Binaba ko na si Anna sa school. Hindi na rin ako nakababa kasi andaming nag-aabang sakin. Kailangan ko na ring pumunta ng Studio.
Hay. Natatakot talaga ako. Pero, nagmamahal ka Ronnie kaya mag-tiwala ka.
Ma-itext na nga muna si Anna.
To: Baby ♡
Baby, ingat sa school ha. Papapuntahin ko nalang sila Chard o Alejandro sayo ha. I love you so much, Anna. Akin ka lang okay? :( :* Punta na akong Showtime ha. :* Namimiss na agad kita :( Enjoooy sa school, baby! Wag kang magpapakapagod okay?
From: Baby ♡
Hay talaga naman tong si Mr. Alonte! Baby, wala namang mangyayaring masama no. Jusko po. Gusto mo bang pakasalan na kita ngayon, para mag-tigil ka na kakaisip? Hehe. Pero totoo, papakasalan na kita. Ganon ako, ka-fangirl!!! :)) Iyong iyo lang ako, Mr. Alonte. Suot ko kaya palagi yung singsing na bigay mo sakin :"> Enjoy sa Showtime love ha :* Wag kang mancchix don. Kundi lagot ka sakin! I LOVE YOU!!
HAY NAKO TONG SI ANNA.
Pinapatawa at pinapakilig ako.
Maka-punta na ngang Showtime.
Justin's POV:
Game na, Justin. Kaya mo to. Lapitan mo na si Anna. Ayan na siya oh.
"Anna.." sabi ko.
Hindi niya ako pinapansin pero alam kong narinig niya ako.
"Anna." Sabi ko sabay hawak sa braso niya.
Natigil siya at tinignan niya ako ng masama.
"Ano bang gusto mo? Bibitawan mo ako o magsisisigaw ako dito?" Tanong niya.
Nakikita kong galit na galit siya sakin.
"Anna.. gusto ko lang kausapin mo ako. Mag-usap tayo" sagot ko.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Justin. At ang galing rin ng timing mo no? Sa lahat pa ng oras, ngayon pa? Ngayon pang may boyfriend na ako. Too late Justin at hindi mo ako madadala sa mga paawa effect mong yan." Sabi niya sakin sabay tinanggal niya yung kamay ko na nakagawak sa kanya.
Umalis na siya at pumasok na siya sa classroom niya.
Pinagtitinginan ako ng mga co-students ko. Alam ko na iniisip nila sakin.
Bakit umaasa pa ako kay Anna?
Hay.
Nakikita kong palapit sa'kin mga dating kabarkada ko..
"Justin, itigil mo na yan. Alam mong matatanggal ka na sa school kapag kinasuhan ka pa ulit ni Anna" bilin ni Ryan.
"Aba concern ka? Kelan pa?" Tanong ko.
"Pre, ikaw lang naman nang-iwas. Hindi kami." Sagot ni Christian.
"Kung hindi naman kasi dahil sa inyo, hindi magkakanda-leche leche tong buhay ko" sabi ko.
"Oo, mas tamang kami nalang sisihin mo kesa si Anna. Wag mo ng ituloy binabalak mo. Alam mo namang damay tayong lahat kapag kinasuhan ka ni Anna" sabi ni Romeo.
"Edi.. palitan ang plano. Tayo naman ang mag-kaso sa kanya. Parang frame up" sagot ko.
"Ano bang plano mo?" Tanong ni Ryan.
Sinabi ko ang plano ko sa mga kaibigan ko.. Sana maging okay ang lahat.
Patricia's POV:
Narinig ko lahat. Ang buong plano ni Justin. Ayoko ng mag-alala pa si Anna at Ronnie. Masayang masaya na sila.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanficI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!