Raven's POV
Matapos ang nangyaring aksidente sa akin, balik na naman ako sa mga inaasikaso ko. Ewan ko ba mukhang hindi na matatapos ang mga ito. Panay submit nang mga requirements at task ang mga estudyante ngayon pati na rin kami. Finals week na at marami-rami pa ang hahabulin namin.
"Today's lesson will be about The Science of Music. Sound production, wave transmission, acoustic reception and environmental noise. Talking about frequencies of energy within the rhythm of a song." palakad-lakad si Sir Law na Science professor namin.
"Now, if you won't listen attentively, then" pagkasabi niya noon ay sabay ang pagbagsak nang palad niya sa table. Bigla namang napatayo si Cody kaya nagtawanan ang lahat. "you might fail on the finals. Sit down Mr. Navarro. I didn't call you."
Natulog kasi ang lalaking yon dahil na rin siguro sa puyat nang paggawa sa mga kailangang gawin. To think na isa rin siyang Student League Officer at medyo busy sila ngayon.
"Let's proceed. What can you connect with the word 'Music'?" tanong ni sir sa aming lahat.
"Lyrics" sagot nang isa naming kaklase.
"Sounds"
"Rhythm"
"Harmony"
"Transition"
"Sound waves" sagot ko naman.
"Very well then, you're right. To give you a background history of music---" napatigil sa pagsasalita si Sir Law nang umalingaw-ngaw ang tono nang isang pamilyar na kanta sa buong paaralan.
I remember tears
Streaming down your face
When I said
"I'll never let you go."
All those shadows
Almost killed your life
I remember you said,
"Don't leave me here alone."
But all that's dead
And gone
And passed tonight
Lahat ay natahimik at mariing nakikinig sa musikang tumutugtog mula sa sound system. Para itong nagdadala nang babala, isang senyales, hindi ko alam pero nakaramdam ako nang bahagyang pagkatakot sa paraan nang pagtugtog nito. Ang mga staff naman at faculty ay nagkakagulo at hindi mawari kung saan nanggaling ang pagtugtog na iyon at kung sino ang nagbukas nang sound system.
Ilang sandali lang at tumigil na rin ito. Agad na tinapos ang period na iyon nang mga klase at pinag-recess kaming lahat. Habang naglalakad sa cafeteria ay nakita kong nagtitipon sina Alexis pati na rin ang mga lalaki. Nandirito rin si Shy. Mukhang kumpleto kami ngayon ah.
"Raven!" tawag ni Tiara at pinaupo ako sa tabi niya.
"Anong meron dito? Parang ang seryoso niyo naman ata?" tanong ko sa kanila.
"Yung musika kanina. May nagsadyang ipatugtog iyon." sabi ni Shy.
"Eh sino siya? Bakit naman niya gagawin iyon? Hindi ako naniniwalang para kumuha lang iyon nang atensyon o magpasikat." sabi ni Jordan.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...
