"Oy Ronnie, tulala ka dyan" sabi ni Jon.
"Ah eh, may iniisip lang ako pre." Sagot ko.
"Ano yon? Gusto mo ng kausap pre?" Tanong niya.
"Sige nga pre." Sagot ko.
Naupo siya sa harap ko at kumakain. Maaga pa kaya hindi pa namin rehearsals. At kaming dalawa lang naman magkasama sa dressing room e.
"So ano yun pre? Anong problema?" Tanong niya sakin.
"Pre, nung sa inyo ba ni Elisse.. paano niyo tinapos yon?" Tanong ko.
Nagulat siya sa tinanong ko.
"Pre, makikipagbreak ka na ba kay Anna?" Tanong niya.
"Hindi tol. Tungkol to sa ex ko." Sagot ko.
"Kasi kami noon pre, more of bestfriends kami e. Pero mahal talaga namin isa't isa. Kaso umabot sa punto na alam naming hindi namin kayang mawala isa't isa kaya mas pinili naming maging magkaibigan." Sagot niya.
"Ahh..." sabi ko.
"Bakit pre? Anong meron?" Tanong niya.
"Kasi.. nung nakilala ko si Anna sa Penshoppe.. isang linggo palang nakakalipas non nung nag-break kami ng ex kong si Jade. 2 taon kami nun ni Jade. Kaso, wala namang matinong closure tol e." Sagot ko.
"Paanong walang closure? At alam ba ni Anna yung kwento nyo ng ex mo?" Tanong niya.
"Hindi ko na kasi pinakinggan pa yung magiging dahilan sa mga ginawa niya sakin at alam naman ni Anna pero hindi niya kilala kung sino at hindi siya nagpapakwento ng buo e. Parang alam niya kung bakit kami naghiwalay" sagot ko.
"Nako, hirap niyan tol. Andaming nasa isip mo no? Pero maiba ako, bakit biglaan naman yata yung pagkakaalala mo sa ex mo?" Tanong niya.
"Bigla kasi siyang dumaan dito kahapon e. Nagulat nga ako e. Ni hindi ako makapagsalita ng maayos. Pero ayun, nagulat ako. Parang bumalik lahat ng lungkot at sakit." Sagot ko.
"Ronnie, naka-move on ka na ba talaga?" Tanong ni Jon.
"Oo. Sa pagkakaalam ko, oo." Sagot ko.
"Hindi mo naman naisip ni isang beses yung ex mo habang liniligawan, kaibigan, at kasintahan mo si Anna?" Tanong niya ulit.
"Never" sagot ko.
"Edi walang problema Ronnie. Hindi yan makakaapekto sa inyo ni Anna May mga unsolved issues ka pa kasi sa kanya tol e. Kaya ganyan nararamdaman mo. Madami kang gustong malaman. Pero ang tanong don, worth it pa bang malaman ngayong may nagpapasaya na sayo at alam mong mas deserving ng pagmamahal mo?" Sabi sakin ni Jon.
"Alam mo kasi.. once na binuksan mo yung pinto upang mag-tanong ka, parang binubuksan mo na rin yung puso mo sa taong matagal na niyang limot. Kaya pagisipan mong mabuti" dagdag pa nito.
Ngumiti lang ako at nagsabing salamat.

YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!