"Kuya! Sige na naman. Isama mo na ako! One day absent lang naman eh. Please?"
Gusto kong sumama kay kuya sa despedida party ng isang kaibigan na pupuntahan niya. Di bale nang absent sa school kesa naman may makaaway ako at maipadala sa clinic. I'm trying to be a good girl here. Ayokong pahirapan pa sila para maghanap ng bagong school para sa akin. Besides this is my last year in high school.
Friday ngayon at ayokong pumunta sa school. My first two weeks has been a hell. Nagsimula sa pa konti-konting pranks nila hanggang sa lumaki na.
They're taking advantage of my patience for now but I don't know if I can hold my temper much longer.
Last week lang ay pinaulanan nila ako ng harina habang palabas ng locker room. Nilagay nila iyon sa taas ng pintuan kaya pati yung balde ay tinamaan ang ulo ko sa pagkahulog.
Tapos meron din yung sa cafeteria na tinapunan ako ng malamig na juice. Nagalit ako kaya pinahiya ko ang mga babaeng gumawa noon. Pagkahapon ay pinagtulungan nila akong sipain at sabunutan sa likod ng school habang nakagapos sa puno. Hindi ako nakapalag dahil may mga kasama silang mga lalake.
They're cowards. What I said was true though. I saw these students making out inside the laboratory. Tss cheap.
Lastly, the bike accident that caused me wounded knees. Nagdesisyon akong mag-bike noon papuntang school. At sa paguwi ko ay sumabit ang bisikleta sa lubid na pinaghandaan talaga nilang ilatag sa daan para matumba lang ako.
How nice of them to make some efforts just for me. I swear to God pag ako mawalan ng pasensya kawawa talaga sila. And all I could think of is that guy who wants to buy that damn shoe.
I can't get rid of the thought that he might be the mastermind of all these stupid pranks. Dahil sa tuwing nangyayari ang mga iyon ay nakikita ko siya palagi.
"Ok just don't do anything stupid." Sabi ni kuya at agad na akong sumakay sa sasakyan niya.
Pagkarating namin doon ay agad kaming pumasok sa napakalaking mansion. Nang makapasok ay bumungad sa akin ang eleganteng disenyo ng bahay.
Marami na ring mga bisita na naka black or white ang suot. I'm sure it's the dress code. It's a good thing I choose to wear this white dress and flats para kahit papano di ako out of place.
"Zero ma' man! Buti nakarating ka!" bati ng host sa kay kuya Zero.
"Of course why not?" sabi naman nito.
"So who's that pretty girl behind you?" tanong niya at bumaling naman si kuya sa akin.
"She's my younger sister. Raven Hope Albreck."
"Nice meeting you!" sabay shakehands niya sa akin.
"Phone call for you kuya Zach." Napalingon kami sa nagsalita at nagtama ang mga mata namin. He looked at me from head to foot.
"My, my, what a small world." He smirked.
"Oh Thunder how nice to see you again." Nakipag shakehands si kuya Zero sa kanya.
"Kilala mo siya kuya?" tanong ko.
"Yes of course. Why wouldn't I? he's Zach's younger brother. Bakit magkakilala ba kayo?" sabay inom niya ng wine.
"No w---"
"Yes. Were classmates." Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Oh bro meet Raven Hope Albreck. Zero's younger sister." Pakilala ni kuya Zach sa akin. "Raven, this is my younger brother. Theo Saunder Valdemore Thunder for short." Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Zero come on puntahan natin sina Gwen doon. Iwan mo na si Raven dyan Kay Thunder. I'm sure they would have a good time." Sabay kindat niya sa akin. Like what?!
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...
