Iniwan na niya ako.. iniwan na ako ng taong mahal ko. Paano ako magsisimula ulit? Paano ako babangon?
"Ronnie? Okay ka lang ba? Nakita ko si -" pinutol ko ang sinasabi ni Alejandro.
"Wala na kami.. boy" sagot ko.
"Ha? Ano?" Tanong ni Alejandro na gulat na gulat.
"Wala na kami boy.. iniwan na niya ako.." sabi ko na sabay sa pag-iyak.
"Bro, I'm so sorry..." sabi niya sabay pag-comfort sa akin.
"Pero bro, masasabi ko sayo na umalis siya ng mahal ka pa rin niya at nasasaktan siya sa nangyari." Dagdag pa ni Boy.
"Hindi ko na alam pre. Ang sakit. Sobra.." sabi ko sa kanya.
"Wala namang break up na masaya e." Sabi sakin ni Boy.
Natawa kami parehas.
"Sapakin kaya kita. Nag-eemote pa ako e. Pinapatawa mo na ako kaagad" sabi ko sa kanya.
"Sige pre, iwanan na muna kita dyan." Sabi ni Boy at umalis na ng kwarto ko.
@iamr2alonte: Somebody told me you were leaving.. I didn't know.. :(
@iamr2alonte: I wish I can turn back time, to the good old days. :(
@iamr2alonte: I believe on our someday. I do.
@r2natics: omg kuya ronnie, what happened to you? @iamr2alonte
@TeamLiannie: omg.. daddy.. @iamr2alonte
@r2armies: Ronnie, smile. Kaya mo yan. Malalagpasan mo rin yan @iamr2alonte
@AnnaLuvies: does this mean? Omg.. @iamr2alonte
@r2natics: omg.. this can't be.. @iamr2alonte @AnnaEstevez
@iamr2alonte: the moment you left.. I started missing you.. I realized how much I've lost.
@ht_jon: pre, anong nangyari? @iamr2alonte
@mccoy_dl: @ht_jon, gc nalang!
@zeuscollins: baby boy, dito lang kaming lahat para sayo @iamr2alonte
@iamr2alonte: thank you, hashtags!! Mahal na mahal ko kayo!
@iamr2alonte: thank you sa lahat ng sumusuporta sakin! Mahal na mahal ko kayong lahat!
@AnnaEstevez: I hope I have made more memories with you. I hope I have spend more time with you..
@patolivares: oy nasaan ka? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko? @AnnaEstevez
@debgeorgio: we love you girl. Nandito lang kami para sayo. @AnnaEstevez
@mccoy_dl: Anna, nandito rin kaming hashtags para sa inyo. @AnnaEstevez
@AnnaEstevez: Thank you, Mccoy! Bibisita pa rin naman ako paminsan-minsan!! @mccoy_dl
@AnnaLuvies: is it true ate Anna? You're going back to states? @AnnaEstevez
@AnnaEstevez: I might. My family is there and may mga proposals for businesses na open there @AnnaLuvies
@TeamLiannie: ATE ANNAAAA. WHYYYYYY :(( @AnnaEstevez
@AnnaEstevez: Aww babies.. mamimiss ko kayo. Soon, let us all believe on someday @TeamLiannie
@vicegandako: so sad about the news. #TeamLiannie
@iamr2alonte: Tuluyan ka ng aalis.. @AnnaEstevez
@AnnaEstevez: I will see you soon, love.. @iamr2alonte I love you ♡
@r2natics: Fudge ang sakit :((( bakit kayo ganyan?? @AnnaEstevez @iamr2alonte
@vicegandako: grabe kayong dalawa. Hindi ko kinakaya.. @iamr2alonte @AnnaEstevez
@mccoy_dl: jusko leerd paano na ang mundo? @iamr2alonte @AnnaEstevez
@iamr2alonte: I don't want you to leave, love.. please don't. :( I love you so much, Anna. I'll miss you :( @AnnaEstevez
-
Grabeng twitter events yon.. hindi ko na kaya..
Gusto ko ng mag-wala. Gusto kong puntahan si Anna. Hindi ko kaya..."Ronnie, may guesting ka daw sa GGV. Shoot next week Thursday." Sabi ni Mark, PRM ko.
"Sige po. Basta trabaho." Sagot ko.
"Anong problema Ronnie?" Tanong ni Mark.
"Wala na po kasi kami ni Anna. Gusto ko lang bugbugin sarili ko sa trabaho." Sagot ko.
-
Halos 4 na araw na, wala pa rin akong balita kay Anna.. tinetext at tinatawagan ko siya. Walang reply, cannot be reached. Kahit sila Pat, kinakausap ko.. pero miski sila walang maisagot sa akin kung kamusta na si Anna.
Pinuntahan ko siya sa kanila. Pinapasok naman ako ni Nanay Isabel, pinakain, pinaakyat. Pero sa pagsubok kong buksan yung pinto.. ito'y nakasarado.. at naririnig ko lang ang pag-hikbi ni Anna.
"Anna.." tawag ko sa kanya..
"Si Ronnie 'to.. alam kong naririnig mo ako.." sabi ko.
"Anna, namimiss na kita... at sana alam mo, na sayo lang ang puso ko.." sabi ko sabay ng pagpatak ng mga luha sa aking mata.
"Alam kong suot mo pa rin yung singsing na ibinigay ko.. sana pang-hawakan mo ito. At wag na wag mong tatanggalin.. kasi umaasa akong magkikita at kakausapin mo pa ako.." sabi ko habang nakasandal sa pinto niya..
"Naalala ko pa nung unang pagkikita natin noon, Anna.. sobraang inosente at gulat mo nang nalaman mong ako yung nabangga at natapakan mo.." sabi ko na natatawa sa memoryang iyon.
"Sana pala Anna.. bumagal ang oras para sa ating dalawa.. sana mas tumagal pa tayo.. kung pwede ko lang itama ang lahat... kung pwede lang na ibalik ang lahat, Anna..." sabi ko ng puno ng sakit at pagmamahal.
"Jusko Anna.. kung alam mo lang kung gaano kahirap. Kung gaano kasakit na gigising akong wala akong text galing sayo o ni tawag.. O di kaya, wala ka sa tabi ko.. Anna, nakakabaliw. Sobra. Gusto ko ng magalit sa mundo kung bakit nagkaganito. Bakit kailangan? Kung ano mang nag-tulak sayo na magdesisyon ng ganito.." sabi ko habang umiiyak..
Napaakyat si Nanay Isabel.. nung narinig na niya ang pagsusumamo ko sayo.. at napatingin sakin ang matanda ng puno ng lungkot ang kanyang mukha.. at napahawak sa dibdib.. at tsaka dahan dahang bumaba.
"Sana Anna, panaginip lang lahat ng 'to.. wag mo akong iwan Anna.. wag kang umalis.. masakit na ngang wala ka na sa buhay ko.. mas masakit pa nung nalaman kong aalis ka pa ng bansa.. Paano na kita masusulyapan, Anna? Paano na.." tanong ko sa kanya..
"Mahal na mahal na mahal pa rin kita Anna.. at mag-aantay ako" sabi ko..
At saka ako nagkalakas na tumayo at hinarap ang kanyang pinto.. at saka bumulong na..
"Magkikita tayo ulit, Anna.. mapapasakin ka ulit. I love you, Penshoppe!"
Sabay halik sa pinto niya..
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!