"RH lumabas kana dyan! Tatlong araw kanang nakakulong." Rinig kong sabi ni yaya Cecille sa labas ng pinto.
"Hope ano ba? Lalabas ka o sisirain ko to?" malalim ang tono ng boses ni kuya kaya alam kong seryoso siya. Lumabas na ako at baka gawin talaga niya ang kaniyang sinabi.
The last time I remembered our car's door was broken because I didn't listen to him when he said 'open it.'
"Ilang araw mo pa ba planong mag-absent at magkulong diyan sa kwarto mo?" nakahilig siya sa pintuan at tinaasan niya ako ng kilay pagkalabas ko.
"Uhm...hanggang matapos ang school year?"
"I'm serious Hope." Hindi ko magawang tumingin kay kuya. Hindi niya kasi alam na may nangyari sa akin last week at three days rin siyang wala dahil may appointment sa ibang lugar.
"Sabi ni yaya Cecille unang excuse mo, walang pasok noong Monday. Tapos masama pakiramdam mo pagka Tuesday. Wednesday, may period ka. Baka ngayon sasabihin mo wala ka sa mood?"
'You're right kuya I'm not in the mood pwede sa Monday na lang?' I wanted to tell him but I knew his interrogation wouldn't stop until he knows the reason why.
"School is hard. I want to relax from all those stress." Yan nalang ang nasabi ko saka siya tinalikuran at bumaba ng kusina para kumain.
"That's it? You locked yourself up just because of that?" di siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Yeah, that's it. You know I never liked school matters but I'm trying my best to blend in with the atmosphere."
"Ok, if you say so." Umupo siya sa harap ko at nagsimulang kumain.
Sa totoo lang hindi ako nagkulong sa kwarto dahil sa trauma. How cliché. I've been to many things worse than that.
Truth is, I've spent the whole time healing my wounds and bruises. And maybe to relax a bit too, thinking about school gives me a headache.
"Ang pagkain kinakain hindi pinaglalaruan." Sumulyap ako sa kanya na concentrated sa pagkain. Mukhang bad mood ito ah.
"Baka may gusto kang gawin matapos mong makalabas sa hawla?"
"Kuya tao ako hindi ibon. Oo gusto kong mamasyal."
"Finally, mamasyal ka para walang istorbo dito sa bahay." Saka siya tumayo at umakyat pa kwarto. Tss. Ang sungit ng isang to.
~*~*~*~*~
Naglalakad ako papasok ng isang boutique. Nag desisyon akong bumili ng damit. Pagkahawak ko sa isang cardigan ay may humawak na isa pang kamay sa kabilang side nito.
Napataas ang kilay ko sa nangyari. Don't tell me, I have to fight for this again? Una sapatos ang pinagagawan ko ngayon cardigan na naman?
"I'm sorry but it's mine." Sabi ng babae. Oo maganda siya tapos may shape. Ano ngayon?
"First come, first serve miss." sabi ko sa kanya.
"No, I've seen this first." Hinila niya sa akin pero hindi ko binitawan.
"What's going on?" sabat ng isang lalake. Then and there my blood boiled. Tumingin siya sa akin. Then he smirked.
I swear to his messy hair. Babalik ako sa school na iyon. I don't care what they think. I just need to show them what it's like to be bullied and embarrassed.
Hindi lang yon. Kailangan ko ring makuha ang isang importanteng bagay na nawala sa akin, the necklace that was given by my grandmama before she passed away. I knew that Thunder holds it although I'm not sure how he got that.
Ibigay mo na lang miss para wala nang problema." Sabi ng isa pang lalake. Alam kong isa siya sa pitong mga lalake na nakita ko sa gym.
Tinitigan ko muna ang babae na nakataas ang kilay at mukang nasisiyahan. Tss you just won because of your good for nothing boyfriend.
"Fine...you can have this piece of junk. It fits you anyway." I gave her a teasing smile and left the store.
Hindi ako cheap para makipag agawan sa mga bagay-bagay pwera na lang kung ako talaga ang nagmamayari.
That's life you must own what is yours to avoid it being stolen from you.
-------
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...
