60

240 6 0
                                    

Ang saya ng date namin ni Anna. Oo, kinoconsider ko ng date to. Kasi kaming dalawa lang naman ni Anna nandito e.

"So anong movie na papanuorin natin?" Tanong ko kay Anna.

"Nuod tayo WonderWoman. Gusto mo ba?" Tanong niya.

"Osige sige. Ikaw naman kasama ko e." Sagot ko sa kanya sabay akbay.

Nginitian niya ako at tsaka pumila.

Umakbay ako sa kanya, at habang nakaakbay sa kanya, nagpphone lang ako.

@iamr2alonte: Going to watch WonderWoman. First time to. Sa ibang bansa WAAAH 💪😍

@R2babies: Sinong kasama mo ngayon? :(( @iamr2alonte

@AnnaLuvies: Nagkita na ba kayo dyan? @iamr2alonte

@patolivares: mga pasalubong namin, chikahan mo kami ha hahaha @iamr2alonte

Natigil ako bigla nung nag-salita si Anna.

"Nag-tweet ka ba? Tungkol satin?" tanong ni Anna ng nakangiti.

"Hindi pa Anna. Pero sinabi ko lang na manunuod ako ng WonderWoman" sagot ko sa kanya.

Nagbago naman ang expression ng mukha niya. Ineexpect ba niya na magttweet ako tungkol samin?

"Ay weh? Okay" tipid na sagot ni Anna.

"Anna wait, gusto ko kasi na tayong dalawa nag-aayos nito. Walang opinion ng iba. Basta tayong dalawa muna. I'm sorry kung hindi ko pa kagad nattweet yung tungkol satin. Pero I promise, kapag okay na tayo. Akin ka na ulit. Ipapaalam ko sa lahat yon." Sabi ko kay Anna.

Ngumiti naman siya at yinakap ako.

Pumasok na kami sa loob ng sinehan. Nakakapanibago, mas malaki at cozy yung upuan ng sinehan nila dito. Ang saya.

"Gusto mo ba ng pagkain, Ronnie?" Tanong niya.

"Hm. Medyo busog pa ako e. Ikaw ba? Bilhan kita gusto mo?" tanong ko.

"Gusto ko sana ng water e." Sagot niya.

"Osige. Bilhan kita sa labas. Saglit lang ha." Sabi ko.

"Thank you, Ronnie" Sabi niya.

Hinalikan ko siya sa noo, at tsaka lumabas.

Lumabas na ako ng sinehan at pumila sa food station.

-

"Anna!" pagtawag ko kay Anna habang papalapit sa kanya.

Nang mapansin kong may nakatayo sa harap ni Anna at mukhang nagkakasagutan sila.

Lumapit ako at nakita ko si Aron.

"Aron, let go of me. Please" pagsumamo ni Anna.

"Aron, let go. You're already hurting her" singit ko sa kanilang dalawa.

"So what now? Ronnie again? Goodluck Anna." sabi ni Aron at sabay alis.

Yinakap ko si Anna at yumakap rin siya sakin pabalik.

"Okay ka lang? Anong nangyari?" tanong ko kay Anna.

"Nakita na pala niya kasi tayo. Tapos feeling niya kaya hindi ko na siya babalikan kasi tayo" sabi ni Anna.

"Hala. I'm sorry, Anna" sambit ko kay Anna.

"You don't have to apologize, Ronnie. I like what we are right now." Sabi ni Anna.

Nagsimula na ang movie at ang saya lang kasi may mga moments na..

Nagkakahawakan kami ng kamay, na yumayakap siya sakin. Hihi. Ano na bes? Kilig na kilig si ako.

I'm All YoursWhere stories live. Discover now