Jade's POV:
Nandito nanaman ako sa studio. Dito rin kasi ako sa Showtime nagtatrabaho. Hay. Makikita ko nanaman si Ronnie. Araw araw ko siyang nakikita pero walang pansinan e. Hindi ko rin siya magawang kausapin. Pakiramdam ko kasi talaga ayaw niya akong kausapin.
"Jade?" Sabi ni...
Ah, si Alejandro.
"Uy Boy. Kamusta?" Tanong ko.
"Okay lang naman. Ikaw?" Sagot niya at nakita niya ID Lace ko. ABS CBN nakalagay.
"Okay lang naman din. Dito ako sa Showtime nagtatrabaho" sagot ko sa kanya.
"Oo nga e. Napansin ko." Sagot niya.
"Kamusta na si.." tanong ko na nahihiya sa kanya.
"Si R2? Okay naman siya. Masaya sya sa ginagawa niya ngayon. Mukhang nakahanap ng dahilan para magsipag." Sagot niya.
"Ha? Bakit? Pero.. mabuti naman" sabi ko.
"Eh, syempre nagmahal ulit si Ronnie Jade e. Alam mo naman yun kapag nagmamahal. Tsaka, balak na ata nilang mag-ipon para sa future" sagot nito.
Nakakahalata akong sinasadya ni Alejandro na sabihin to sakin para hindi ko na gambalain pa si Ronnie. Hay. Masakit. :(
"Alejandro, seryosong tanong. Galit ba sakin si Ronnie?" Tanong ko.
"Jade.. kahit sino naman ata, magagalit sa nangyari." Sagot ni Alejandro.
"Pero.." sabi ko.
"Pero, pinili mo lang kung ano makakabuti kay Ronnie sa kanya nung mga oras na yon?" Sagot ni Alejandro.
"Oo.." sagot ko.
"Pero Jade, si Ronnie naman dapat nagdesisyon para sa sarili niya at hindi ikaw. Alam mong nasasaktan na si Ronnie sa mga ginagawa mo noon. Alam niya bawat kilos at bawat pagsisinungaling mo. Pero mahal ka niya, inantay ka lang niyang mapagod sa mga ginagawa mo. Na ikaw na mismo yung aamin sa kanya. Kaya nung nakipaghiwalay ka sa kanya, sa sobrang sakit para sa kanya at sa sobrang minahal ka niya, kinayanan niyang palayain ka at umalis na. Kasi alam niyang magiging masaya ka." Sagot ni Alejandro.
Naiyak ako sa sagot niya.
"Jade.. masaya na si Ronnie. Hinayaan ka na niya sa desisyon mo sa buhay. Wag mo na sanang sirain yung kaligayahan niya. Minahal ka ni Ronnie at hanggang doon nalang yun. Alam mo naman na may Anna na siya.." dagdag pa nito.
Para akong sinaksak ng paulit ulit yung puso ko.
"Salamat, Alejandro." Sabi ko at tumayo na.
-
"Ronnie!" Sigaw ko.
"Oh?" Sagot niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko.
"Osige." Sagot niya at naupo sa harap ko.
"Ronnie.." sabi ko.
"Hmmm.." sabi niya.
"I'm sorry, Ronnie. I'm sorry for everything. I owe you a proper closure" sabi ko.
"I already forgave you, Jade. We have nothing to talk about." Sabi niya at ngumiti.
"Ronnie.. sandali lang." Sabi ko.
"Sobrang pagsisisi ko nung nakipaghiwalay ako sayo. Gusto kong habulin ka nun. Pero.. hindi ko nagawa. Kasi ayokong matali ka sa isang babaeng katulad ko." Sabi ko.
"Jade.. ano ba. Hindi na kailangan ng mga ganito. Parehas tayong may pagsisisi sa relationship natin." Sabi niya.
"Mahal pa rin kita, Ronnie.." sabi ko at umiyak sa harap niya.
Hindi siya tumayo at kung ano man.
"Jade. Salamat kasi sinabi mong mahal mo pa ako. Pero alam mong hindi ko masusuklian yung pagmamahal mo kasi may laman ng iba yung puso ko. Tsaka alam mo ba Jade, nung araw na pinalaya na kita, sinabi ko na sa sarili ko na hinding hindi na ako magpapakatanga pa ng ganoon ulit. Sinarado ko yung puso at isip ko sa pag-ibig. Pero, nung nakilala ko si Anna. Napalambot niya ako e. Sobra. Minahal niya ako sa kung sino ako at minahal ko din siya sa kung sino siya. Kaya sana Jade, let's keep it professional. Matagal na tayong tapos e. Sana kung mahal mo talaga ako, hindi mo nagawa sakin lahat ng yon e. Edi sana di ba, tayo pa rin. Pero lipas na yon. Napatawad na kita. Kaya Jade, hanggang dito nalang" sabi niya.
Tumayo sya at nagsimula ng maglakad palayo sa akin. Hinabol ko sya at yinakap.
"Ronnie.. please.. one more chance. Please.." sabi ko habang humahagulhol sa kanya.
Unti unting tinanggal ni Ronnie yung mga kamay kong nakayakap sa kanya at dere-deretsong umalis na.
Umiyak nalang ako ng umiyak sa gilid.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!
