44

713 26 18
                                    

I've been hiding myself from everyone for the past few days. No watching of tv, no vlogs, no social media, no using of phone, just me and Nanay Isabel. Trying to keep it to myself. On my own.

I am regretting every decision I made.

For hurting him.

For thinking of what's best.

For being selfless.

For agreeing.

I can't. I just can't handle every pain I am in right now. There are nights I would wake up crying.. drinking myself up so I can sleep. And cry again on the next morning.

My friends would try to go to me.. but I just won't let them. I am shutting everyone. I didn't have any good meal the past days just because I don't feel like doing so.

Ronnie even tried talking me out. Trying to rekindle every piece we broke. Trying to mend my broken heart.

But he doesn't understand. I don't want him to lose his redemption.

Being in the showbiz is his only redemption.

I can't take that away from him.

I've heard every word that he said the last time he visited. I really wanted to open my door.. but what can I do? 

I have to be strong for us.

If our love is true, then we will meet again. Then everything will be better.

-

"Ms. Anna, are you ready to go?" Tanong sakin ng flight attendant.

Pinasundo na ako ng daddy ko dahil sa mga nabalitaan niya. Naisip niyang mas makakabuti sakin na kasama ko sila kesa na sa Manila ako.

"Yes, sure. I'll be there in a minute" sagot ko.

"Sure Maam. I'll prepare everything you need as you board your plane, Maam." Sabi niya.

"Okay, thanks" sagot ko.

Tumayo na ako at huminga ng malalim. Till we see each other again, Philippines.

-

From: Pat Olivares

Wala ka man lang pasabi na umalis ka na pala Anna. Ang laking pagtatampo na namin sayo.

From: Debby Georgio

Hoy Anna! Nakakatampo ka naman. Ilang tawag at text na kami sayo. Tanging kay Nanay Isabel nalang kami nakakabalita. Pero sana, Anna.. sa pag-alis mo, maging okay ka. Nandito pa rin kami para sayo. Mamimiss ka namin ng sobra.

From: Pat Olivares

Pasalubong ko ha! At mag-aantay ako ng text galing sayo.

From: Mccoy De Leon

Hi Anna, una sa lahat, I pray na maging okay na kayo parehas ni Ronnie. Sana maayos niyo pa ang lahat. At sana makasama ka pa rin naman. At pangalawa, sana maghilom na lahat ng sugat, Anna. Bumalik ka ha. Kami na bahala kay Ronnie.

From: Ronnie Alonte

Baby.. hi. Sana sa huling pagkakataon na 'to, hayaan mo akong tawagin kang baby. :( Baby, andaming nangyari na miski tayo hindi natin maipaliwanag. Gusto ko ng mabaliw kakaisip.. pero wala e. Ito ata ang itinadhana. Aalis ka na talaga.. iiwan mo na ako.. sobrang sakit magpaalam sa taong alam kong mahal ko at mahal pa rin ako. Corny na kung corny.. pero, baby.. mag-aantay ako hangga't sa makakaya ko. Matatapos lahat ng issue na ito. Sana baby... bumalik ka pa. Bumalik ka sakin. Balikan mo ako. :( I love you so much, Julianna Estevez! ♡

Sa lahat ng nabasa kong messages.. sobrang naiyak ako. Hindi ko alam kung paano ako magrereply o kung magrereply pa ba ako. Ang hirap ng sitwasyon. Hindi ko na talaga alam. Ang sakit sakit lang talaga.

-

"Hi anak, welcome home!!" Bati sakin nila Mama at Papa. Nakita ko ang mga mukha nila, bakas ang lungkot at pag-aalala.

Yinakap ko sila agad at tsaka umiyak. Hindi ko na nakayanan pang pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak.

Iniupo ako ni Papa sa aming couch sa living area. At hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak.

"Julianna.. alam mo ba.. nakailang tawag at text sa amin si Ronnie.. humihingi ng tawad sa lahat ng posibleng nagawa niya." Sabi ni Mama na halatang nasasaktan sa nangyayari.

"Anak.. hindi ko maintindihan kung bakit naman biglaan.." dagdag pa niya.

"Ma.. Pa.. kasi po.." sabi ko na nanghihina..

"Kasi po.. nasisira ko na po yung career na matagal po niyang pinag-hirapan. Yung career po niya yung redemption na nakikita niya upang makabawi sa lahat ng naging kasalanan niya noon sa magulang niya." Sagot ko.

"Anak.." sabi ni Papa habang hinahawakan ang kamay ko.

"Para sa akin.. tama ang iyong desisyon. Sunud sunod na issue na ang ibinabato sayo at kay Ronnie.. Ang ABS nga eh, natatakot na mag-pull out na tayo ng shares sa mga kapalpakan na ipinapakita nila. Pero hindi naman tayo ganon, anak. Hindi tayo ganung klase ng tao. Siguro ngayon, hindi pa ito yung oras na itinakda para sa inyo. Magtiwala ka lang sa pagmamahalan niyo sa isa't isa anak. Let yourselves grow and be more mature, anak. Kakayanin niyong malagpasan 'to. Madami pa kayong oras. Magkikita at magkikita kayo ulit" sabi ni Papa sabay halik sa aking noo.

Sa sinabing iyon ni Papa, nagpasalamat ako at tsaka umakyat sa kwarto ko. Napansin ko kaagad mga pictures namin ni Ronnie.. at nakita ko yung ibang mga damit ni Ronnie na iniwan niya ng nagpunta siya dito.

Flashback

"Baby, iiwan ko na mga 'to" sabi ni Ronnie.

"Bakit?" Tanong kong nagulat.

"Wala na kasi akong mapaglagyan ng pasalubong at syempre, para kapag bumalik tayo dito may mg damit na ako. Hindi ko na kailangang magdala ng madaming madaming madaming damit." Sagot ni Ronnie na akala mo siguradong sigurado na babalik kaming States.

"Sige na nga. Akin na, ilalagay ko sa cabinet ko." Sabi ko sa kanya ng naka-ngiti.

"I love you, Anna!" Sabi niya habang nag-iimpake.

"And I love you too" sagot ko habang inaayos rin ang mga gamit ko.

Alam kong mahihirapan akong mag-move on. Dahil sa bawat sulok ng silid na 'to, ang dami daming nangyari at puro alaala ni Ronnie ang meron ako.

-

I'm All YoursWhere stories live. Discover now