45

406 17 5
                                    

"Let us all welcome, Ronnie Alonte of Hashtags" sabi ni Vice.

Agad agad namang pumasok si Ronnie at kumanta ng Sana Ngayong Pasko.

Sobrang lungkot ng kanta, at kahit na si Ronnie.. halata ang lungkot sa mga mata niya.

Nang matapos na, yinakap agad ni Vice si Ronnie para i-comfort to dahil onti nalang, nagbabadya na yung mga luha ni Ronnie.

Umupo na sila at nagsimula ng mag-kwentuhan.

"Ang gwapo mo talaga Ronnie" sabi ni Vice 

"Mana mana lang yan hehe"  sagot ni Ronnie.

Vice Ganda's POV:

Na-brief na ako kanina na wag masyadong focus sa lovelife ni Ronnie. Kailangan sa concert at sa mga MMFF movies ang focus namin.

"So kamusta ka na, Ronniebels?" Tanong ko at natawa siya sa tawag ko sa kanya.

"Ganyan na ba tawgaan natin ngayon, Vice?" Tanong niya sakin.

"Okay lang naman. Haha. Pasensya na sa biglang pagluha ko. Alam niyo namang lahat" sagot niya sabay ngiti.

"Nako, Ronnie, alam naming lahat malalagpasan niyo rin yan!" Sagot ko.

"Oy may upcoming movie ka ha. At take note hindi isa, kundi dalawa!!" Sabi ko.

"Oo nga e. Sobrang thankful ako sa blessings na natatanggap ko ngayon" sagot ni Ronnie.

"Vince, Kath at James di ba? Yung kayo nila Julia?" Tanong ko.

"Oo. Hahaha. Matatawa ka don. Wag ka mahopia ah" sagot ni Ronni sabay tawa.

"Uy kanina ka pa tawa ng tawa ano bang meron sa mukha ko?" Tanong ko.

Tumayo si Ronnie at may binulong sakin.

"MAY KULANGOT KA KASI" Sabi ni Ronnie sa microphone at tawang tawa siya.

"Putan----" sabi ko sabay tawa.

---------

Ronnie's POV:

Tapos na rin sa wakas guesting ko sa GGV. Hindi ko kaya talagang mag-panggap na okay lang ako. Pero para sa mga nagmamahal sa akin at sa mga magulang ko, sige, deretso ako sa trabaho.

-

Nagdaan ang mga araw, linggo, buwan.. at ang isang taon.. walang Anna.. walang Anna na bumalik.

Aasa pa ba ako? O hahayaan ko nalang nagtapos kami sa hindi maintindihang dahilan? Kakamustahin ko ba siya? O dapat ko pa ba siyang isipin?

Hanggang ngayon, masakit pa rin. Yung tipong iiyak ako sa gabi at pag-gising.. maga mata. Hindi na tinatanong ng mga kaibigan ko kung anong meron bakit ganon.. dahil alam naman din nila.

Hindi na ako masyadong lumalabas labas.. at puro trabaho, pamilya, at kaibigan ko lang inaatupag ko. Walang oras para sa sarili.. dahil katulad nito.. eto, nag-iisip nanaman ako. Di ba? Ano bang matutulong nito sakin?

Makapag-twitter na nga muna.

@iamr2alonte: Halos mahigit isang taon na.. babalik ka pa ba?

@r2armies: Hay kuya Ronnie.. hanggang ngayon pa rin ba? @iamr2alonte

@boygisete: Bro, tama na. Bangon na. @iamr2alonte

@mccoy_dl: pre, gising na.. isang taon na oh.. @iamr2alonte

@iamr2alonte: Maghihintay ako hanggang sa kaya ko..

I'm All YoursWhere stories live. Discover now