Chapter 53 - The Blueprint

13 0 0
                                    

Jordan's POV

"Fortunately the computers are still in good condition. Gawin niyo na ang dapat gawin." pag-uutos ni Storm sa ilang mga lalaking kasama namin dito.

Nakatayo ako sa harap nang pinakamalaking monitor sa loob nang silid at isa-isang tinititigan ang mga CCTV na nagagawang i-connect nang palihim ni Zariya.

"Now we've got a clearer view of what is really happening in there." sabi ko.

"But not all..." pagkomento ni Harris. Napalingon naman ako sa kung saan siya naka upo. "It seems like this room has a much stronger firewall with multiple codes than the rest. Plus, it is the only place in the campus that has been secluded overtime." Lumapit ako sa monitor at mababakas ang blurry name na 'Lab X' it looks suspicious though pero kahit ganon ginagawan pa rin nang paraan ni Harris.

Dito sa lumang administrative building namin na isipang manatili. Bukod sa walang ibang nakakaalam nang lugar na ito ay malapit lang rin sa campus kung saan may kutob akong doon nila dadalhin si Raven.

Hindi man kami masyadong close pero alam kong mabait siyang tao kahit cold at intimidating ang aurang kanyang pinapakita. Mahal niya ang kanyang mga kaibigan at palagi niyang ipinagtatanggol ang mga ito. She would even catch a bullet if it was meant for her friends and you don't meet someone like that every day.

"Oh my god!" rinig kong bulalas ni Isabelle habang nakatuon ang pansin sa sariling monitor na inaatupag niya. Napalingon naman kami doon pati na rin ang iba pang mga tauhan dito and geez.

"This is seriously fucked up." pagkomento ni Storm nang makita ang mga pinaggagagawa nang mga estudyante sa ilang faculty and staff nang paaralan.

Pinapahirapan nang mismong students ang kanilang mga guro sa iba't ibang paraan. Kitang-kita mo ang pagmamakaawa at sigawan nang mga ito habang walang emosyong nagagawa iyon nang mga estudyante. Habang ang mga mata nila ay nagkukulay grey at para silang kontrolado. Hindi pala 'parang' dahil kontrolado nga sila. Nakuha naman ang atensyon ko nang iilang mga taong prenteng nakaupo sa swivel chair sa taas nang stage at pinagmamasdan lang ang mga kababuyang ito.

They're using the students for their own satisfaction. Playing with their minds, controlling them and then what? Throw them away like a toy after it's been broken? That's bullshit.

Sa isa pang monitor ay kita namin ang mga tauhang ipinadala para magmasid sa mga nangyayari sa loob at ang bawat pagbaril sa kanila. Ito ba ang sinasabi ni Shy? Na unti-unti nang nauubos ang mga tauhan namin doon? Dapat na silang mag-ingat sa kanilang mga kilos kung ganon.

---------------------------

Cody's POV

"Sige na kumatok kana."

"Bakit ako? Ikaw na lang."

"Eehh ikaw ang lalaki!"

"Ladies first naman eh!"

Hindi pa kami kumakatok ay bigla na lang bumukas ang malaking pinto nang Pierre Mansion at bumungad sa amin ang isang housekeeper nang bahay.

"Maayong umaga po maam/ser. Kayo po ba si Mr. & Mrs. Navarro?" tanong nang housekeeper at napanganga naman kami. Anak nang tipaklong, anong sabi niya? 'mr. & mrs.'? Sa itsura kong ito? Mukha na ba akong kasado?

"Hah? Ahh, eh siya lang po ang Navarro. Harvard po ako." pagtatama ni Tiara sa lalaking kaharap namin.

"Ay sorry po, yun kasi ang naintindihan ko sa sinabi ni Ser Zero. Pasok po kayo." nakangisi niyang sabi. Mukhang bisaya ang isang to ah. Sa pananalita pa lang niya bakas ang pagkabisaya. "Dito po ang iyang opisina. Pasok lang po kayo. Kung may kailangan po kayo, jus col me end al be der." saka tumalikod at umalis. Nagkatinginan naman kami ni Tiara at sabay na tumawa. Ibang klase rin ang isang yon.

Nang mapasok na namin ang silid ay bumungad ang nagtataasang mga bookshelves at iilang mga gamit na halatang pinaglumaan na nang panahon. Tahimik ang buong paligid at kahit na patay na ang nagmamayari nang opisinang ito ay mababakas parin ang awtoridad at kapangyarihan nang lolo nina Raven. Mula sa mga librong nakahanay hanggang sa mga bagay na nakaayos at mukhang hindi nagagalaw ay masasabi mong organisado siyang tao.

"Ito na siguro yon." biglang sabi ni Tiara habang nakatayo sa tapat nang isang vault. Ang bilis naman ata niyang mahanap iyon. Pinindot niya ang pin na ibinigay ni kuya Zero.

3-6-0-1

"What the heck? Akala ko ba yun na? Bakit wala?" Bumukas ang vault pero sa kasamaang palad ay wala kaming nadatnang mapa o kahit papeles man lang.

"Eh ano bang sinabi ni kuya bago niya tayo pinaalis?" tanong nang isa sa tabi ko.

"Aba malay ko, ikaw ang kinausa-" at mabilis pa sa alas kwatrong nabatukan ako. Anak nang-!

"Hoy unggoy, bakit ako ang kinausap eh mas nauna ka ngang tinawag?!" tong babaeng ito! Kung maka unggoy sa akin parang siya hindi amazona!

"Ahh bahala na...maghanap na nga lang tayo. Kapkapin mo diyan sa gilid-gilid baka may bumukas pang secret compartment." naglakad naman ako sa may gitna nang opisina at tinapak-tapakan ang sahig. Nagbabakasakaling may bumukas na-

"Aaaaahhhhh!"

"Cody!"

"Anak nang kabayo! Ang sakit nang pwet-huh?" tiningnan ko ang kabuuan nang pinaghulugan ko at isa itong kwarto, hindi ganoon kalaki hindi rin ganoon kaliit.

"Ilang kwarto pa kayang nagtatago sa loob nang opisinang ito?" tanong ni Tiara habang pababa na sa kung saan ako ngayon. Nilapitan namin ang isang mesa at doon ko nakita ang hinahanap naming mapa.

'The Night Sky Academy Overall Blueprint and Layout'

------------------------------

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon