30

557 15 1
                                    

Halos.. isang taon na ang lumipas. Graduating na si Anna at ako naman, mas dumami pa ang projects ko.

Oo ang bilis ng mga pangyayari. Parang dati lang, liniligawan ko palang si Anna. Ngayon, isang taon na kami.

Mahal na mahal ko si Anna. At ngayong graduating na siya.. natatakot ako. Alam kong mag-iiba ang magiging priorities niya. Kinailangan rin ni Anna na lumipad sa States pagkatapos ng graduation niya kasi nagkasakit mommy niya. Hay. Kakayanin ko ba lahat ng to?

-

Julianna's POV:

"Ronnie?" Tawag ko sa kanya dahil nakatulala siya.

"Anong problema?" Tanong ko ulit.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Wala naman." Sagot niya. Pero alam kong may iniisip siya.

"Ronnie, alam ko na iniisip mo.. yung pag-alis ko ba?" Sabi ko.

"Love.. naiintindihan mo naman di ba? Kailangan ako ni Mommy ngayon." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa mga kamay niya.

"Anna.. hindi yun yung iniisip ko." Sagot niya.

"Naiisip ko lang na.. malapit ka ng grumaduate. Mag-iiba na yung priorities mo. Natatakot akong hindi ako kasama sa mga pangarap mo" sabi niyang puno ng sinseridad.

"Ronnie, kasama ka sa mga pangarap ko no. Gusto kong maabot lahat ng yon ng kasama ka. Nang alam kong masaya ka para sa akin. Oo, mag-iiba na talaga priorities ko, Ronnie. Kailangan ko na ng trabaho, kailangan ko ng mag-ipon, kailangan ko ng alagaan ang mga magulang ko. At syempre, para sa future nating dalawa. Yun lang eh, kung ako pa rin ang future mo." Sabi ko ng nakangiti 

Yinakap ako ni Ronnie at hinalikan sa noo.

"Anna, I love you. Alam ko sa mga nakaraang linggo.. para tayong nanlalamig sa isa't isa. Siguro sa pagod at sa bihira nalang nating pag-uusap. Hay. Hindi mo alam kung gaano kita namiss. At ngayong kasama na kita. Sana sa paggising ko, katabi pa rin kita Anna." Sabi ni Ronnie.

Tinignan ko siya at ngumiti.

"Oo naman Ronnie, hindi ako mawawala. Halika na dito at yayakapin na kita." Sabi ko.

"Goodnight Anna, I love you" sabi ni Ronnie.

"Goodnight Ronnie, I love you so much more" sagot ko.

Oo, magkasama at magkatabi kaming natulog ni Ronnie. Comfortable na parents namin sa amin at may tiwala. Nandito kami ngayon sa condo niya at pinapanuod ko lang siyang matulog.

Hay.. parang dati lang.. isa lang ako sa mga fans na sobrang naghahangad makita siya. Ngayon, nakakatabi, nahahawakan, nahahalikan, at nakikita ko siya araw araw.

Hay Lord, salamat! Sana talaga kami na ni Ronnie hanggang sa huli.

-

Ronnie's POV:

Graduate na si Anna at pupunta na siya sa US bukas. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Nandito lahat. Buong Hashtags, mga kaibigan niya, si nanay Isabel, at si Alejandro.

"Guys, ano kayang pwedeng gawin natin ngayon?" Tanong ni Anna habang kumakain.

"Movie Marathon kaya?" Tanong ni Angela.

"Oo nga no? Why not?" Sagot ni Anna.

"Doon tayo sa TV Room. Para mas maganda. Hehe. Dl nalang din kayo ng movies dyan kung gusto niyo. Tawag lang ako ng pagkain." Sabi ni Anna.

"Ronnie, samahan mo na si Anna" sabi ni Pat.

"Syempreee" sagot ko.

Bumaba muna kami at nagpunta sa kusina. Tila may hinahanap si Anna?

"Baby, anong hinahanap mo dyan?" Sabi ko habang nakahawak sa bewang ni Anna.

Humarap siya sakin.

"Hmm. Hinahanap ko........" sagot ni Anna na natatawa.

"Ano nga?" Sabi ko habang nakangisi.

"Hinahanap ko puso ko... yun pala, na sayo na" sabi ni Anna habang tawa ng tawa.

Natawa rin naman ako. Haha.

"Ang corny mo Anna" sabi ko habang tumatawa

Binatukan nya ako at pumunta na sa telepono para tumawag na.

Tinititigan ko si Anna at nakangiti lang sa kanya. Mamimiss ko siya. Ang tagal niyang mawawala e. 

Halos anim na buwan rin siyang mawawala.

"Picture-an mo nalang kaya ako, Ronnie?" sabi ni Anna sakin na nakatitig din sakin.

Kiniss ko sya. 

"Ayy Ronnie, nakakailan ka na ha!" sabi niya.

"Eh mamimiss kita Anna e" sabi ko at nalungkot mga mata ko. 

"Hay... itong baby ko. I'll miss you more" sagot niya. 

"Gising na Ronnie, naghahanda na ang mga girls." sabi sakin ni Jon.

"Ayokoooooo. Ngayon na alis ni Anna di ba?" sabi ko.

"Ronnie.. bangon na. Bahala ka dyan. Iiwan ka na non" sabi ni Jon.

"Hindi ako iiwan ni Anna" sagot ko.

At may luha na ngang pumatak sa mga mata ko.

"Hay nako pare, si Anna na nga lang papupuntahin ko dito para pababain ka." Sabi ni Jon.

-

"Ronnie? Love.. gising na" sabi ni Anna sabay yakap sakin.

"Eh.. ayoko. Aalis ka na e." Sabi ko.

"Ronnie.. mabilis lang to. Promise. Tsaka di ba, pupunta ka rin naman don?" Sabi niya.

At hinalikan nya noo ko.

"Eh baby.. syempre, iba pa rin na nandito ka." Sabi ko.

Si Anna.. naman biglang naupo sa taas ko. At tinignan ako.

"Ronnie Alcantara Alonte, mamimiss kita. Sobra sobra. At dadalawin ko lang si Mommy. Ngayon niya ako kailangan. Susunod ka naman don e. Aantayin kita. Mabilis lang lilipas to baby. Matapos to lahat, papakasalan na kita kung gusto mo." Sabi niya sabay ngiti sakin at nanggugulo ng buhok.

Ngumiti naman ako sa sinabi niyang yon.

"Annaaaaaaa. Siguraduhin monh papakasalan mo ako pagbalik mo." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"I love you, Julianna Estevez! Soon to be Mrs. Alonte" sabi ko sabay kiss sa kanya.

"I love you too, hubby! Bangon na. Inaantay na nila tayo" sabi ni Anna.

I'm All YoursWhere stories live. Discover now