46

340 19 8
                                    

"Pat!!!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

Natawa siya at nagsilapitan sila Andrea, Angela, Pau at Debby! Omygoodness! Nandito silang lahat 😍😍

"Namiss kita, Anna" sabi ni Pat. Lahat sila puro ganun sinasabi. May naaaninag pa akong ibang dumadating. Mga Hashtags pala nandito. Shit. Nandyan ba si Ronnie ngayon? Sana naman wala. Ano ba, Anna. Wag ka nga maapektuhan. Act normal lang.

Ngumiti ako habang lumalapit sila isa isa.

"Anna mas lalo ka atang gumaganda ngayon ah" bati ni Nikko sakin sabay yakap.

"Hehehe salamat Nikko. Pogi mo ngayon. Nasaan na inaanak ko?" Tanong ko.

"Ayun na sa bahay. Saya saya niya sa padala mo ng pasko ha" sabi ni Nikko.

"Syempre di ako nakakalimot." Sabi ko sabay tawa.

Lahat sila lumapit. At ang pinakamaingay sa lahat ay si Mccoy..

"ANNA" Sigaw ni Mccoy.

"Mcccoooy!" Sigaw ko pabalik. Yinakap niya ako ng mahigpit.

"Miss kita Anna!" Sabi ni Mccoy.

"Aw namiss rin kita macs" sagot ko.

-

Ronnie's POV:

MACS? Ano 'to may tawagan sila ni Mccoy? Grabe, hindi ako makapagsalita. Ang ganda ni Anna ngayon. Parang may Diyosa sa harapan ko ngayon. Mas pumayat nga siya. Ang puti niya pa lalo at grabe, mas lalo siyang gumanda dahil sa natural make up na meron siya.

"Yoohoo Ronnie, oy" pangangalabit ni Anna sakin.

"Hi Anna, kamusta?" Simpleng bati ko sa kanya kahit gusto ko siyang yakapin.

Yinakap niya ako bigla. 😭

"Eto, okay naman. Ikaw rin ha! Sikat na sikat ka na oh." Sagot ni Anna at sabay ngiti.

"Ehem ehem" sabi nung matangkad at makisig na lalaki sa likod ni Anna.

Pinagmamasdan kong maigi. Grabe, laking lugi ko naman. Talo na ako kaagad sa laban. Pero di ako susuko. Minahal ako ni Anna.

"Well everyone, meet Aron. Aron they are my friends" sabi ni Anna.

"Hi guys, it's my pleasure to meet you all" bati ni Aron sa aming lahat. Tinititigan niya ako ng masama. Marahil siguro alam niyang ex ako ni Anna.

Hinila niya papalapit si Anna sa kanya at si Anna naman ay nakangiti lang habang ginagawa ni Aron yun sa kanya. Parang natural na natural lang sa kanya lahat yon. Sila na nga ba talaga?

"Nako Ronnie.. matangkad, gwapo, at may abs si Aron" bulong sakin ni Pat habang natatawa.

Sumimangot ako kay Pat.

Naglalakad na kami papunta sa sasakyang gagamitin namin sa paghahatid namin kela Anna at Aron.

Sana ako katabi ni Anna.. pero wala e.

1st Row - Aron, Anna, Pat, at Mccoy.
2nd Row - Luke, Zeus, Nikko, at Ryle.
3rd Row - Ako, Jon, Jimboy, at Jameson.
Last Row - Paulo at Tom

Magkatabi sila as usual.

Nagtatype tong si Jon sa phone niya. Message ata para sakin.

Jon: Pre, boyfriend ba ni Anna yon?
Ako: Di ko rin alam e. Pero mukha.
Jon: Ayos ka lang, pre?
Ako: Kaya naman. :)
Jon: May pagasa ka pa tol.
Ako: Sana nga..

I'm All YoursWhere stories live. Discover now