Chapter 29 - An Old Mansion

43 1 0
                                        

Tiara's POV



"Aray!"

"Shit! What's that?"

"Wag mo nga akong itulak."

"Damn, why is it so dark?"

"Tinapakan mo ko!"

"Will you please shut the fuck up?!" galit na bulong ni Raven sa amin. Paano kasi ang dilim nang pinasukan naming bahay tapos wala kaming makita.

We were roaming around the whole campus out of boredom and then our feet led us to this big, old house. We found a small door that revealed this place. Nasa kabilang dako na kami nang napakalaking pader nang school. Ang pinto naman ay nasa pader mismo at nakatago. Kumbaga nasa labas na ito nang school pero napapalibutan parin nang kagubatan.

This looks creepy and weird. Malaking bahay sa likod nang campus? Sino naman kaya ang maninirahan dito eh wala man lang ni daanan palabas sa siyudad.

Narinig ko ang pag-click nang switch habang nakiki-ayon pa ang mga mata ko sa bumbilya kung saan nanggagaling ang ilaw. Naaninag namin ang napaka-engrandeng bahay at ang magagarang muebles na nakasabit sa bawat sulok nito. Bagama't mala-palasyo ang kabuuan nito ay hindi mo maaalis ang ideyang napaglipasan na ito ng panahon. Ang mga sofa na natatabunan na ng alikabok, mga cabinet at ceiling na puno ng mga cobwebs, lahat ay mababakasan ko nang kalumaan.

Umakyat si Raven sa napakalaking staircase patungong taas at sinundan ko naman siya habang ang apat ay kanya-kanya ring pasok sa mga kwartong makikita nila.

Masters' Conference Room

Binuksan ni Raven ito at bumungad sa amin ang isang malaking kwarto na may malapad na round table sa gitna at napapalibutan nang sampung upuan. May mga nagkalat na papeles, litrato at kahit mga pagkain na hindi na natapos pang kainin. Gulo-gulo rin ang buong silid at iilan sa mga upuan ay natumba na habang ang mga vase sa gilid ay basag na rin.

"Something must have happened here that even these things were not cleaned up." sabi ni Raven habang sinusuri ang mga dokumentong nakalatag sa mesa.

"Look." sabi ko habang tinuturo ang bakas nang dugo sa bintana, mga kurtina at kahit sa pader. These bloodstains are worn out but you can still see the markings.

"Guys" pabulong na sabi ni Isabelle at sinundan naman namin siya papunta sa isa pang silid.

Kumpara kanina mas maliit lamang ito at may isang table lang at swivel chair sa gitna. May mga nagkalat pa ring mga papeles at sa isang dako nang silid ay makikita mo ang parang organizational chart.

Fernando Carpio
Head Master

Kristina Guevarra
Left Hand Master

Harold Damien
Right Hand Master

Walang picture ang chart pero naroroon ang mga pangalan nila. Teka, Head Master? Left and Right Hand Master? Opisina ba ito?

"You must come and see this." sabi ni Brenda at sumunod naman kami patungong pinakadulong kwarto nang ikalawang palapag. Sa pagpasok namin ay iisipin mong normal na kwartong tinutulugan lang ito. Pero nang mabuksan na ni Zariya ang dalawang malaking wardrobe ay tumambad ang iba't ibang de kalibreng mga baril. Inalis rin nilang dalawa ni Brenda ang foam nang malaking kama at iba't ibang patalim, espada at mga shuriken ang nakatago. Di mo aakalaing ang silid na ito ay may lihim pa lang tinatago.





*Dong*Dong*Dong*



"It's already curfew hour, we must hurry." abot dito ang tunog nang mala Big Ben naming orasan. Dali-dali naman naming inayos pabalik sa dati ang mga kagamitan dito at tahimik na lumabas nang bahay na iyon.

Sa pagbalik namin sa campus ay kitang-kita ang pagpapalit nang mga guards kaya agad kaming pumasok sa dorm ni Raven nang walang nakakakita. Malaki ito at binayaran niya para sa kanyang sarili lamang pero dahil nandito na kami ngayon ay tigtatatlo kami sa isang kwarto.

"What do you think is that place?" tanong ni Isabelle out of nowhere.

"An office?" sabi ko naman.

"Maybe. Mukha nga yung bahay pero mala opisina naman ang bawat silid nito. Di kaya..." pinutol ni Raven ang sasabihin ni Alexis.

"A secret hideout. Though I'm not yet sure what for but it can be related somehow with the school." natahimik kami sandali at nagisip-isip. Nakita naman naming nilatag ni Raven ang iilang mga papeles at litrato sa maliit na center table.

"Shit Raven you can get sued for stealing these documents!" litanya ni Zariya na hindi naman pinansin nang isa at patuloy lang sa pagsusuri nang mga ito.

Constellation Institute

May larawan nang isang lumang paaralan at siguro ay mga faculty nito. Agad ko namang nakilala ang isang building sa bandang likuran nang litrato. Ang disenyo at kulay nito ay katulad nang sa napasukan naming bahay kanina. Nabigla na lang ako nang may makita akong litrato nang isang bangkay. Bangkay na tinabunan nang puting tela at may pangalang nakasulat sa ulo nito.

Kristine Alemania
S.Y. 1992-1993
The 5th

Bangkay? What the heck?

"Principal Traditore?" pabulong na sabi ni Raven sa gilid ko. Hawak-hawak niya ang isang dokumento. Napatingin naman ako doon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x

I, Alejandro Traditore, solemnly swear to accept the responsibility and weight of carrying out the work and command of our late Leader and Master, Sir Caesar Pierre. Given the task to monitor and take care of our newly claimed territory, The Night Sky Academy, I pledge to give my all in rebuilding this institution and keeping our secrets as well as the students safe and unharmed. Signed this 28th day of May, 1995.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x



"How in the world did my Grandfather became involved in this?" nagtatakang tanong ni Raven.

"Now something is really up."

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon