40

461 14 0
                                    

"Good morning po. Pinapatawag na po kayo ni Direk. Iaannounce lang po flow ng hosts mamaya" sabi nito.

"Sige, sige. Sunod na kami don." Sagot ni Vice.

"Nako girl, okay lang yan. Mas maganda ka talaga sa kanya. At wag kang mag-alala alam naming ikaw lang mahal ni Ronnie" Sabi ni Ate Anne.

"Thank you po. Hehe" sabi ko at ngumiti.

Naunang umalis sila Ate Anne at Vice. At kami naman ni Ronnie ay pumasok sa dressing room niya.

Pinaupo niya ako at tinititigan habang naka-squat sa harapan ko. Anong problema nito? Natatawa tuloy ako.

"Uy baby ano ba!!" Sabi ko sabay natatawa.

"Kasi seryoso ng mukha mo dyan eh" sabi ni Ronnie habang may pag-aalala sa mukha niya.

"Ano ka ba baby, okay lang ako. Promise" sagot ko sa kanya sabay paghimas ng mukha niya.

Ngumiti naman siya at nginitian ko rin siya.

"Baby? Tandaan mo, mahal na mahal kita. Okay? At wala ng makakapagpabago non. Nagsimula tayo sa isang fan at isang artista, pero wala eh, talagang mahal kita. At ayokong matapos man ang meron sa'tin Anna." Sabi ni Ronnie.

Hinalikan ko siya at hinalikan rin niya ako pabalik.

Nang biglang may kumatok at may nagbukas ng pinto. Parehas kaming napatingin sa kung sino tao sa pinto.

Si Jade. Mukhang nakita niyang naghahalikan kami ni Ronnie. At nakikita kong nabubuo na yung mga luha niya.

"Ah sir, set na daw po sa stage." Sabi ni Jade at sabay alis na.

"Sir, stage na daw" pang-aasar ko kay Ronnie.

"Aba nakangiti ka ha! Porket naka-isa ka sakin!!" Sabi sakin ni Ronnie.

Tumayo na kami ni Ronnie at nagpunta na sa Studio.

-

"Yan na sila Ronnie!" Sabi ni Nikko.

"Kamusta tol?" Bati nila Zeus kay Ronnie.

"Kasalanan na ba? Kasi parang pamamanhikan na e!!" Sabat ni Jon.

"Hmm. Malapit na!" Sagot ko sabay tawa.

"Ay talaga ba baby? Hehe" tanong ni Ronnie.

"Ayaw mo ba? Sige hahanap na ako ng iba!" Sagot ko sa kanya na may mapang-asar na mukha.

"Mukha mo! Hindi mo ako kayang palitan no!" Sagot ni Ronnie.

"Tsaka sa pagkakaalala ko, papakasalan mo na ako pagkabalik natin dito" dagdag pa nito.

"Nako lovebirds, yes kaming lahat!" Sabi ni Mccoy.

"Haha nauna pa kayong mag-yes kesa sa akin" sabi ko sabay tawa.

"Nasan sila Pat?" Tanong ni Jon.

"Parating na. Nalate ng gising yon e." Sagot ko.

"Baby? Rehearse lang po kami ha. Upo ka po muna diyan at behave!!" Sabi niya sakin at sabay pandidilat ng mata.

Hinalikan niya noo ko at ako naman naupo sa upuan.

Tinignan ko si Jade, at nakatingin siya kay Ronnie. Alam ko yung mukhang ibinibigay niya kay Ronnie..

Puno ng regrets, puno ng pagmamahal..

Hindi niya siguro maexplain kung bakit niya nagawa yun.. pero, ayokong hayaan na hanggang ngayon, hinahabol niya si Ronnie.

I'm All YoursWhere stories live. Discover now