Chapter 57 - Counter Attack

9 0 0
                                    


Shanaia Haven Yuzuki's POV

30 minutes before the onslaught, we are already in position and time is the only thing that kept us waiting. We are here with one goal in mind. Not only to save Raven but also to give freedom to those students who have been enslaved by the evil Synod. Now is the time to end their plot and eventually terminate the existence and memory of that dreadful empire.

From this tree I am currently standing, to the other trees nearby where our men are currently watching close, I can feel that they are patiently waiting for the fight that we've all been waiting for. The war we have been trained for all our lives.

"On my signal." sabi ni ate Thalia habang hinihintay ang pagpapalit nang mga bantay.

Sabay-sabay kaming tumalon mula sa mga punong pinagtataguan at tahimik na niligpit ang mga bantay sa isang sulok. Matapos ay dahan dahang binuksan namin ang malaking gate kasabay nang malakas na pagsabog nang bomba.

For sure they did not expect this but who would be so foolish to leave the camp unattended with only few guards to watch over.

Madali kaming nakapasok at marami na ang mga bantay na aming napatay nang makarating kami sa bukana nang school building kung saan ang mga estudyante ay nakahilera at lahat sila ay may hawak na mga baril at sandata. Wala kang makikitang bahid nang emosyon sa kanilang mga mata at panigurado ay kontrolado sila.

"Masyado silang marami." sabi ni Tiara sa gilid ko habang tutok rin ang paningin sa harapan namin. Idagdag mo pa ang napakaraming mga tauhan nang lintik na imperyong iyon. Then again maybe I was wrong. They were really looking forward to this.

As if on cue, shadows started to show on one side of the building. All our attention shifted to those forms which are now moving towards the light of the moon. Then and there I saw Cindy, the volleyball captain with her teammates and some of those students who were able to escape during the invasion in the school. All of them had guns and weapons. She gave a nod at us and we smiled back. In a drop of a hat, guns started to make noise as bullets spread from different directions.

"Alam niyo na kung anong gagawin!" sigaw ni kuya Zach habang tumatakbo papasok nang building kasama si kuya Zero.

Sa bawat estudyanteng matatagpuan ay hindi namin pinapaputukan sa halip ay tinatamaan namin nang maliliit na karayom kung saan nakapaloob ang nanodiamonds. Small droplets generated and designed to counter attack toxic chemicals injected inside the body. And by the looks of that microchip, it was made out of illegal chemicals which means that too would be destroyed hopefully without affecting the students' main control system which is the brain.Though this hypothesis had no strong evidence and proof but if ever it will work on the students then, this would be the our greatest discovery.

"Thank God! Nanodiamonds are success!" sabi ni ate Thalia habang pinapaulanan nang karayom ang lahat nang mga naka uniform. Nahihimatay sila ngunit pagkatapos nang ilas minuto ay unti-unti na ring bumabangon at balik sa normal ang mga estudyante.

Kahit marami na ang napatumba namin ay mas marami parin ang kalaban at nadadagdagan pa sila. Marami na ang sugatan at mga patay. Papunta na ako sa puwesto nina ate Thalia nang harangan ako nang apat na mga lalaki. Mabilis ko silang pinaputukan sa bungo at isa ang natumba. Sabay-sabay silang umatake pero nagawa kong iwasan iyon. Naubusan ako nang bala kaya wala akong nagawa kundi kumuha ng bakal na tubo at ihampas iyon sa batok nang dalawang lalake na agad nagpatulog sa kanila.

Ambang tatakbo sana nang may sumipa sa aking lalake at napasandal ako sa pader. Ikinasa niya ang baril pero nang pumutok ito ay siya ang natumba sa aking harapan.

"Storm!" tawag ko sa taong bumaril sa lalaking ito.

"I always knew you needed help."

"And I always knew you'd be there."

Tumingin ako sa paligid at maraming mga sasakyan pati motorsiklo ang kapapasok lang. Sa isang sasakyan ay kita kong bumaba si Brenda dala ang dalawang Baby Armalite at pinapaputukan ang mga kalabang makikita. Kasama niya sina Alexis, Andrei, Ark at mga kasamahan nila sa Alpha Phi Omega at Kappa Phi Sigma. Now that explains why they left so suddenly without a clue.

"Good thing there's backup." komento ni Alexis. Patuloy pa rin ang labanan.

"Theo, it's time! Get her. And be safe." huling paalala ni ate Thalia pagpatak nang alas dos nang madaling araw. Nagkatinginan naman kami at sabay na tumakbo patungong green house.

Sa mapang nakuha nina Cody at Tiara ay nadiskubre naming ang Lab X pala na tinutukoy ay ang dating Ritual Room na nakatago sa ilalim mismo nang green house kung saan ginagawa ang pagpatay nang mga Valkyrie women noon.

Nang makapasok ay dahan-dahan naming tinahak ang madilim na daan hanggang sa makita namin ang mga ilaw na nagmumula sa laboratoryo. Ilang mga taong naka lab gown ang nagkakagulo at binibilisan ang kanilang mga ginagawa. Mabilis na tinapunan ko nang smoke bomb ang silid at lahat sila ay biglang natumba. Pinaulanan namin nang bala ang mga natitirang bantay hanggang sa magawa naming mapasok ang napakalawak na silid pero wala na kaming nadatnang Raven.

"Well, well look who just came in for a visit! Theo my nephew! It has been a while isn't it?" tinitigan lang namin ang lalaking pormal na nagsasalita at katabi nito si Raven na blangkong nakatitig sa amin.

She was wearing her usual gangster outfit. Black top, black ripped jeans, leather jacket and black-heeled boots but there is something weird with her aura. She was emotionlessly staring at us with those pair of dark orbs, not just dark but very dark as though an evil spirit possessed her.

"Tito Leon." galit na usal ni Thunder sa tabi ko.

"If you're planning to take her then I'm sorry but she won't be coming with you." plain na saad nito.

"I apologize for interrupting your little reunion but I will be claiming back what has been stolen from me...my precious possession." Napalingon kami sa nagsalita at nakita ang lalaking mahinahong naglalakad patungo sa amin. Mr. Lorenzo Venin, Avianna's father.

"I'm sorry Enzo but you are not inv-"

"I invited him. Kuya." diniinan ni tito Theodore ang pagkakasabi nang 'Kuya'. Now this is exciting, two brothers and a long time family friend.

"I know what you did." seryosong banggit ni tito Theodore. Habang nagtitigan sila na para bang may paglalaban na nagaganap sa loob nang kanilang mga isipan.

"You were the one who, intervened with the Shazadi transaction. You sent your men to set a trap and steal the weapons and narcotics. Para saan? Para gamitin dito?" nararamdaman namin ang tensyon sa pagitan nang dalawang mag kapatid at ni isang paggalaw ay walang mararamdaman sa kahit na sinong nasa loob nang laboratoryong ito. "Alam naming kinamkam mo ang isang kapat na pamana ni papa sa ating mga kamag-anak at dahil doon ay nagdesisyon si Theo na humanap nang maipapakilalang fiancé para lang makuha ang natitirang pamana at ibigay iyon sa ating mga pinsan."

Damn. Kuya Thunder did that just to save their relatives from wreckage? Such an act of martyrdom.

"We knew it all along. We devised a plan, not until we discovered something that made me so disappionted in you, kuya Leon. After all these years, you were the mastermind behind all of these chaos. You are the one who rebuilt the Black Synod."

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon