"Anna, iha..." tawag sakin ni Nanay Isabel.
"Yes po, Nay? May problema po ba?" Sabi ko.
"Nak.. kamusta ka na ba?" Tanong niya sakin.
"Kung tungkol po kay Ronnie to, Nay.. ayoko po munang marinig yan." Sagot ko.
Ayoko naman na kasi. Tama na.
"Anna, makinig ka nga sa sarili mo.. hindi ikaw yung Anna na kilala ko. Mapagmahal at mapagpatawad kang bata, iha. Ang mga magulang mo nakausap na si Ronnie. Alam mo ba yon? Mas naintindihan pa nila yung sitwasyon.. kesa sayo." Sabi sakin ni Nanay Isabel.
"Nay, walang problema sakin kung nag-usap po sila o hindi. Ang akin lang po kasi Nay.. sobra na po. Inintindi ko po yung sitwasyon. Ni hindi ko nga po magawang maipagsigawan na mahal ko si Ronnie, Nay e.. pero tiniis ko po yun. Sinagad nila yung pasensya ko, Nay. Mahal ko pa rin po si Ronnie. Mahal na mahal. Pero Nay, wag po sana ngayon." Sabi ko.
"Nak.. pakinggan mo kasi yung puso mo. Wag yung isip mo. Alam mo ang totoo.. hindi mo lang matanggap. Hindi ka kayang lokohin ni Ronnie katulad ni Justin." Sabi ni Nanay.
"Nay.. salamat po." Sabi ko.
"Anak, mahal ng magulang mo si Ronnie. Gusto nila si Ronnie para sayo, kahit ako Nak. Sobra ka niyang mahal. Ginagawa niya lahat para sayo. Wag mo sanang isara yung puso mo sa totoong nararamdaman mo para sa kanya, Anak." Sabi ni Nanay sabay yakap sakin.
Hay. Ma-itext na nga siya.
To: Ronnie Alonte
Ronnie, pwede ka ba ngayon? Usap naman tayo.
Agad agad naman siyang nag-reply.
From: Ronnie Alonte
Sige Anna, susunduin kita diyan. Anong oras?
To: Ronnie Alonte
Mamayang 3pm sana. Okay lang ba?
From: Ronnie Alonte
Sige. See you Anna. Namimiss na kita.
Hindi na ako nagreply pa.
Kailangan ko ng mag-ayos. 1:30pm na e.
Outfit for the day:
Sana maging okay na 'to para mamaya. Sana maging okay na ang lahat. Sana akin pa rin si Ronnie.Ronnie's POV:
GRAAABE HINDI AKO MAPAKALI. SOBRA. SUSUNDUIN KO SI ANNA MAMAYA. SALAMAT LORD! SALAMAAT!
@iamr2alonte: Thank you, Lord! The best ka po talaga!
Trending Worldwide: TeamLiannie
@LiannieFans: Omg kuya ronnie!! Ano na pong balita sa inyo ni Ate Anna? @iamr2alonte
@iamr2alonte: I miss you, love @annaestevez *insert picture here*
@mccoydl: sa wakaaas naman @iamr2alonte @annaestevez
@ht_jon: yun yon oh! You go guys!!! @iamr2alonte @annaestevez
@annaestevez: I miss you too @iamr2alonte
@R2natics: Shemay nakakakilig kayo. Super bagay pa hihihi @iamr2alonte @annaestevez
@McAnna: Mas bagay pa din Mccoy and Anna together
@ht_nikko: nakoo nakoo. May mapapadalas sa Showtime ah!!! @annaestevez @iamr2alonte
@lukeconde: Excited na akooooo. Ayieee!! @iamr2alonte @annaestevez
@patolivares: Oy umayos ka na haaaaaa! @iamr2alonte
@paulap: Liannie hihi kilig! Finally!! @iamr2alonte @annaestevez
Isusurprise ko siya ngayon. Ngayon ko na siya tatanungin para maging girlfriend ko.
Pero sisiguraduhin ko muna na sa paguusap namin eh, magiging okay kami.
-
3pm
-Saktong 3pm ako dumating kela Anna. Pinapasok ako ni Nanay Isabel at kinamusta niya ako.
"Kamusta ka na ba Ronnie? Nako, namiss kita iho." Sabi ni Nanay Isabel.
"Okay naman po Nay. Medyo wala pong pahinga. Kayo ho? Namiss ko rin po kayo, Nay" sabi ko sabay yakap.
"Okay na-" naputol sinabi ni Nanay Isabel nung biglang nag-salita si Anna.
"Si Nanay may yakap, ako wala?" Sabi niya sakin.
Ang ganda ni Anna. Hay grabe.
"Siyempre meron!!" Sabi ko sabay lapit sa kanya at yinakap siya.
Pumatak na ang mga luha ko. Sobrang namiss ko siya.
"Tara Ronnie, doon tayo sa Antipolo. Your fave spot" sabi ni Anna sakin habang pinupunasan mga luha ko.
Napansin kong pagod mga mata niya. Umiyak siguro siya.
--
Antipolo
--"Ronnie..." sabi ni Anna.
Tumingin siya sakin sobrang gusto ko siyang halikan. Pero control, Ronnie.
"Anna, sorry. Sorry talaga. Andaming nangyari na alam kong nasaktan ka. Nasagad yung patience mo.. hindi ko rin alam kung mahal mo pa rin ba ako.. pero, Anna sana patawarin mo ako. Bigyan mo pa sana ako ng isa pang pagkakataon." Sabi ko.
"Ronnie, may aaminin ako sayo." Sabi ni Anna.
Kinabahan naman ako bigla don.
"Ronnie, nasaktan ako nung nakita kong hinalikan ka ni Sue. Though, hindi ko nakita na hinalikan ka talaga niya okay. Nasaktan ako kasi naramdaman ko ulit yung sakit na naidulot sakin ni Justin. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nagago ako ulit, Ronnie. Natakot ako.. kaya hindi kita kinakausap pati mga kaibigan mo kasi sobrang mahal na kita Ronnie.. hulog na hulog na.. alam kong mabilis akong bibigay. At Ronnie, oo, nagalit ako. Galit na galit ako kay Sue. Kasi nagtiwala ako sa kanya.. nag-tiwala ako pero sinira niya yun ng ganun ganun lang. Pero Ronnie, sa kabila ng lahat ng yon, ang nangibabaw is yung mahal kita. Mahal na mahal. Wala ng mas hihigit pa sayo Ronnie. Sana akin ka lang.. totoong akin." Sabi ni Anna na naiyak na sa sinabi niyang yon.
Yinakap ko siya dahil alam kong yun lang naman kailangan niya. Hinalikan ko ang noo niya at tumingin siya sakin. Pinunasan ko ang mga luha niya at dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.. at siya rin naman ginawa niya yon.
At doon..
Doon ko siya hinalikan.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!