Ito na yung araw na pinaka-hihintay ko! Shemay. Pero, may Sue na eh.. kahit sweet sya kagabi.. feeling ko hanggang kaibigan lang talaga kami.
"Girl, maligo ka na. Aayusan ka pa namin." Sabi sakin ni Pat.
"Sige, maliligo na ako. Alam nyo naman na kung saan kayo makakaligo at kung gutom na kayo, kain nalang kayo sa baba." Sagot ko.
Patricia's POV:
"Mga girls, nagtext sakin si Ronnie. Anong oras daw tayo pupunta dun? Gusto daw nya sana na makasama pa si Anna nang mas matagal pa." Sabi ko.
"Omg!! Ano na bang meron ha? Na-love at first sight na ba?" Tanong ni Andrea.
"Hm.. hindi ko rin alam e. Baka natuwa lang talaga si Ronnie nung nagkita sila? Pero ewan ko.. hindi ko talaga alam!" Sabi ko.
"Pero girl, hindi naman mag-aaya ng ganun si Ronnie kung wala lang talaga." Sabi ni Angela.
"Basta wag nalang natin paasahin si Julianna. Masasaktan yun e." Sabi ko.
Julianna's POV:
Habang na sa bath tub ako, nagttwitter ako. I know, I know.. baka mahulog. Haha. Pero, gusto ko talaga.
Sinearch ko yung twitter ni Ronnie kung may twineet sya.
@iamr2alonte: Bakit ka kaya bored at annoyed?
OMG, TWEET KO YAN KAGABI A. HAHA. OKAY WAG KANG MAGFEELING, ANNA.
@iamr2alonte: @r2natics wala pa po akong girlfriend. 😊 May namimiss lang ako.
May new tweet sya...
@iamr2alonte: I miss you and I can't wait to see you later
Hay.. sino kaya yun? Baka si Sue nandun.. nakakabadtrip naman. 😔
Makaligo na nga.
Ronnie's POV:
Excited na ako! Sa wakas!! Mapapanuod na rin nya ako ngayon.
"R2, mag-ayos ka na." Sabi ng manager ko.
"Opo. Sandali lang po." Sabi ko.
"Ay teka R2, may itatanong pala muna ako sayo." Sabi nya.
Mukhang tungkol to sa mga tweets ko.
"Anong meron sa mga tweets mo? May nagugustahan ka na ba?" Tanong niya.
"Hindi ko pa po alam kung gusto ko na sya, Tita RB e.." honest kong sagot.
"R2, paalalahanan muna kita ha. Okay lang naman sakin na magka-girlfriend ka.. pero, alam mo naman ang showbiz.. hindi magiging madali para sayo at para sa nagugustuhan mo ang lahat. Pwede kang mawalan ng fans, projects, at ano pa." Sabi nya sakin.
Grabe naman yun. Nakaka-down. Matagal kong pinagtrabahuhan tong naaabot ko ngayon.. Pero, si Anna.. hay. Na-confuse tuloy ako.
"Tita RB, ganun po ba talaga yun? Mawawalan ako ng mga fans at projects?" Tanong ko.
"Hindi naman sa ganun R2. Magpakatotoo tayo.. kaya ka nagugustuhan ng mga tao kasi Single ka." Sabi nya sakin sabay tawa.
Sabagay. Yun rin paalala sakin nila Mama..
Ganun rin kaya si Anna? Kaya nya ako crush kasi single ako?
"R2, kung gusto mo talaga sya. Madaming paraan. Lowkey lang muna kayo. Pwede kayong magdate ganyan. Pero dapat lagi kayong may mga kasama. Hindi nyo na muna papaalam sa public na kayo. Gawa kayo ng mga private accounts nyo. Wala munang mga post ng pictures, pictures. Lowkey lang muna, Nak." Sabi sakin ni Tita Rb.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!