"Si Ronnie to.. tignan mo naman ako." Sabi ni Ronnie.
Omg, Anna. Magpigil ka ng luha..
"Anna, mag-usap naman tayo. Please. Please, kausapin mo ako" sabi ni Ronnie.
Pinapaligiran kami ng mga kaibigan namin para hindi halata.
Tumingin ako kay Ronnie at namumugto mga mata ko. Gusto ko syang yakapin.. gusto kong sabihin kay Ronnie na mahal ko sya at sana ako nalang.
Pero hindi pwede. Artista siya.. at isang simpleng babae lang ako.
Hinawakan ni Ronnie kamay ko at hinila niya ako palayo sa mga kaibigan namin. Pinilit kong magpumiglas sa hawak niya pero hindi ko kaya.
Nandito na kami sa sasakyan niya. Pinatakbo niya ito at walang nagsasalita ni isa sa amin.
Ang tagal ng naging byahe at hindi ko na tinanong kung saan kami papunta.
Ronnie's POV:
Nakatulog na si Anna sa byahe. Dadalhin ko siya sa Antipolo. May tambayan ako doon kung gusto ko mapagisa. At baka dito nalang din kami magpalipas ng gabi.
Napansin ko ang mga mata ni Anna.. pagod na pagod na siya. Siguro sa kakaiyak..
Nandito na kami. Isang burol sa Antipolo.
"Anna, gising na. Nandito na tayo.." sabi ko habang tinatapik yung balikat niya.
Dali dali siyang gumising at nagtaka kung nasaan kami.
"Oh Alonte, nasaan na tayo?" Bigla niyang natanong.
"Last name basis na pala tayo ngayon, Anna." Sabi ko.
"Hindi mo naman sinasagot tanong ko." Sabi niya.
"Nandito tayo sa Antipolo.. ito yung mismong spot kung saan gusto kong mag-isip isip." Sabi ko sabay tumingin siya sakin.
"Ronnie..." sabi ni Anna
"Anna.. wait. Bago ka magsalita. Patapusin mo muna ako." Sabi ko at tumingin lang siya sakin.
"Anna, simula nung nakita na kita sa Penshoppe.. nagustahan na kita. As in Crush ganun. Ang ganda mo kasi at mukhang kalog ka din katulad ko. Simula nung nagkita tayo ulit non, halos hindi na ako makatulog, kakaisip sayo. Hanggang sa nakipagkaibigan ako sayo. Nakipagkaibigan ako sayo, Anna, hindi dahil fan kita.. pero dahil gusto pa kitang makilala pa. Gusto kong dadahandahanin natin ang mga bagay na kung anong meron man satin. Alam naman natin parehas na hindi lang tayo basta magkaibigan." Sabi ko.
"Pero Ronnie.." sabi niya.
"Oooops! Hindi pa ako tapos. " sabi ko.
"Si Sue at ako ay magkaibigan lang. Kinailangan naming magpanggap na kami para mas dumami pa ang projects namin. Nakita ng mga boss namin kung gaano naging mabenta ang loveteam namin ni Sue..at totoong may boyfriend siya. At hindi ako yun. Kinailangan naming i-announce ni Sue na kami para mas bumenta yung mga naka-line up naming projects. Ginagawa ko 'to para sa mga fans ko, Anna" dagdag ko.
"Ronnie, hindi mo naman kailangang mag-explain" sabi ni Anna.
Halatang nagpipigil siya ng luha.
"Anna.. kailangan ko." Sabi ko.
"Bakit? Kaibigan mo lang naman ako Ronnie e. So pwede mong gawin kung anong gusto mo." Sabi niya sakin.
"Kaibigan? Anna.. alam natin parehas na hindi lang kaibigan ang tingin natin sa isa't isa. Aaminin ko, naging kampante ako na maiintindihan mo, na magiging okay lang para sayo. Kampante akong akin ka lang." Sabi ko.
"Ronnie.. sayo lang naman ako e. Sayong sayo ako ng buong buo. Nasaktan lang talaga ako na biglang nagkaroon ng Sue. Nasabi mo pa sakin nung araw na yun na may boyfriend siya.. yun pala ikaw yung boyfriend niya.." sabi niya at kusang tumulo na ang mga luha niya.
"Anna.. wag kang umiyak please" sabi ko.
"Iyong iyo lang din ako Anna.." sabi ko.
Tinignan ako ni Anna at tinignan ko lang din siya..
"Maha----" sabi niya pero yinakap ko siya.
"Anna, wag mo munang sabihin yan. Gusto ko, maririnig ko yung mga matamis na salitang yan kapag okay na lahat. Kapag napalalim pa natin yung tayo. Pero wag kang mag-alala, Anna. Ganun na din nararamdaman ko para sayo." Sabi ko.
At yinakap lang din ako ni Anna.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!