Raven's POV"Students! Run! Run everybody! Run!" sigaw ni Teacher Macy. Nakita kong kanya-kanyang takbuhan ang mga estudyante.
May mga nasugatan, nagkandarapa, ang iilan ay umiiyak. Bakas sa kanilang mga mukha ang pangamba at takot. Di ko maintindihan kung ano ang nangyayari pero nakikita kong sinusundan kami ng mga lalaking naka mask na pula at may dalang baril.
Anong kailangan nila sa amin?
Nang makalayo ako ay kita ko kung paano nila barilin o saksakin ang mga maaabutan nilang estudyante. May mga napatili at natulala sa nasaksihan. Nang ambang tatakbo na ako palayo ay may biglang humila sa aking buhok.
Kita ko ang lalaking nakapulang maskara at may peklat sa kanang noo niya na tila na hiwa ng kutsilyo. Nagpupumiglas ako ng dalawang lalake pa ang humawak sa magkabila kong braso. Malakas na suntok ang natanggap ko sa tiyan na ikinaluhod ko.
Namalayan ko na lang na ginigising na pala ako ni Thunder.
"Raven!" sigaw niyang ikinagulat ko at dahilan ng aking pagkahulog mula sa duyan.
"Ouch! Pwede mo naman akong gisingin ng hindi sumisigaw jerk!" galit kong sabi habang tumatayo at pinagpagan ang sarili.
"Eh paano, kanina ka pa sigaw ng sigaw diyan. We thought something happened with you so we rushed here only to find a lady having some nightmares while sleeping on a hammock."
'We'? Doon ko lang napansin na nandoon rin pala ang iba naming co-campers. May dala-dala silang flashlight at lahat ay nakapantulog na.
"Bro,mauna na kami. Inaantok na ang isang to." sabay turo ni Harris kay Jordan na kanina pa humihikab.
"Ok, I'll take it from here. Thanks." nagsialisan na ang iba at nagsimula na rin akong maglakad papunta sa aking tent.
"That's it? Hindi ka man lang ba magso-sorry dahil nakaistorboka ng iba? Pinag-alala mo ang mga kasamahan mo." tumigil ako sa paglalakad pero hindi ako humarap sa kanya.
"I thought you told me to mind my own business?" diretso ako sa tent at ipinagpatuloy ang pagtulog.
*-*-*-*-*
"Come on Team B! Faster! Maaabutan na kayo ng Team C! Good posture Team D keep it up, Team A I need to see your coordination!"
Halos dalawang oras na rin kami pabalik-balik sa obstacles na hinanda ng mga trainors. Wala pang break at ang iba ay halos mahimatay na sa tuyo ng lalamunan.
"OK Stop! That's it. 30 mins. break then we'll move on to the next phase." sabi ni sir Franco.
Dapit hapon na rin at papalubog na ang araw. Pumwesto ako sa ilalim ng puno at pinakiramdaman ang paligid. Malamig na simoy ng hangin at napakagandang tanawin ng Tagaytay.
Maya-maya ay may narinig akong yapak ng mga paa sa di kalayuan. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring tulog.
The footsteps were getting closer and at this point, I know someone was staring at me.
Ilang segundo pa ay umalis na rin ito. Di ko muna binuksan agad ang aking mga mata at naghintay ng ilang segundo. Nang matiyak kong ok na ay agad kong sinundan angdireksyon ng mga yapak kanina.
I knew someone was monitoring us all this time from when we first stepped in this place. May it be the school or other people, I don't know.
Napatigil ako nang may makitang sasakyan sa di kalayuan. May tatak ito na animo'y tatak ng isang grupo. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sila nagmamanman.
BINABASA MO ANG
The Game Call
Teen Fiction4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...