"Huli kaa!!" sabi ko kay Anna sabay yakap sa kanya.
Oo na. Chansing ako haha.
"OY RONNIE BAKIT KA NAMAN NANGGUGULAT NG GANITO!!" sigaw ni Anna. Sabay tawa.
"Sorry na. Sorry na po. Wag ka na magalit. Please??" pang-aamo ko sa kunwaring tampo niya.
Ngumiti naman sya. At agad ko rin namanf binalik ang ngiti sa kanya.
Hay, ang ganda mo Anna.
"So, saan tayo pupunta??" Tanong ko sa kanya.
"Hmm. Medyo late na. So, magdinner tayo then let's watch a movie. Okay lang ba?" Tanong nya sakin habang nakangiti.
"Sure. Date na ba natin 'to?" Tanong ko ng pabiro.
"Hoy Alonte. Mag-tigil ka nga!" sabi niya.
"Sus, kilig ka lang e" sabi ko sa kanya.
"Hindi kaya" sagot nya sabay tawa.
"Talaga ba? Ni hindi mo namiss yung cute kong mukha?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya na sobrang lapit sa mukha nya.
Bumigat paghinga nya. Aysus. Kinakabahan si Anna.
"Namiss, syempre." Sagot nya sabay pisil sa magkabila kong pisngi.
Konting konti nalang talaga, Anna. Hahalikan na kita.
"Eh ikaw ba, namimis mo ba ako?" Bigla niyang tanong sakin.
Teka, bakit may halong lungkot boses nya?
"Oo naman no. Kaya nga inaya kita lumabas e." Sagot ko kay Anna at sabay yakap.
Agad rin naman niya akong yinakap.
-
"Table for 2, Estevez" sabi ni Anna sa receptionist.
"Mr. And Mrs. Estevez, am I right?" Tanong nung babae.
"Nope. I'm Ms. Estevez, and I'm with my friend" Sagot ni Anna na medyo awkward.
"Oh right. Come this way, Ma'am, Sir." sabi nung receptionist habang ina-assist kami sa table namin.
"Here's our menu, Ma'am and Sir. Just call Andrei, if you're ready to order." Sabi nung receptionist.
Agad namang nag-thank you si Anna. At namili ng pagkain.
"Gosh. I'm starving." sabi ni Anna sa sarili niya.
"Do you like anything Ronnie? The best steak nila dito" suggest niya sakin.
"Well.. I'll get what you'll get" sabi ko sa kanya.
At tinititigan ko lang sya.
Andami na nga pala talagang nagbago sa mahigit isang taon. Mas naging sophisticated si Anna. Mas naging maingat sa sarili. Reserved at hindi na rin gaano kakulit. Dati solve na sya sa mcdo at kahit ano pang fastfood. Ngayon, na sa mamahaling restaurant na kami. Pero despite sa mga pagbabagong yon, wala pa ring nagbabago sa pagmamahal ko. Siya pa rin tinitibok ng puso ko.
"HELLO? EARTH TO RONNIE??" sabi ni Anna habang kumakaway sakin.
"Ay sorry sorry. Ano yun?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ko, nakapagorder na ako. Tsaka tinatanong kita kung kamusta ka na" sabi ni Anna.
Kinakamusta niya ako.
"Masaya ako ngayon, Anna" sagot ko sa kanya.
"Talaga? Bakit?" tanong niya.
"Kasama kita ngayon. Eto, tayong dalawa. Mahigit isang taon ko na tong inaantay, Anna." sagot ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya.
Hindi naman niya tinanggal kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.
"I'm happy that you feel happy to be with me, Ronnie." sabi ni Anna habang may namumuong luha sa mga mata niya.
Hala? Bakit kaya?
"Bakit ka naiiyak, Anna? May problema ba?" Tanong ko.
"No. No. No. Walang problema. Sobrang saya ko lang na nandito ka Ronnie. Sobra. Sobrang sobrang namiss kita, Ronnie." Sagot niya.
Fck. Anna. Mahal kita. Sobra.
"Hinding hindi na ako mawawala ulit sa tabi mo, Anna." sabi ko sakanya sabay halik sa kamay niya.
Ngumiti naman siya.
"Salamat Ronnie." Sagot niya sakin.
Natapos yung gabi namin na may mga ngiti kami sa labi. Nanuod kami ng WonderWoman at nagkakwentuhan sa deck ng apartment namin parehas.
"So Anna, you're home. Text me okay?" sabi ko sa kanya.
"Yes, I will. Ingat sa paguwi kahit same building lang tayo" sagot niya.
Ngumiti naman ako at saka naglakad sana paalis ngunit hinaltak ako ni Anna at biglang..
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!