Raven's POV
"Late kana naman ms. Albreck." pambungad ni teacher Jane.
Paano naman kasi nakalimutan kong Sundate Night pala namin ni kuya. At dahil gabi na ako nakauwi ay sarado na ang mga restaurants. Napilitan akong magluto yun nga lang ang kulang yung mga ingredients. Pumunta pa ako nang public market para bumili nang mga iyon sa huli 10:00 nang gabi na kami nakakain.
"Ok since, tumanggi si mr. Valdemore and si ms. Albreck, nakahanap na ako nang papalit sa kanilang dalawa. Which is ms. Marino and mr. Calderon this is final and I hope everyone is making use of their time wisely in preparing your respective booths." lumabas na siya nang room at sunod namang pumasok ang PE teacher namin.
Pinaghalo ni Sir Miro ang section namin at nang isa pang section. Nandito kami ngayon sa basketball court.
Girls ang mauunang maglaro at di ko alam kung anong nakain nila dahil ako ang ginawa nilang team captain. Pinapahiya ba nila ako o sadyang nakikita lang nila ang leadership na taglay ko. Kung meron man.
Nag jump ball na at sa kalaban ang possession nang bola. Dinala nila ito sa court namin kaya dinepensahan namin iyon. Ambang papasok siya sa loob nang ma snatch ko sa kanya ang bola at pinasa ko naman iyon sa kay Ramirez agad akong tumakbo pa ilalim nang ring at noong makakita siya nang opening ay pinasa niya sa akin ang bola na agad ko namang na lay-up.
"Nice." sabi ni Shy habang hawak-hawak ko ang bola. Sa 1st quarter ay nangunguna kami pero humabol ang kabilang section sa 3rd quarter. 1 minute and 34 seconds sa clock at 62-58 ang score in favor sa kalaban.
"Albreck!" tawag sa akin ni Gozon sabay pasa nang bola sa akin. Madali ko iyong na dribble papunta sa kabilang court dahil open lang at walang bantay nagawa kong mag fastbreak at pumasok naman ang bola.
Hindi rin nagpahuli ang kabilang section dahil nag 3 points agad ang point guard nila.
Ambang mag lelay-up ang kanilang center nang magawang i-block ni Ramirez ang bola at naagaw ko iyon. Idi-dribble ko na sana ang bola nang bigla na lang akong ipitin nang dalawa sa kanila, buti nalang at nakita ko si Cruz kaya patalikod kong ipinasa iyon at nagawa naman niyang masalo.
Pinasa niya ulit kay Gozon at siya na ang tumira nang 3 points kaya dalawang puntos na lang ang lamang nila. 52 seconds nalang at nasa kanila ang possession nang bola pinaglalaruan pa nila ito na parang pinapatay ang oras. At noong ipinasa na ng kasamahan nila yung bola ay nagawa ko iyong maagaw. Dali-dali kong tinakbo ang bola pero na corner ako nang tatlo sa kanila. 5 seconds remaining at dahil wala na akong ibang choice ay tinira ko nalang ang bola kahit nasa half court pa ako.
Diretso akong tumalikod at naglakad papuntang bench pero, laking gulat ko nang tumunog yung signal at pumasok pala ang bola. Just wow, kung kailan ako sumuko saka siya pumasok. Nag sitakbuhan naman sila papunta sa akin at ginulo ang buhok ko. Ewan ko kung anong nakain nila at binuhusan pa ako nang isang bote nang tubig. Damn ang lamig pa naman nun.
Dahil nanalo kami ay sa section namin mapupunta ang 10 points na idadagdag sa grade. Orayt. Hahaha. Pagkatapos nang ilang instructions ni Sir Miro ay dumiretso kami nang Shower room kasama nang mga ka teammates ko.
*~*~*~*~
Nang magbreak ay magkasama kami ni Shy na kumain sa cafeteria. Tahimik lang kami nang dumating na naman ang mga Volleyball players. Di nagtagal, bigla na lang tinamaan nang bola sa ulo si Shy. Kita ko naman na nabitawan niya ang kutsara, tumayo ako para sana pulutin ang bola pero hindi ko pa nagagawa yon ay hinawakan ako nung babae sa kwelyo.
Napupuno na talaga ako sa babaeng to kung makapag-asta parang kung sino. Eh sa volleyball lang naman siya magaling. Ngayon ko lang rin namalayan na tumahimik na pala sa buong cafeteria.
Sisipain ko na sana siya sa hita nang...
"Put her down." matigas niyang sabi. More like utos. Nabitawan naman agad ako nang babaeng to. Nakalimutan ko na pangalan niya...ah basta pamilyar siya.
Hinawakan naman ako ni Thunder sa braso at hinila sa kanyang tabi. Kita ko rin na nakatingin lang sina Ark at Jordan sa babae. Noong una hindi ko pa sila napapansin pero dahil kilala ko na sila kahit sa pangalan lang ay medyo natauhan na rin ako na nage-exist pala sila.
"Huh. Is this the one you replaced me? Pathetic." tiningnan niya ko from head to foot. Tinaasan ko naman siya nang kilay.
Bitch. No wonder you have been replaced because of your cunning attitude. Tss.
"It's all your fault Cindy, your attitude sucked the hell out of you." napanganga na lang ang Cindy na yun. Naalala ko na pala sila yung grupo nang mga players na tinapunan rin ako nang bola nung bago pa lang ako dito sa school na ito.
"Listen all of you, from now on I don't want to see or hear pranks being pulled-up to these two girls at my side. Once I received gossips about it, the abandoned prison is waiting for you." saka niya ako hinila palabas ng cafeteria at diretso sa gym.
"Tss. There's no need to pull a stunt like that. I can handle myself." binawi ko ang aking kamay at naunang maupo sa bleacher. Nakasunod parin sina Jordan sa likuran at pinapagitnaan nila si Shy.
"Then you should be used to it. After all you are my fa--"
"Asdfghjkl*@#$!?" tinakpan ko agad ang bunganga nang lalaking to at baka nakakalimutan niyang ang usapan ay usapan at dapat walang makakaalam noon maliban sa mga pumirma sa kontratang iyon.
"Tsk. Get your filthy hands off me." sabay alis niya nang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.
Excuse me? I wash my hands every now and then and I even use sanitizer if I have to.
"By the way...you'll start having your practices. As my fake fiancé it is just right that you look and act like one."
"No, I don't need that I already know how to act like one."
"Tsk. Just make sure you look presentable infront of my family." and then he left.
Family...family?! What the fuck?
---------
Hi guys! nga pala wag kayong maguluhan kay Pontus nung sa chapter 21 pinalitan ko na lang nang Artemis na codename para straight 'A' silang lahat.
Thanks for reading! ;)
BINABASA MO ANG
The Game Call
Jugendliteratur4. . . 3. . . 2. . . 1 And there she goes one of the fastest car racer you've ever known and one of the country's notorious gang leader. After resolving a case from her previous school, Raven was transferred to an institution unfamiliar to her sense...