"Just call me and I'll be there." sabi ni kuya habang papaalis na para sa trabaho.
"Tss. You're not Charlie Puth kuya you're not just one call away, 10 missed calls to be exact." sabi ko sa kanya kaya napailing siya.
It's been three months since I entered Night Sky. Naalala ko pa ang unang pasok ko dito, ang mga tests na pinagaganawa nila sa akin, ang mga bangayan namin ni kulog, ang isang linggong camp, ang mga spies na nakapasok sa kampo namin, ang pag-aaway nang grupo namin sa grupo nina kulog (parin), ang kasunduan, ang pagkamatay ni Principal Traditore, ang bagong Director, ang party sa mafia at ngayon ang panibagong rules nang paaralan.
Everything happened within three months what more on the days and months to come? Ibang klase. Himala na lang rin dahil nagawa kong makapag-stay dito nang gayan ka tagal which according to students here, usually ang mga transferees ay hindi nakakaabot nang isang buwan. It must've been my luck that worked out this time.
Nasa loob lang ako nang kwarto ngayon at may ginagawa sa laptop. I remembered the first spy na binaril ko mismo sa headquarters nina Thunder. He's the one who knows some important information about the current business in the underworld. Nalaman ko rin na ang isa pang spy na nakapagnakaw nang isang mahalagang bagay ay kasamahan niya lang pala. The thing he stole was a confidential document regarding evidences against the contrary mafioso and their monkey businesses in the black market.
Hindi ko lang rin maiwasang magtaka kung saang grupo silang nanggaling. Thunder made it clear that those bastards were not from him even though their symbol was identical to that of the Kappa Phi Sigma. Now I'm doing everything I can para mahanap ang iba pang mga taong maaaring napagsabihan at nag-utos sa kanila na nakawin iyon. Sana naman ay walang ibang nakakaalam dahil kung ganoon maisisira ang mga negosasyon at magreresulta sa mas malaking kaguluhan.
Speaking of kaguluhan, alam kong mas lalong gugulo ang lahat kapag nalaman ni papa na nawawala ang kwintas na ibinigay niya sa akin. The Silver-Black wing pendant na nawala noong camping namin. The hell did it go?! Damn. Isa iyon sa pinakainiingatan nang pamilya namin. The necklace has been passed on from generation to generation from our great Valkyrie ancestors. Simbolo nang mga babae sa aming pamilya. The other necklace was given by my mom. That was a gift for my 16th birthday and again I also lost it during the time when they had the so called 'lap of the gods' .
Damn! Ang tanga ko! saan naman kaya akong magsisimulang maghanap noon? I don't even have the slightest idea kung saan ito napadpad at kung sino ang posibleng kumuha noon. I held the fake necklace that I was wearing. This one is identical with that of the one given by my mom though I just paid a goldsmith to replicate the original.
*carrier detected*
Umilaw nang pula ang keyboard ng laptop at ipinakita sa GPS ang lugar kung saan nagtatago ang spy na nagnakaw nang dokumento. Alam ko ang lugar na ito and it's one of the opposing mafia's lair. Kung hindi ako nagkakamali ang spy na iyon ay ipinadala para mag dig-up nang mga impormasyon tungkol sa kalakalan nang aming mafia sa black market. Huh, kung may balak siyang sirain ang relasyon namin sa Russian organization na kasosyo namin sa negosyo, pwes, nagkakamali siya nang binabangga.
Tinawagan ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong runner at ibinigay sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Alam kong magaling at mahusay ang batang ito kaya may tiwala akong magagawa niya nang maayos ang trabaho.
Matapos noon ay humiga ako sa kama. Wala namang pasok ngayon at boring rin kung dito lang ako sa bahay. May pumasok na ideya sa isip ko at agad kong tinungo sa drawer ang susi nang big bike, mabilisan kong pinaandar iyon papunta sa isang lugar. Lugar na matagal ko nang hindi nabibisita simula nang makabalik kami dito sa Pilipinas.
You see, bago paman ako makarating dito sa Pilipinas ay sa London talaga ako nag-aaral. Kingsbury High School to be exact. Nang magkaroon ako nang isang malaking case doon ay pina transfer ako nina kuya dito at siya na mismo ang nahanap nang mapapasukan ko.
I drove through the quiet highway and in many curves. I turned my bike to the right where a bunch of trees were line as though it was really arranged in an orderly manner. The scenery was still the same, calm, refreshing and peaceful. Dumating ako sa isang malaking gate na gawa sa ginto, hinarang ako nang isang guard. Hmm, of course they wouldn't recognize me after all these years.
"You are forbidden to be here in this place miss." matigas na sabi niya sa akin. Pinakita ko ang tatoong nasa bandang leeg ko at nagulat siya sa nakita.
"I apologize my lady." yumuko siya at mabilisang pinagbuksan ang gate.
Dahan-dahan akong pumasok at hindi parin talaga nagbabago ang lugar na ito. The place where I spent all the days of my childhood. Where our big family used to gather and spend the Christmas, host parties and mingle with other children of business men. The Pierre Mansion. We consider the Mansion as an ancestral house because this was passed on from our forefathers down to my grandparents.
Pumasok ako nang tahimik at bumungad sa akin ang engrandeng disenyo nang bahay. I miss this place a lot. Tumingala ako sa napakalaking portrait na napapaloob sa ginintuang frame. The whole clan is here.
Uncle Carlo, his wife and their 3 kids, Uncle Caleb, his wife and their 3 kids as well, Mom, Dad and my younger version holding my brother's hand, Grandma Cassandra and Grandpa Caesar. All of us were wearing formal gowns and suites like that of a Royal Family. Everything was doing great. Everything was fun. Until that tragic day. I closed my eyes at the thought of it. I don't want any of those to happen again.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa malaking bahay na ngayon ay wala nang nakatira at binabantayan na lang nang mga hired housekeeper nang pamilya. Mababakas mo ang kalumaan nang gusaling ito mula sa arkitektural na disenyo hanggang sa mga lumang kagamitan na natatabunan na lang nang puting tela na nababalot na rin sa alikabok.
Ang dating bahay na puno nang saya at pagmamahal ngayon ay isa na lang mapait na alaala nang kahapon at alam kong hindi na iyon maibabalik pa. Nilapitan ko ang isa sa mga nagbabantay dito at tinanong ko kung may dumadalaw rin bang ibang tao rito maliban sa akin.
"Wala naman po maliban sa isang lalaki kahapon na dumating para mag asikaso nang ibang mga natitirang kagamitan, young lady." napangiwi ako sa pagtawag niya sa akin nang ganoon. Di ako sanay sa ganyang tawag, maliban sa matagal na panahon na ang nakalipas ay kinalimutan ko na rin na mula kami sa isang makapangyarihang pamilya.
Sometimes you must let go of the things that has long been forgotten. I wonder who that man was.
"Thanks and don't you ever tell anyone that I came here." pagbabanta ko sa kanya.
"As you wish young lady." nakakapagtaka na kilala parin pala ako nang mga nagbabantay dito. Tss so much for that Royal hormones.
--------------
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...
