17

684 15 1
                                    

Ronnie's POV:

Lumapag na daw ang eroplano nila Tito Steve and Tita Renè. Sa isang private room yung dinner namin. Hindi ko naman lahat gastos ko, kung yun iniisip nyo. Hati kami ng parents ni Anna dito. Gusto lang talaga namin siyang supresahin.

Naging mahaba araw ko ngayon.

Makapag-shower na muna at makapag-ayos na. Para masundo ko na si Julianna.

Namimiss ko na siya. Hay.

-----

Sa bahay ni Anna

-----

*tock tock tock*

"Anna?" Tawag ko.

May nagbukas ng pinto.

Ay si Nanay Isabel pala.

"Hello po, Nanay Isabel." Bati ko sabay hila sakin ni Nanay Isabel sa kusina.

"Nay, bakit ho?" Tanong ko na nagtataka.

"Nak, uuwi sila Steve at Renè ngayon di ba?" Tanong ni Nanay Isabel.

"Ay oho, susunduin po kayo ni Chard dito Nay. Para hindi po makahalata si Anna. Hindi ho niya alam e." Sabi ko.

Ngumiti siya at hinayaan niya na akong magpunta sa kwarto ni Anna.

Nakabukas ang pinto kaya't pumasok na ako.

"Anna, naliligo ka pa ba? Aantayin nalang kita sa baba ha?" Sabi ko sa kanya.

"Ay Ronnie, nandyan ka na pala!! Sige sige. Bibilisan ko nalang!" Sabi niya galing sa loob ng cr.

Natawa ako.

"Okay lang love. Alam ko naman kung gaano ka katagal mag-ayos. Napaaga lang naman ako." Sabi ko.

"Make yourself comfortable. Bahala ka na dyan love! Thank you!" Sabi ni Anna.

"Opooo. Ligo na dyan, love!" Sabi ko.

Nag-ikot ikot na ako sa kwarto niya. Ang laki ng kwarto ni Anna. May bukas na pinto papunta sa area kung saan siya pwedeng manuod ng TV or movies. May mga bean bags, carpeted floor, at may malaking sofa sa gitna. All white yung TV Area ng room niya. Dito naman sa kwarto niya, mint green naman yung kulay ng walls niya. May terrace siya. May glass doors siya at may isang malaking shelf para sa mga books niya. Mostly fictional, editing books, scifi books, marketing books, at law books. Bookworm pala tong si Anna. Napansin ko rin na may walk in closet siya. At King size ang kama niya. Lahat ng gamit niya puro puti. Ang aliwalas tignan ng kwarto niya. Pumasok ako sa walk in closet niya. Grabeng pagka-OC nito ni Anna.. Color coded ang mga damit niya. Nakahiwalay ang mga pang-bahay, sa pang-lakad, at sa pang-school niya. Nakahiwalay rin ang flops, sneakers, flats, and heels niyang sapatos. Nakaayos rin ang jewelry area niya. May part rin ng walk in closet niya na may stage na pabilog sa gitna at may katapat iyong salamin. Full body mirror. Ang yaman talaga nito nila Anna. May side ng walk in closet niya na puro cameras. Iba't ibang klaseng kamera. Naka-ayos pababa. Ang ganda tignan. Meron pang vanity area. Ang ganda. Pang-prinsesa yung buong kwarto niya..

Hay.. Ang nag-iisang prinsesa ng mga Estevez. Kailangan ko siyang alagaan at mahalin ng tapat at sa abot ng makakaya ko.

Pumunta nalang ako sa TV Area ng kwarto ni Anna at doon ko nalang siya inantay.

Julianna's POV:

Nakatulog na si Ronnie sa TV area namin. Kawawa naman siya. Pagod siguro sa trabaho. Ang sarap naman niyang titigan matulog. Ang mestiso niya, ang ganda ng ngiti, ang pogi, ang pupula ng mga labi. Sarap i-kiss.

I'm All YoursWhere stories live. Discover now