Ilang araw na nakakalipas, hindi na kami nakakapagusap ni Anna. Pero kapag chinecheck ko twitter niya, lagi niyang kausap si Mccoy. Nagiging close na ata sila. Kasalanan ko rin naman? Naging pabaya ako. Naging kampante. Kampante ako na kahit wala kaming label, akin pa rin siya..
Ang sakit ata para sa kanya nung na-announce na yung Team Suenie for Real e. Kakasabi ko lang din sa kanya nung araw na yun na may boyfriend si Sue.. Ano na kayang iniisip ni Anna tungkol sakin?
Nandito ako ngayon sa isang Meet and Greet. Kasama si Sue. Hay. Ang tagal pa ng 6 na buwan. Pero kailangan naming mag-tiis, para sa trabaho.
"R2.." sabi ni Sue.
"Ang lalim ng iniisip mo dyan ha." Sabi niya ulit.
Hindi ako umiimik kasi ayokong pagusapan.
"R2.. nandito lang ako ha?" Sabi niya sabay alis ng dressing room ko.
Nakita ko si Mccoy at Luke at tinawag sila.
"Oy mga pre!" Bati ko.
"Aga nyong nandito ni Sue a. Yie" sabi ni Luke.
"Oo nga. Kamusta na ba pre?" Tanong ni Mccoy.
"Okay lang naman kami ni Sue, mga pre." Sagot ko.
"Kamusta si Anna, coy?" Tanong ko.
Nalungkot mga mata ko.
"Pre.. okay lang naman siya. Siguro ngayon pre.. try mong kausapin. Nabigla yun, sigurado ako." Sabi ni Mccoy.
"Mccoy, pinopormahan mo ba?" Tanong ko ulit.
"Hindi pre." Sagot niya.
"Pero gusto mo sya? Nakikita ko sa mga mata mo." Sabi ko.
"Oo. Pero alam kong ikaw lang naman para sa kanya, pre." Sabi niya.
Hay..
Nasasaktan ko na yung taong nagmamahal sakin..
Pupuntahan ko siya ngayon. Kailangan namin magkita.
"Uy R2, game na! Show na!" Sabi ng RM ko.
"Opo. Lalabas na po ako." Sagot ko.
Sumasayaw na kaming Hashtags at mamaya, lalabas na yung mga kanya kanyang partners namin. Syempre, sakin si Sue. Nandito boyfriend nya. Pupunta kaya sina Anna dito?
Habang sumasayaw na kami, hinahanap ko si Anna. Inaantay ko sya.
"We love you, Ronnie!!!" May mga sumigaw.
Hay. Para sa mga fans ko 'to. Kaya ko ginagawa 'to.
Tapos na kaming mag-sayaw. Chineck ko phone ko. May nagtext.. si Pat.
From: Pat Olivares
Magusap naman kayo ni Anna. Naawa na ako sa kaibigan ko, Ronnie. Linawin mo sa kanya lahat. Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo nalang agad.. pero kung gusto mo siya, sabihin mo bakit may Sue ka ngayon..
Nandito kami sa mall kung saan kayo nagmmall show ngayon.. nanunuod lang kami sa tabi tabi.
Grabe.. ibigsabihin.. sobrang nasaktan ko si Anna.
"Sue at Ronnie, kayo na!" Sabi ng RM ko.
Lumabas na kami at kinantahan ko si Sue ng Makita Lang Kita at si Sue naman kinantahan ako ng Buko.
Nagiging sweet kami ni Sue sa stage. Aaminin ko, mas nailang ako nung nalaman kong nandito sila Anna. Pero trabaho to. Hindi dapat ako mailang.
Nag-question and answer portion kami ni Sue. Syempre tungkol sa aming dalawa yung tanong.
"Ate Sue, ano po nagustuhan nyo kay Kuya Ronnie?" Tanong nung isang babae.
"Kay Ronnie.. yung body built nya at pagiging kalog niya." Sagot ni Sue.
Julianna's POV:
BAKIT BA NAMAN KASI AKONG PUMAYAG SUMAMA DITO? BAKIT NGA BA?
Eto na oh..nakikita ko na silang dalawa sa harapan ko. Ang lambing lambing at parang ang saya saya nila.
Sabi niya, may boyfriend si Sue.. yun pala, siya pala yung boyfriend. Hindi naman kailangang itago e. Hay.
"Ronnie, nag-I love you na po ba kayo sa isa't isa?" Tanong nung isang fan nila.
"Hindi pa, pero malapit na" sagot ni Ronnie..
Malapit na? Oo.. malapit na.
Malapit ka ng umiyak Anna.
Malapit ka ng bumigay Anna.
Malapit ka ng sumuko.
At wala ng pumigil sa mga luha kong pumapatak at nakita ako ni Ronnie.. at napatingin din sakin si Sue..
Natapos na ang show. Sabi ni Mccoy antayin daw namin siya. At ginawa naman namin.
Maya maya lang...
"Julianna?" Sabi ni Ronnie.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!