Valdemore, you are a high profile, student here at Night Sky pero ikaw rin ang pinakakinatatakutan ng mga students dito. Respetado ka and your grades unbelievably doesn't fail kahit na marami kang absents." Bored na tinitigan niya ang principal.

"And you ms. Albreck, bago ka pa lang dito pero sikat kana agad, sikat sa gulo. Although your grades are high too at sa tingin ko ay makakapasok ka sa solid 10 but you must still work on that."

"Can you just go straight to the point?" sabi ni Kulog. Tss walang manners.

"You two are under observation simula nang maraming kaguluhan ang nangyayari dito sa school. And I don't want your abilities to be wasted. So I think it's time for you to face detention."

*~*~*~*~*~

"Damn, I hate cleaning surroundings." pagrereklamo ko habang nagwawalis ng mga patay na dahon. Si kulog naman ang namumulot ng mga basura. "Mas sanay pa akong ma-suspended o expelled kesa ma-detention at paglinisin ng paligid."

Itong paaralang ito, mga elite naman sana ang nag-aaral ba't parang hindi nakakaintindi kung ano ang cleanliness and orderliness.

"Just shut up and make it faster. It's your fault anyway."

"It's not just my fault, idiot. May kasalanan ka rin." sabay walis ko ng dahon papunta sa kanyang direksyon. Nainis naman siya kaya tinapunan niya ako ng basura.

"Yuck!" mabuti sana kung dry na basura eh yun pang bottled water na may lamang softdrink! "Hoy kadiri! Basa yon!"

"Serves you right." He smirked.

Tinapunan ko siya ng tubig na dala-dala ko para sa mga tanim tapos sinunod ko ang mga tuyong dahon kaya nagmukha siyang si Big Foot.

"Ahahahaha Big Foot?! Ahaha is that---" natigilan ako nang tinapunan niya ako ng mga plastic bottle na may softdrink at ang iba pa ay mga amoy panis na. Aarrgghh!

"Pfftt" nagpipigil siya ng tawa. "Want some more?" may hawak-hawak pa siyang bote ng tubig tapos panis na juice ang laman. Umatras ako dahil alam ko na ang gagawin niya.

Ihahagis na sana niya ang bote pero mabilis kong napulot ang hose kaya pinaulanan ko siya at basang basa siya ngayon. Nakakuha naman siya ng balde ng tubig na puno ng powder soap.

"Ho-hoy! Wag mo---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng nabasa na naman ako ng tubig at nangangamoy Surf powder. Damn. I hate him. Wala pa naman akong dalang damit. Aish.

Wala na...huli na ang lahat baasa na pati ang pants ko.

*Phone Rings*

"Hello? Raven speaking"

"Hera...the base is under attack."

---------

Yo kumusta? Message or comment naman kayo. Did you like it?

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon