51

316 10 1
                                    

Ronnie's POV:

"Hindi ka na ba nagseselos sa kanila, Ronnie?" Tanong ni Pat.

"Well.. Medyo. Pero kasi, ito nalang yung time na meron kami ni Anna para mag-usap kasi aalis na sila ulit e. Doon ako naka-focus ngayon. Tsaka, mas nag-aalala ako kung anong nangyayari sa kanilang dalawa ngayon." sagot ko.

"Hay.. Gusto ko sanang sabihin. Pero hahayaan ko nalang si Anna mag-sabi sayo." sabi ni Pat.

"Okay lang, Pat. Naiintindihan ko naman. Ayoko rin naman na marinig pa sa iba. Gusto ko mang-galing kay Anna mismo" sabi ko.

"Mas tama naman yon e." dagdag ni Pat.

Biglang sumupot sina Anna at Angela.

"Seryoso niyo dyan a." Kanchaw ni Anna.

Boses lasing na siya.

"Hays Anna, lasing ka na." sabi ko.

"Hindi ako nalalasing, Ronnie no" sagot niya sakin.

"Halika na, Anna, magpababa ka muna ng ininom mo." sabi ko.

"Sige Ronnie, alalayan mo muna tong si Anna. Jusko, san san na kami napunta sa kulit" sabi ni Angela.

Sumenyas naman na si Pat na gawin ko na nga.

Inalalayan ko na si Anna, at hay. Amoy na amoy na yung alak sa kanya.

"Ano ba, Ronnie.. Hindi mo naman dapat gawin to." Sabi ni Anna.

"Anna.. Bakit ka ba nag-inom ha?" Tanong ko at umupo sa may tabing dagat.

"Wala lang, enjoy lang di ba?" sagot niya.

"Anong problema, Anna?" tanong ko.

"Ako. Ako yung problema." sabi niya habang humihikbi.

Natatawa ako, ang cute niyang malasing.

"Paano naman na ikaw?" Tanong ko na natatawa.

"Bakit ka natatawa? Nakakainis ka naman e" Sabi niya habang nanunulak.

Hinawakan ko siya.

"Anna, isa." sabi ko.

"Dalawa" sabi niya habang nakangiti.

"Tatlo. Wag mo na paabutin ng lima kundi hahalikan kita" Sabi ko.

Natahimik siya, tapos natawa.

"Talaga ba? Kaya mo?" Tanong niya na tila ba nanghahamon.

"Oo, kaya ko. Ako pa ba?" Sabi ko sa kanya.

"Apat" sabi niya.

"Lima. Okay, deal" Sagot ko sabay halik sa mga labi niya.

Grabe, parang nag-slowmo lahat. Hindi ko lubos maisip na, mahahalikan ko siya ng ganito.

Hinawakan ko mukha niya at tinitignan reakayon niya, nakapikit siya at nakahawak siya sa kamay ko. Ramdam ko bawat pagtibok ng puso ko.

Tumigil kami bigla.

"Ronnie.." sabi ni Anna.

"Ano yon, Anna?" tanong ko.

"Hindi ito tama.." sabi niya na may nagbabadyang pumatak na luha sa mga mata niya.

"I'm sorry, Anna.. I'm sorry" sabi ko.

Alam kong alam niyang hindi lang dahil sa halik yung paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Alis na ako, Ronnie." sabi ni Anna.

I'm All YoursWhere stories live. Discover now