Walang ka-alam alam ang mga fans ko na naaksidente ako dito sa States. Napagusapan ng management na mas bibilis ang paggaling ko kung yun lang ang iniisip ko. Tama nga naman kasi, mas naging madali sakin magpagaling. At ngayon, na sa Target kami ni Anna. Namimili ng mga kailangan niya sa bahay. Ewan ko ba, according to season yung pag-aayos nila ng bahay. Youtubers 😅 Andami ng laman ng cart namin. Grabe. Haha.
"Anna, uy! Andami mong binibili!!" sabi ko sa kanya habang sinusundan lamang siya sa mga isle.
"Eh kasi may giveaway ako for this month. Kaya, ayun. Sorry." sabi niya sakin at sabay puppy face.
"Hala hindi mo naman kailangan mag-sorry no. Nagtataka lang ako. Hehe" sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Hindi na baby tawagan natin?" tanong niya.
Napatigil ako at napalunok. Nakakagulat naman tong si Anna kung magtanong.
"Bakit, gusto mo ba permanent na yon?" tanong ko at sabay hila sa kanya palapit sakin.
"Hmm. Pag-isipan ko muna" sagot niya at sabay kawala sa pagkakayakap ko sa kanya.
Natawa naman ako sa ginawa niya.
"Baby!!" sigaw ko at nanlaki mata niya sa ginawa ko. Ang pula pula niya sobra. Hahaha.
"Ang cute cute cute mo!!" sabi ko sa kanya habang kinukurot ko pisngi niya. Hehe.
-
@TeamLiannie: OMG SINONG NAKAKITA NG VLOG NI ATE ANNA?? KASAMA NIYA SI RONNIIIEEE. 😍😍😍
@r2natics: Omygaaaaad. Sobrang goals talaga nila 😭
@AnnaLuvies: this is it pancit!!! Malapit na ata sila magkabalikan. Yeah boi ❤
@ht_jon: lakasssss 💪💪 @iamr2alonte @AnnaEstevez
@vicegandako: Muli, pinakilig niyo kami @AnnaEstevez @iamr2alonte
@StarStudioPh: Hashtags Member, Ronnie Alonte at ang dating nobya, nagkabalikan na nga ba???
@AnnaEstevez: I have my cutie munchkin back! I love you, R! ❤
@iamr2alonte: I love you too, A! ❤
@patolivares: walang mention mention pero gets nyo na yan HAHA.
@annecurtismith: I am so kilig!! 😍 #TeamLiannie
-
Nandito ako ulit sa bahay nila Anna at walang kaalam alam si Anna na pupunta ako ngayon dito. Gusto ko na kasi hingin ang kamay niya sa kasal.
"Oh Ronnie, napadayo ka." sabi ni Tito.
"Pasok ka hijo." sabi naman ni Tita.
Pumasok ako ng bahay nila at kinakabahan na ako.
"Tito.. Tita." sabi ko. Pinagpapawisan ako ng malagkit.
"Ano yun, Ronnie?" tanong ni Tita.
"Hihingiin ko na po ng pormal ang kamay ng anak nyo sa kasal." sabi ko ng dere-deretso.
Tumulo naman ang luha ng mommy ni Anna.
"Ronnie, ikaw lang tanging lalaki na nakikita namin para kay Anna. Inalagaan at prinotektahan mo siya sa paraang alam mo at makakaya mo. Minahal mo siya ng buo kahit ano pang danos ang dumaan sa inyo. At kamuntik-muntikan ka pang mawala sa kanya ulit. Hindi ko na kayang maging hadlang sa ikasasaya ng anak ko, Ronnie." Sabi ni Tito.
"Anak, patawarin mo kami sa aming naging unang pagtanggi. Yun pa ang naging dahilan para marealize namin kung gaano ka namin katanggap, kamahal, at kagusto para kay Anna. Sana mapatawad mo kami, Ronnie." sabi ni tita habang nakahawak sa kamay ko.
Yinakap ko si Tita at nagpasalamat.
"Thank you po, tita and tito." sabi ko.
"Welcome to Estevez Family, Ronnie!!" sabi ng papa ni Anna.
Pinakain at nagkwentuhan kami nila Tito at Tita.
"Tita, Tito, wag niyo po muna sabihin kay Anna. Gusto ko po magpropose sa kanya sa paraang deserve niya. Isusurprise ko po siya." sabi ko.
Umoo naman sila agad at naintindihan ang naging plano ko.
-
Ano bang maganda at babagay kay Anna na singsing??? Natawa naman ako sa sarili ko na ilang beses ko ng iniisip na papakasalan ko si Anna pero wala pa akong singsing na nabibili.
Loko loko ka talaga, Ronnie.
YOU ARE READING
I'm All Yours
FanfictionI'm just an ordinary fan of #Hashtags of Showtime. Not until... I met him. COMPLETE NOOOOOOOOOW!!!!!!!!