"SURPRISE!!!"
WOW. JUST WOW. Hindi naman kailangan to e. Pero.. Naiiyak na ako.
"Uy Anna. Wag ka umiyak" sabi ni Nikko sabay yakap sakin.
"Mamimiss ko kasi kayo" sagot ko kay Nikko at yinakap ulit sya.
Grinoup hug nila ako at napansin kong kulang sila. Wala si Ronnie.
Hindi ko nalang masyadong pinansin yung pagiging wala nya at yinakap ko sila isa isa.
"Girl, anong oras flight mo bukas?" Tanong ni Angela.
"Around 11pm. Kailangan by 7 na sa airport na ako." Sagot ko.
"Late pa pala e. So may time pa tayong magbonding lahat" sagot ni Angela.
"Yessssir!" sabi ko at sabay tawa.
Nagkwentuhan, nanuod ng movie, at naglaro ng beer pong.
Oo, uminom kami. Despedida party!!
Ronnie's POV:
Pupunta ba ako? Huling gabi na 'to. Huling pagkakataon ko na 'to. Kung wala, wala na talaga. Pero shit, ano ba.. Ano bang ginagawa ko sa buhay ko? Aasa pa ba ako? Wag puro puso, Ronnie. Utak din.
Aba itong puso at utak ko. Binabaliw na ako. Aba aba. Pero bahala na. Itetext ko nalang muna si Jon para malaman kung nasaan sila.
To: Jon
Pre, saan kayo? Sunod ako
Bilis bilisan mo sumagot.
From: Jon
Pre, nandito kami sa bahay nila Anna. Pumunta ka na. Flight na nya ng 11pm bukas. Tsaka umiinom at nagkakainan dito.
To: Jon
Sige sige. Papunta na ako. Salamat.
Bahay ni Anna
Eto na yun. Pinapasok ako kagad ni Nanay Isabel. Na sa entertainment room daw sila. Nakakarinig ako ng malakas ng tugtog kala mo na sa bar sila. May beer pong, puro pica pica, tsaka may mga heavy meals din. May nagkukwentuhan, naglalaro ng billiards, tsaka sayawan.
Napatingin sila sa pagdating ko at binati. Kahit si Anna lumapit.
"Uy Ronnie, buti nakahabol ka. Akala di ka na pupunta e." Bati sakin ni Anna na may halong tampo.
"Huling beses na pagkikita na natin 'to. Bakit hindi kita pupuntahan?" Sabi ko at sabay ngiti.
"Masyado kang sweet." Sabi ni Anna sabay tawa.
Yinakap ko sya. At yinakap nya ako.
Ang tagal naming nagyayakapan tapos pinagttripan na kami ng mga kaibigan ko. Nagpatugtog na sila ng slow song.
Say You Won't Let Go..
"Loko loko mga kaibigan natin no?" Tanong ni Anna sabay hagikhik.
Natawa ako. Ang cute nya.
"Oo nga e. Pero, gusto ko to." Sabi ko ng may halong kaba sa puso ko.
"Ang alin Ronnie?" tanong ni Anna.
"Eto, nakayakap sayo" sagot ko.
"Ako rin. Gusto ko rin to" Sagot ni Anna at sabay tingin at ngiti sakin.
Tinignan ko sya. Maliit pa rin sya hahaha. Hay ang cute talaga.
"Mamimiss kita, Anna" sabi ko.
"Hmm. Ronnie, tanungin mo ako ulit" Sabi ni Anna.
At alam kong bakas sa mukha ko ang pagkagulat.
"Ng alin, Anna?" Tanong ko.
"Kung mahal pa ba kita.." Mahina nyang pagsagot.
"Anna.. Mahal mo pa ba ako?" tanong ko.
Tinignan nya ako ng taimtim.
"Oo, Ronnie. Mahal pa rin kita." Simpleng sagot ni Anna. Nagulat ako at yinakap sya ng mahigpit. Alam kong tumutulo na luha ko.
"Ronnie.. Alam ko mahirap mag-antay at hinding hindi ko hihilingin yun sayo. Madami pa akong kailangang ayusin. Samin ni Aron.. Career at buhay ko sa LA. Ako, sa sarili ko Ronnie. Madami pa. Pero, wag na wag mong iisipin na hindi na kita mahal. Hindi ka nawala sa puso at isip ko. Oo, nagawa kong magmahal ng iba at totoong mahal ko sya Ronnie.. Pero simple lang ang sagot sa tanong mo, na mahal pa rin kita. Hindi ko pa maexplain.. Pero sana naiintindihan mo yung sinasabi ko" Sabi ni Anna. At alam kong umiiyak na rin sya.
"Anna, naiintindihan ko yung ibigsabihin mo. Alam ko rin yung pagmamahal na meron ka para kay Aron. Ayusin mo. Ayusin mo yung mga kailangan mong ayusin Anna. Nandito lang ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapag-antay.. Pero Anna, sana alam mo na naiintindihan kita. Aalis ka na bukas.. At gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal na mahal kita. At, sa oras na wala ka. Aayusin ko rin sarili ko para sayo, para sa sarili ko, at para sa atin. Kaya sana wag mo akong makalimutang balikan" sabi ko kay Anna sabay halik sa noo nya.
"Thank you, Ronnie" Sagot ni Anna.
"Can I get this night to be with you? Just be mine even if just for tonight" Tanong ko kay Anna. Alam kong masasaktan ako sa pag-alis nya.. Pero gusto kong masaya yung huling alaala ko kasama sya.
"Yes, Ronnie. I'm cool with that" sagot niya.
Pagkalipas ng moment naming iyon. Lumapit kami sa mga kaibigan namin ng magkaholding hands. Wala sa kanilang nag-tanong. Mukhang gets naman na nila agad. Nagtatawanan. Picture dito, picture dyan. Nakakatuwa. Na nagagawa kong ituring si Anna na parang girlfriend ko kahit ngayon lang.
@iamr2alonte: Don't leave us. :(( @AnnaEstevez *insert a picture of Anna and Ronnie together at the Despedida Party*
@TeamLiannie: OMG SI DADDY AT MOMMY OMG
@AnnaLuvies: OMGGGG 😭😭😭😭😭
@McAnna: OMG SUPER CUTE TALAGA NILANG DALAWAAAA
@AnnaEstevez: babalik naman ako haha @iamr2alonte
@patolivares: nagttweet pa kayo, magkatabi lang kayo @AnnaEstevez @iamr2alonte
@nikkonatividad: Lakaaaas 💪💪 @iamr2alonte
@r2Army: AYUN YON OH. SO HAPPY ❤💙
@iamr2alonte: Eh hindi ko alam kung babalik ka pa e. 😔 Mas okay kung wag ka na umalis @AnnaEstevez
@AnnaEstevez: Masyado mo naman ako mamimiss. Hahaahaha wag kang iiyak Alonte ha @iamr2alonte
@iamr2alonte: HALAAAAAAAAAAA @AnnaEstevez *a picture of Anna smiling at Ronnie's Phone*
@TeamLiannie: TAMA NA PO OMG MY PARENTS 😍😍😍😍😍😍😍😍😍
@iamr2alonte: ANG GANDAAAAA MO PO @AnnaEstevez *insert a picture of Anna making a wacky face at Ronnie's phone*
@iamr2alonte: may anak na pala tayo hahahaha @TeamLiannie @AnnaEstevez
@AnnaEstevez: oyy bakit puro pictures ko yan :(( @iamr2alonte
@AnnaEstevez: matagal na. Ngayon mo lang nalaman? @iamr2alonte
-
YOU ARE READING
I'm All Yours
Fiksi PenggemarI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!