35

526 14 2
                                    

Nakakaguilty na iniwan ko siyang ganun. Don't get me wrong. Hindi ko na siya mahal pero syempre, bilang lalaki, ayaw mong may nakikita kang babae na umiiyak.

Pero alam kong tama ginawa ko. Kinailangan niyang malaman na wala siyang puwang sa buhay ko.

"Pre, sino yung kausap mo kanina? Di ba staff yon?" Tanong ni Mccoy.

"Oo staff yon at ex ko" sagot ko.

"Haaa?? Sino? Siya ba si Jade, pre?" Tanong ni Zeus.

"Oo pre e." Sagot ko.

"So.. sinundan ka dito?" Tanong ulit ni Mccoy.

"Siguro" sagot ko.

"Tipid mo sumagot ah, may nangyari ba?" Tanong ni Jon.

"Kinausap kasi ako mga pre e. Nagsosorry sya, mahal pa daw niya ako, at one more chance pa daw." Sagot ko.

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Jon.

"Pinagmalaki ko si Anna. Na si Anna na buhay ko at iniwan ko sya don na umiiyak" sagot ko.

"Naka-move on ka na nga pre." Sabi ni Jon.

"Nako Ronnie, okay na yan. Hayaan mo na sya. Ngayon lang siguro niya napagtanto lahat ng mga ginawa niya sayo" sabi ni Luke.

"Pero teka, never mo na kwento samin in details yung nangyari" sabi ni Mccoy.

"Ganito kasi yun.. halos 1 year and a half na kami ni Jade noon nung isa sa mga ka-tropa ko sa Laguna lumapit. Sabi niya sakin non, "uy pre, break na ba kayo ni Jade?" Sagot ko non, "uy hindi ah. Bakit?" Sagot nung kaibigan ko, "Kasi pinapatanong sakin ni Glen kung nagbreak na kayo kasi may nakita siyang kasama ni Jade na lalaki". Natahimik ako noon, iniisip ko kung may nabanggit siya sa akin noon. At oo, meron. Pinsan niya daw yon. Naniwala naman ako kasi hindi ko pa naman nakilala buong angkan ni Jade noon. Sinabi ko na baka yun yung pinsan ni Jade ganyan. So um-oo nalang yung kaibigan ko sa mga sinasabi ko sa kanya. Naulet yon mga 3 beses. Hanggang sa napikon ako, tinext ko siya kung nasan sya, aalis ba sya at kung sino kasama niya. Sinagot naman niya. Although, may pakiramdam na ako na nagsisinungaling siya sa akin non. So, sinundan ko siya simula bahay nila hanggang sa makarating siya pupuntahan niya." Kwento ko.

Nakasubaybay talaga sila sa kwento ko. Nakakatawa silang tignan.

"Taaapos????" Sabi ni Mccoy.

"Tapos nung sinundan ko siya, napansin kong bahay ng kaibigan ko yung pinuntahan niya. Lumabas kaibigan ko non tapos kiniss siya at magkaholding hands silang naglalakad. Grabe nga e. Gustung gusto ko ng sapakin kaibigan ko. Pero ewan ko. Parang may pumigil sakin. At hinayaan ko lang sila. Hindi ko alam kung paano nila nasisikmurang gawin yon sakin. Tapos nun, tinext ko ulit si Jade, sabi ko "ingat sa date nyo ni Kyle ha? Enjoy, pakasaya ka." Siguro nagulat siya. Tawag siya ng tawag sobra. Tapos pinatayan ko sya ng phone. Hindi ko sinasabi yung problema namin ni Jade sa tropa ko kasi ayokong magkagulo kami dahil sa isang babae lang. Tapos ilang beses naulit yon. Dahilan nga nya sakin na may hinahanda nga daw kasi siyang surprise effort sa akin. Hahaha. Yung effort pala niyang yon is sumama sa kaibigan ko. So.. nung pinakahuli na, nagsabi na ako sa kanya, sa text din yun e. Sabi ko, "Jade, tapatin mo nalang ako ng deretso. Na hindi mo na ako mahal, iba na yung gusto mo. Hindi yung harap harapan mo akong ginagago". Tapos ayun, nagkita kami. Hindi ko na siya pinag-explain kasi nakikita ko naman harap harapan e. Sabi ko, malaya na siya hahaha. Grabe drama lang" sabi ko na natatawa.

"Martyr mo brad. Pero okay na wala na kayo ni Jade, deserve mo si Anna" sabi ni Jon.

"Oo nga. Wag mo ng pansinin kakupalan non ni Jade" sabi ni Zeus.

Natawa lahat e.

-

Bumubuti na lagay ni Mommy. Hay. Sa wakas, dadating na si Ronnie bukas. Andami na sigurong nangyari sa Pilipinas. Sobrang busy na nila Ronnie e. May concert ang Hashtags, at may upcoming solo concert pa siyang magaganap. Hindi ko na kinamusta pa yung tungkol sa ex niya, alam ko namang mapagkakatiwalaan si Ronnie e.

-

Nandito na ako ss airport ngayon nag-aantay. Nagtext naman siya sakin na inaantay nalang naman niya yung luggage niya then labas na siya ng gate. Yaaaas!! Makikita ko na si Ronnie pagkatapos ang halos isang buwan.

30 minutes later... wala pa din si Ronnie.

Ang tagal naman ni Ronnie. Nasaan na ba yon?

Nang biglang may..

I'm All YoursWhere stories live. Discover now