06

828 24 1
                                    

Bakit kaya ako kinakabahan?

Nandito na kami sa Parking.

Natigilan ako nung nakita kong may bulaklak na hawak si Ronnie.

"Uy Ronnie, para kanino yan?" Tanong ko.

"Para sayo." Sagot niya.

"Ano ka ba. Hindi naman na kailangan, Ronnie." Sabi ko na nahihiya.

"Eh, kesa naman yung rose lang natanggap mo mula sakin kanina 'no. Mas nakakahiya yun." Sabi nya at inabot nya sakin yung mga bulaklak.

"Salamat, Ronnie. Ang ganda!!" Sabi ko. Alam kong ngiting ngiti na ako sa nangyayari. Ano ba tong si Ronnie.. Fan lang naman ako.

"Anna.." sabi niya.

"Oh?" Sabi ko.

"Pwede bang maging magkaibigan tayo?" Tanong niya. At ngumiti ako.

"Oo naman." Sagot ko.

"Ayoko kasi na iniisip mo na fan lang kita. Gusto kong isipin mo na magkaibigan na tayo. Alam ko, halos isang linggo palang nakalipas simula nung nagkakilala tayo. Pero, gusto kong maging kaibigan ka." Sabi niya.

Hay. Kinikilig ako!

"Oo naman Ronnie. Magkaibigan na tayo!" Sabi ko at yinakap ko sya. Yinakap nya rin ako ng mahigpit.

Pinagpapawisan na sya.

Nako. Mapunasan nga.

Nung pinunasan ko... napatingin ako sa mga mata nya.. at siya rin naman.

Jusko. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Anna.. wag mo akong tignan ng ganyan. Baka mahalikan kita." Sabi nya. At dahil don, binatukan ko sya.

"Aba nambabatok ka ha!!" Sabi nya. At dahil don, tumakbo ako pabalik ng dressing room nila.

Hinahabol nya ako. Hahaha. Pero nagmamadali talaga ako para hindi nya ako maabutan pero...

"HULI KA!!" Sabi ni Ronnie habang nakahawak sa bewang ko.

Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin nya tinatanggal yung mga kamay nya sa bewang ko.

Biglang bumukas yung pinto.

"Aba, aba. Anong ganap?" Hirit ni Luke.

"Hala, papasok na nga ako. Si Ronnie kasi, ang harot!" Sabi ko na nagmamadali pagpasok sa loob.

"Ikaw Ronnie ha." Sabi ni Mccoy.

Ronnie's POV:

"Wag ka nga mang-asar Mccoy. Akin yan!" Sabi ko.

Ay shit. Bakit ko nasabi yon?

"Ano yung iyo Ronnie?" Tanong ng mga kaibigan ni Anna.

"Wala.. wala." Sabi ko na nahihiya.

"Pasalamat ka, busy mag-twitter." Sabi ni Pat.

Naupo ako sa tabi niya at tinitignan ginagawa nya. Fina-follow nya pala lahat ng mga Hashtags.

Aba nag-tweet pa.

@annaestevez: I found my new bestie. Yay!

@patolivares: @annaestevez baka gusto mong magkwento dyan. Tignan mo yung katabi mo, nakikiosyoso sa ginagawa mo.

Aba. Binuking pa ako ni Pat!

"Bakit ka nakatingin?" Tanong sakin ni Anna.

"Wala lang naman. Masama ba?" Sagot ko sa kanya.

Inakbayan ko sya at sumandal sya sa balikat ko.

Nagttwitter lang sya.

@annaestevez: @patolivares inggit ka lang pwe!

@patolivares: @annaestevez aba lumelevel up kayo dyan. Kala ko ba besties lang? Hmpf. Yan tayo e.

@mccoydl: uy new follower @annaestevez hi annaaaa! Hahaha

@annaestevez: omg si mccoy hahaha @mccoydl

@andreatiu: tigil nyo yan, may naguusok na ilong dito @annaestevez at @mccoydl

@paulap: oo nga hoy. Mamaya ma-trending kayo dyan. HAHAHA. Paktay kayong dalawa. @annaestevez @mccoydl

@mccoydl: @andreatiu @paulap oo nga e. Nakikita ko. Hahaha. Hayaan mo. Bagal e. Hahahhaa.

Aba si Mccoy!!! Sabi kong akin e. Nag-twitter na rin ako.

@iamr2alonte: aba akala ko ba akin.

@debgeorgio: @iamr2alonte walang sayo, friend.

@iamr2alonte: @debgeorgia machaket.

@angelgabriel: @iamr2alonte kawawang Ronnie.

@annaestevez: oy magkakasama lang tayo friends @ friends. HAHAHAHA

@lukeconde: kawawang Ronnie. Torpe. @iamr2alonte

@ht_jimboy: friends daw muna kasi. Di ba? @lukeconde

@iamr2alonte: uso kasi yon @lukeconde @ht_jimboy

Busy kami halos lahat kaka-twitter. Ngayon, nagdecide na sina Jameson na mag-laro kami.

"Laro tayo. Spin the bottle" sabi ni Jameson

"Lakas maka-highschool nito ni Jameson" sabi ni Nikko. Nagtawanan lahat pero game naman kami.

Nakaupo kaming lahat sa floor.

Seating arrangement:

Ako, Anna, Mccoy, Paulo, Pat, Luke, Angela, Nikko, Andrea, Debby, Ryle, Jimboy, Jameson, Tom, Jon, Zeus, at si Paula.

"Game na!" Sabi ni Zeus.

Umikot na ang bottle at tumapat to kay Mccoy.

Si Zeus ang nagtanong dahil Truth ang pinili nya.

"Mccoy, sino trip mo sa mga kasama nating girls ngayon?" Tanong ni Zeus.

"Si Julianna." Sagot ni Mccoy.

Hay. Hirap naman ng ganito. May kaagaw na agad ako? Nako.

Naghiyawan naman lahat. At natawa lang si Anna sa kanya.

Umikot na ulit at natapat naman kay Pat.

Dare daw.

"Pat, sigaw ka na tomboy ka sa hall!" Sabi ni Mccoy.

Tumayo si Pat at sinagaw nga nya ito at sabay pasok sa loob. Natawa kaming lahat sa ginawa nya.

Umikot na ng umikot. Kami nalang ni Anna hindi natatapatan nung bote.

"Uy si Ronnie na. Truth or Dare" sabi ni Ryle.

"Dare nalang" sabi ko.

"Kargahin mo si Anna tapos takbo kayo sa hallway sabihin mo gusto mo syaaa" sabi ni Ryle.

Nagulat ako sa dare. Ayaw ni Anna.

Pero napapayag ko rin siya afterwards.

Ginawa ko nga at tawa kami ng tawa pagbalik namin ng room.

"Aba nag-enjoy kayo ha." Sabi ni Mccoy.

"Oo e. Nakakatawa kasi tong si Ronnie" sagot ni Anna.

YES, LOYAL NAMAN NG ANNA KO.

At kay Anna na rin tumapat ang bote.

"Anna? Truth or Dare" tanong ko.

"Truth nalang." Sabi niya at natawa lang sya.

"Anna, akin ka lang ba?" Tanong ko.

Nanlaki mata nya sa sinabi ko. Hahaha.

"Anong ibigsabihin mo don, aber?" Tanong nya.

"Ako lang, nag-iisang hashtag sa puso mo" Sabi ko na natatawa.

"Oo na. Ikaw lang. Sige na. Hahahaha" sabi nya na natatawa.

Kinilig naman ako dun. Seloso ako e. Haha.

I'm All YoursWhere stories live. Discover now