26

600 16 1
                                    

"Anna, sobrang salamat sa ginawa mo para sakin. Hindi mo naman kailangang gawin 'to, pero ginawa mo pa rin. I love you so much, Anna" sabi ko sabay yakap uli sa kanya.

"Deserve mo lahat ng 'to, Ronnie. Gusto ko lang ipakita sayo na mahal kita at handa akong ibigay lahat sa abot ng makakaya ko." Sabi ni Anna habang yinakap naman ako ng mas mahigpit pa.

Nandito kami ngayon sa Burger King. Breakfast again. Pinaguusapan namin kung anong gagawin namin mamaya.

"Baka pwede naman tayo sa EK? Tuesday palang naman. Hindi ganon kadami tao." Suggest ni Zeus.

"Or.. nuod tayo lahat ng movie?" Suggest naman ni Luke.

"Subic Zafari kaya?" Tanong ni Paula

"Eh.. teka, ano ba talagang gusto mong gawin Ronnie?" Tanong ni Anna.

Gusto ko lang siyang masolo..

"Ah eh.. ano.." sabi ko ng nauutal.

"Alam ko na." Sabi ni Jon.

"Ano yon?" Tanong ni Anna.

"Gusto ka niyang masolo, Anna" sagot ni Alejandro.

Hahaha yaay!

"Oo. Totoo yon." Sagot ko.

"Sige, okay lang naman sakin yon. Hehe" sabi ni Anna.

"Oh pano ba yan? Iwanan na namin kayong dalawa." Sabi nila Luke.

At dahil don, nagsialisan na sila.

"Anna.. tara, punta tayong Tagaytay" aya ko.

"Osige, tara" sagot niya.

Sumakay kami sa sasakyan at nagpunta na ng Tagaytay.

Nakatulog na si Anna sa byahe.

Justin's POV:

Hindi pwede 'to. Nakikita ko sa Twitter, Ig, at Facebook na pinatulan nung Anna na yon si Ronnie. Kailangan kong makaganti sa ginawa sakin ni Anna. Pero nasimulan ko naman na yung plano ko. Yung "kausapin" siya kunwari. Naapektuhan kasi lahat nung pinalabas ni Anna yung video na yon. Hay grabe. Nawalan ako ng mga kaibigan, binabagsak ako ng mga prof ko, binalik ko rin naman yung 10k.

Minahal ko naman talaga si Anna e. Hindi kami aabot ng 1 buwan kung hindi ko siya minahal. Dahil sa pustahan naming magkakaibigan, pagkatapos ng 2 linggo, dapat nakipagbreak na ako kay Anna. Pero hindi, binalik ko yung pera at ipinagpatuloy ko ang relasyon namin.

Masarap kasama si Anna. Sobra. Malambing, clingy, mapagmahal, maasahan, mapagbigay. Lahat na.

At wala po. Wala pong nangyari samin kung yun iniisip niyo. Siya lang ata yung babaeng naging girlfriend ko na kahit santong dasalan na, hindi pa rin niya ibibigay ang sarili niya sayo.

Hindi naman sa yon ang habol ko, pero lalaki ako. Alam nyo naman tumatakbo sa isip ko. Pero, rinerespeto ko yung desisyon niyang yon.

Mahal ko pa rin naman si Anna e.

Ang plano ko lang naman ay makuha si Anna ulit. Gusto ko mahalin niya ako ulit. At sisirain ko din siya, katulad ng pagsira niya sa akin.

Julianna's POV:

Na sa Tagaytay na kami. Tinext ko na si Nanay Isabel na baka hindi na ako makauwi kasi na sa Tagaytay kami.

Nag-check in kami sa isang hotel and spa. Mukhang gusto ni Ronnie, mag-relax relax ah.

"Baby, 2 beds rineserve ko. Okay lang ba?" Tanong niya.

"Okay lang pero bakit 2?" Tanong ko.

"Isa sayo, isa sakin. Ayoko namang isipin mo na I'm taking advantage of you" sagot niya.

I'm All YoursWhere stories live. Discover now