Isang linggo na ang nakakalipas. Wala kaming matinong pag-uusap pa ni Ronnie. Tila ba after ng interview.. nagkaroon ng distansya at sakit na namuo. Kaya't pinuntahan ko siya sa kanila..
"Ronnie, halika nga dito.." pag-tawag ko sa kanya.
Lumapit naman siya at bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot at lalim ng iniisip.
"Ronnie.. halos isang linggo na ang nakakalipas. Ganito pa rin tayo. Hindi pa nakakabangon." Sabi ko kay Ronnie at sabay hawak sa kanyang kamay.
Tumingin naman siya sa akin na tila ba'y may gusto siyang sabihin pero walang lumalabas na salita sa mga labi niya.
"Mahal.. na mahal na mahal kita, Ronnie. Sobra. At sa kahit ano pang danos na dinanas natin, mas minamahal lang kita. At kung iniisip mo na puro pahamak ang naiidulot mo sa akin, ang naiisip ko naman.. unti-unti ko ng nasisir yung pinaghirapan mong career.." sabi ko kay Ronnie.. at unti unti ng pumapatak ang mga luha ko.
Hinawakan ni Ronnie ng mahigpit ang aking kamay.. na para bang nagpapahiwatig na wag kong ituloy ang mga sasabihin ko.
"Anna.. if this is break up, wag baby. Pleasee.." pagsusumamo ni Ronnie sakin.
"Baby, kailangan.. kailangan nating mag-hiwalay.." sagot ko na umiiyak na sa harapan ng lalaking pinaka-mamahal niya.
"Pero bakit, Anna?" Tanong nito.
"Kasi ginawa na nating mundo ang isa't isa.. at hindi na natin namamalayan na ang dami na nating napapabayaan Ronnie. Andami ng nangyari Ronnie.. baka tama ka nga, ito yung paraan ng kalikasan at ng Diyos para sabihin sa atin na hindi tayo para sa isa't isa. After all, isa lang naman akong fan.. at ikaw, isa kang artista." Sagot ko sa kanya na puno ng sakit.. lalo na't sa huli kong sinabi. Para kong sinaksak ang sarili ko gamit ang aking mga salita.
"Anna, please.. wag. Wag mong isipin yan. Wag mo akong iwanan, Anna.. please" pagsusumamo ni Ronnie.
Ngunit, binitawan ko siya at tumayo. Agad agaran namang tumayo si Ronnie at yinakap ako. Umiiyak na siya... at umiiyak na rin ako..
Habang naka-yakap sakin si Ronnie.. nag-flashback ang lahat.. simula nung una kaming nagkakilala, sa showtime, exchange of messages, dates, at pagpunta niya sa America, at lahat ng surprises.. at bumalik rin sa aking alaala.. nung araw na kausapin ako ni Tita Rb.
Flashback
"Anna, pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Tita RB at ngumiti.
"Sure, ano po yun, tita?" Tanong ko sabay sa pag-upo sa harapan niya.
"Anna.. gusto ko sanang makiusap sayo" sabi ni Tita Rb at pakiramdam ko hindi maganda ang sasabihin nito..
"Anna, alam kong nagmamahalan kayo ni Ronnie.. pero, as of now, Anna, kailangan niya na munang mag-focus sa career niya. Hindi niya kailangan ng lovelife issues ngayon Anna." Sabi nu Tita Rb sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako magsasalita.
"Alam kong hindi papayag si Ronnie kapag sa kanya kami nakiusap, pero sayo ako nakiusap Anna.. para sa ikabubuti niya 'to Anna. Alam kong mahal mo siya Anna. At kung dumating man ang panahon na magkita kayo ulit, at mas tama na ang oras, alam kong magiging kayo na ulit." Dagdag pa nito.
Pumatak nalang ang mga luha ko, dahil alam ko namang tama siya. Nasisira ko na ang pinaghirapang career ni Ronnie.
End of Flashback
"Anna, iiwanan ko nalang ang showbiz kung ito ang magiging problema natin." Sabi ni Ronnie.
"Ronnie.. wag. Wag na wag mong gagawin yan. Mahal mo ang career mo. Ginagawa mo yan para sa pamilya mo at para sayo." Sagot ko.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!