Mukhang back to normal na sina Anna at Aron. Okay na yun, kasi alam ko kahit papano si Anna masaya. Medyo iwas pa rin sakin si Anna, dahil siguro sa nangyari nung unang gabi. Pangatlong araw na, wala pa rin kaming chance ni Anna para mag-usap. Hays. Bakit naman ganon? Akala ko magiging okay yung bakasyon namin.
Naglalakad-lakad ako ngayon.
"Kuya Ronniieee" sigaw nung isang babae. Mukhang fan siya.
"Nandito po pala talaga kayo. Omgg" sabi nung isa niyang kasama.
Ngumiti ako at nag-hi. Nagpicture picture kami at saka sila umalis.
Hay.. Sana kasama ko si Anna ngayon. Para makausap ko siya at malaman ko na yung totoo.
Kung bakit kami nag-hiwalay, kung bakit niya ako iniwan.
Maya maya may tumatapik sa balikat ko.
Pag-lingon ko, hindi ko inaasahan to.
Si Anna.
"Anna" bati ko sa kanya at ngumiti.
"Ronnie, halika. Samahan mo ako" pag-aaya niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko na nagtataka habang hinihila niya ako sa isang bangka.
"Basta. Tara naaa" pag-pupumulit niya na para ba siyang bata.
Sumakay na kami ng bangka at parang papunta kami sa isang maliit na isla.
Nang dumating kami sa maliit na isla, may basket ng pagkain, nippa hut, and beach towels sa buhangin. Mukhang pinaghandaan ni Anna tong araw na 'to. .
Habang ako, takang taka sa nangyayari.
"Anna?" tawag ko sa kanya.
"Ronnie, halika dali. Meron tayong buong araw dito. Susunduin tayo ni Manong ng alas kwatro" sabi ni Anna habang inaayos yung pagkain.
Ngumiti nalang ako at ineenjoy tong solo kong oras kasama ko si Anna.
"Tara kain muna tayo" pag-aaya ni Anna.
Kumuha na agad siya ng makakain niya. At natawa naman ako.
"Gutom na gutom, Anna?" Tanong ko na natatawa.
"Eh wala pa akong kain simula kanina pang umaga e" sagot niya at kain pa rin siya ng kain.
Ngayon ko lang napansin yung hulma ng abs niya. Grabe, nag-workout si Anna.. Hot. Wooh.
"Pasaway ka pa rin. Alam mo namang bababa yung blood sugar mo sa ginagawa mo e." Sabi ko sa kanya.
"Eh ginawa ko naman yun para may mahain ako sayo." Sagot niya at ngumiti.
Kumain kami at nagkatawanan sa mga memories namin noon. Pansin lang yung pag-iwas ni Anna sa paghihiwalay namin.
"So.. Anna, alam ni Aron?" Tanong ko.
"Oo alam niya. Pumayag naman siya" sagot naman niya.
"Ronnie.. I want to say sorry" sabi nito at hinawakan mga kamay ko.
"You deserve the truth." Dagdag pa niya.
"Anong truth, Anna?" Tanong ko na may halong kaba.
"Pinakiusapan ako ng management mo na hiwalayan ka.. Para sa career mo at para hindi na madawit pangalan ko sa mga nangyayari" sabi niya.
Natahimik ako. Nagulat.
"Anong sinasabi mo, Anna?" Tanong ko sa kanya.
"Naghiwalay tayo dahil sa management mo. Hindi ka nila kayang kausapin kasi alam nilang hihindi ka, kaya ako yung pinakiusapan nila.." sagot niya.
"Bakit ka pumayag?" Tanong ko.
"Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba ipaglalaban mo rin ako, Anna?" tanong ko ulit.
"Ronnie.. Yun yung alam kong tama. Alam kong matatahimik at malalayo ka sa gulo kapag wala ng problema sating dalawa.. ginawa rin ng management mo 'to, para sa parents ko, Ronnie. Hindi na natutuwa sila Mom and Dad sa nangyayari.. Natakot management mo na baka magpull out na ng shares parents ko kasi dawit na dawit na pangalan ko at may nagbanta na sa buhay ko Ronnie." sagot niya at pumatak na mga luha niya.
"I'm sorry, Anna.." sabi ko at yinakap siya.
"Anong nangyari sa States, Anna?" tanong ko sa kanya.
"I fell on depression, Ronnie. Ilang buwan akong di makausap nila Mom and Dad. Kahit sila Pat, pinutol ko connection ko sa kanila. Ni hindi ako kumakain. Wala talaga, Ronnie. Para akong namatay.." sagot niya.
Punyeta, ginawa ko yun sa kanya?
"Anna.." sabi ko.
"No, Ronnie.. Patapusin mo ako." sabi niya.
"Hirap na hirap ako non, Ronnie.. Nag-therapy ako at umiinom ng anti-depressant pills." dagdag niya.
"Hanggang ngayon, Anna?" tanong ko.
"Hindi na." Sagot niya.
"Nadivert na yung depression ko sa paggawa ng youtube videos at hanggang sa nakilala ko na mga youtubers sa California" sabi niya.
"Kaya mo nakilala si Aron?" Tanong ko.
"Oo." sagot niya.
"Alam nilang lahat to pwera lang sakin?" Tanong ko ulit.
"Oo.." Sagot niya.
"Bakit Anna? Hindi ko ba deserve na malaman?" Tanong ko sa kanya.
"You deserve to know, but how can I tell you? Takot ako" sagot niya.
"Takot ka saan?" tanong ko.
"Na kapag kinausap kita ulit, anong mangyayari sakin? Will I fall on depression again? Will I be able to face you ng okay ako? I needed time, Ronnie" Sagot niya.
"Anna.. I'm sorry" sabi ko.
"It's okay, Ronnie. It's for the best" sagot ni Anna.
Natahimik kami at ngayon ko lang naramdaman yung ganitong bigat. Yung para bang alam kong hindi na babalik sakin si Anna. Alam kong.. Huli na 'to.
"Anna?" Pagtawag ko sa kanya at tumingin siya sakin.
Nabihag ako kagad ng mga mata niya. Hay. Gusto ko siyang halikan, pero alam kong hindi rin tama..
"May nangyari pa bang hindi ko alam?" Tanong ko.
"Hmm. Meron" Sagot ni Anna.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Naaksidente ako, Ronnie" Sagot niya.
Nagulantang ako sa sinabi ni Anna.
"HA? Anong nangyari?" Tanong ko.
"I tried to kill myself because of everything. Because I was so depressed... Pero, hindi ko naman gusto ituloy e. Kaso.." huminto si Anna at nakita kong pumapatak na mga luha niya.
"Kaso.. Malalim pagkakalaslas ko sa sarili ko." pagpapatuloy niya.
"Si Aron nakakita sakin non. May shoot kasi kami non. Eh wala akong sinasagot sa mga tawag o text nila, so nagpunta siya sa bahay. Ayon. Nakita na niya akong walang malay at may dugo sa kama" kwento ni Anna.
Pumatak na mga luha ko. Hinawakan ko mga kamay ni Anna at nakita ang marka ng pagkakalaslas niya.
"I'm sorry, Anna. I'm sorry" pag-susumammo ko sa kanya.
-
![](https://img.wattpad.com/cover/76423764-288-k316136.jpg)
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!