Chapter 30 - Induction Party

34 1 0
                                        

Raven's POV




Sir Caesar Pierre


Grandpa? What is it this time? Ba't nakasulat ang pangalan mo sa isang kasunduan na pinirmahan nang pumanaw na Principal namin? Is there something you forgot to tell us?




Wearing a Royal Blue cocktail dress, a glittered gray blazer, 5-inch silver stilettos and to top it all my black and white mask, we entered the grand hall where the induction will be held. We parted ways and relaxed ourselves as the waiters served us some cocktail drinks.


"Eyes and ears open." bulong ko sa earpiece na suot ko ngayon.


"I'm with some seniors." sabi ni Brenda sa earpiece at nakita ko naman siyang nakikipagusap sa iilang mga lalaki. Ako naman ay nandito lang sa may bar counter at pasimpleng inoobserbahan ang paligid.


Isang araw matapos ang pamamasok namin sa isang lumang bahay ay napagalaman namin na may nagpadala nang sulat kina Thunder. Pero hindi iyon basta-bastang sulat dahil naka lagay ito sa panyo at dugo ang pinang sulat nito. May kung anong disenyo rin ang naka-ukit sa dulo nito kaya iyon ang inaalam namin sa ngayon.




*Flashback*


"Come to our dorm now."


"Why?"



"Just do it."


Tsk. Kung makapag salita ang kumag na ito akala mo hari. Masyado siyang bossy at cold hindi mo kailanman makikitaan nang bahid nang kasiyahan man lang. Wala naman na akong nagawa kundi ang tawagin ang lima at sabay na kaming pumunta sa dorm nila.



"Woah, woah, what do we have here?" bungad sa amin ni Cody habang papasok kami sa malaking dorm nila.


"So these brats are the transferees ayt?" tanong ni Jordan habang nakahalukipkip sa gilid. Prente namang umupo ang mga babae sa mahabang sofa na may kanya-kanyang posisyon. Hindi na talaga tinubuan nang hiya sa katawan ang mga babaeng ito. Napatawa na lang nang mahina si Harris.


"So, why have you called?" tanong ko sa lalaking bumubaba mula sa 2nd floor nang kanilang dorm. Nang makalapit na siya ay may inilapag siyang panyo na puti at bigla naman silang nagkumpulan sa center table ngayon.




Bloody Induction Party



Yun lang ang nakalagay sa panyo at ang nakakapagtaka ay sinulat ito gamit ang dugo. Dugo man ng tao o hayop, one thing's for sure there will be a surprise on that induction day.

The Game Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon